Patungo na kami sa school ni Seb. Tila aligaga pa ito sa kan'yang kinauupuan dahil sa ilang mga text messages niyang natanggap mula pa kanina.
Malapit na kami sa school ay saka pa lang siya nagsalita.
"Hindi kita masusundo mamaya Marina," panimula niya. "Mauna ka na lang umuwe mamaya dahil may importante pa kong lakad after this class. Hindi ko alam kung makakauwe ako agad," ani niya.
"Okay," tipid kong sagot. Lihim akong napangiti. Sana matagalan siya sa pag-uwe. Kasi kung narito siya. Hindi ko makakain ang mga gusto kong ulam.
"Parang masaya ka pa. Huh!" Tila nakaramdam siya sa pagkasabik ko. Napaangat pa ang sulok ng kan'yang labi.
"Ako masaya? Hindi naman. Paano mo naman nasabi na masaya ako?" Maang-maangan kong sagot.
Tipid siyang napatawa. "What do you think of me? Na hindi ko alam ang nasa isip mo? No meat Marina and I'll make sure na hindi ka makakakain ng mga pagkaing paborito mo," asik niya. Naunang bumaba na siya ng sasakyan pagkapark niya rito sa parking area.
Habang ako ay nanatiling narito pa rin. Naiawang ko na lang ang ibabang labi ko sa,
sinabi niya. Seryoso ba siya? Talagang pakakainin niya ko ng kamatis forever! Inay ko po, gusto na lang uli tumira sa bahay kaysa manirahan sa mansion ni Sebastian. Hiyaw ng isipan ko.
Malungkot ang aking mukha pagkarating ko rito sa loob ng room. Wala si sir Seb at tila may ibang inaasikaso ito. Ibang guro ang magtuturo sa amin ngayong umaga. Parang kalahating buwan mawawala si Seb ah. Saan naman kaya siya pupunta?
Nakakawalang ganang mag-aral ngayong araw. Paulit-ulit na lang yung mga tinuturo nila halos memoryado ko na lahat ng mga tinuturo sa amin. Always perfect ang nakukuha ko sa mga quizes na binibigay nila ngayon. Pero kung si Sebastian ang nagpapaquizz ay talagang nachachallenge ako sa kan'ya. Yun nga nga lang hindi ko perfect lalo na't may essay pa itong pinapagawa kahit tama naman ang opinyon ko pero parang pinaikot-ikot lang niya yung sagot. Magkaiba kasi kami ng pamamaraan ni Sebastian sa pag-iisip. Yung talagang mapapaisip ka na lang dahil sa kritikal niyang mag-isip. Napangiwi na lang ako rito sa upuan habang dinudokdok ko ng ballpen ang malinis na papel. Parang gusto ko na lang hilain ang oras para matapos na ang klase namin. Pero kapag si Sebastian ang Prof. namin ngayon ay kay bilis lang ng oras.
Dumating na rin ang lalaking Prof namin. Ang aming last subeject dahil half day lang kami today. May meeting sila mamayang ala una. Ito siguro yung mga sunod-sunod na activities na gagawin this incoming month. Pero dahil sa excited ang mga kaklase ko nang mag-announce ang aming Prof. Lahat kami ay natuwa. Pinauwe kami agad para maghanda sa gagawin namin. Pero isang malaking problema ito para sa akin. Paano ako maghahanap ng limang lugar na magaganda kung wala naman akong kakayahang maghanap.
"Wala akong sasakyan Lexie dahil kabayo lang meron ako. Paano ako makakarating sa gusto kong puntahan. Mapapagod lang kabayo ko lalo na ang taba-taba ko pa," ani ko. Pauwe na kasi kami ngayon. Konti lang naman pinagawa sa amin ng Prof. namin.
"Nakakatuwa nga eh! dahil isang linggong walang pasok," sagot niya.
"Anong nakakatuwa doon ha? Mabuti sana kung groupings ang ginawa kaso individual," reklamo ko. Ang daming mga activities na ibinigay itong eskwelahan na ito. Ang hirap naman itong kalagayan ko," sabay nguso ko.
"Sorry friend ha. Si kuya Nathan sana ang mairerekomenda ko sayo na tutulong kaso paano naman ako? Need ko din tulong niya for this activities."
"Okay lang friend. Alam ko naman eh. Magpapatulong na lang siguro ako kay kuya Zander kung hindi siya busy."
Napasinghap na lang ako habang patungo na kami sa labas ng gate. "Gusto mo bang sa bahay muna tayo?" Tanong niya sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa dahil makakakain ako ng masasarap na pagkain sa kanila.
"Sige ba," sagot ko agad. Narito na kami sa may waiting area habang inaantay ang pagdating ng kan'yang sundo. Ngunit dalwang sasakyan ang huminto rito sa tapat namin ni Lexie. Nagkatinginan kaming dalawa nang sabay pang bumukas ang pinto ng kanilang mga sasakyan.
"Si kuya Zander at si sir Sebastian?" usal ni Lexie. "Ang haba ng hair mo Marina," mahinang usal nito. Patungo na rito ang dalawa sa kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung sino sa dalawa ang titignan ko dahil pareho naman silang guwapo. Habang ang katabi ko ay kinikilig na parang maiihi na sa kan'yang itsura.
Nagkatinginan pa ang dalawang magkaibigan nang sabay silang huminto sa aming harapan. Ang akala ko ay may pupuntahan siya pero narito pa din siya. Bakit?
"Let's go Marina," pag-aya ni kuya Zander na kinakunot-noo ni Sebastian.
"Zander! Sa akin makikisabay si Marina. Baka nakakalimutan mong sa akin siya nakatira.," ani niya. Parang kinilig ako sa moment na ito dahil pinag-aagawan nila ang isang letson, natawa na lang ako sa kaisipan kong ito.
Napatawa si kuya Zander. "Okay fine! dumaan lang naman ako rito dahil gusto ko lang sunduin si Marina. Alam mo namang malapit lang rito ang building na pinapasukan ko. So in case na gusto ko siyang sunduin ay masusundo ko siya," sabay ngiwi namin na may kasamang pagngiti namin ni Lexie. Kasabay naman ang paghinto ng isa pang sasakyan. Si kuya Nathan naman iyong bumaba roon.
Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan. "Ikaw Nathan, sunduin mo na si Lexie. Kanina pa 'yan nag-aantay ng sundo," ani ni kuya Zander.
"Eh kayong dalawa? Anong ginagawa niyo rin dito? At ikaw Sebastian, bakit narito ka pa? Diba kanina ka pa dapat na nakaalis?" Takang tanong ni kuya Nathan
"What do you care Nathan," singhal ni Seb. "Isasama ko na si Marina. Since wala naman silang pasok ng isang Linggo," na ikinaliki ng mga mata ko. Lihim akong napangiti. Isasama niya talaga ako sa pupuntahan niya? Napasimangot na lang ako dahil hindi na ko lulubayan ni Seb. Hindi na talaga ako makakakain ng gusto ko. Nagkibit-balikat na lamang dalawang magkaibigan. Walang nagawa ang mga ito dahil alam nilang kay Seb ako sasama.
"Okay! Next time na lang kita sunduin Marina," ani ni kuya Nathan.
"Kuya naman!" singit ni Lexie. "Pati ba naman ikaw ay susunduin din si Marina?" tampong ani ni Lexie.
"Oo sana, akala ko kasi sinundo ka na ni manong," sagot ng kuya niya.
"Ahmm.. Alam niyo mga kuya. Salamat talaga sa inyo dahil naalala niyo kong sunduin," sabay yakap ko pa sa dalawang magkaibigan. Kita ko ang pag-igting ng panga ni Seb dahil sa pagyakap ko sa kanilang dalawa ngunit saglit lang naman iyon.
Nang matapos naming magpaalam sa isa't-isa. Naunang sumakay si Sebastian sa kan'yang sasakyan. Sumunod na din ako sa kan'ya at tahimik na sumakay rito sa sasakyan niya. Sabi niya kanina hindi niya ko masusundo. Tapos ngayon magagalit din siya kapag may ibang magsusundo sa 'kin.
"Galit ka ba Seb?" Tanong ko. Umandar na ang sinasakyan na minamaneho niya.
Tumingin siya sa 'kin. "Iyon ba ang tingin mo sa 'kin?"
"Pakiramdam ko lang naman," sagot ko. "Ang tahimik mo kasi."
"Bakit Marina? Saan ka ba mas nasanay sa ugali ko? Yung totoo., okay." Bigla niyang tanong. Sabihin ko kayang mayabang siya para malaman niya.
"Ahmm... Sa totoo lang, nayayabangan ako sayo. Huwag kang magagalit ha. Iyon kasi ang totoong nakikita ko sayo," sabay takip ko ng libro sa aking mukha dahil umiba ang tingin niya sa 'kin.
"Bakit ka nagtatago riyan?" Sabay kuha niya sa librong nakatakip sa aking mukha. Nagulat ako sa ginawa niya nang ilapag niya ang libro sa hita ko. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Napakurap na lang ako ng dalawa kong mga mata dahil sa bilis ng pitik ng puso ko. Ang lapit kasi ng kamay niya sa may bandang puson ko.
"Ahm... sorry," sabay tanggal ng kamay niya sa hita ko. "Are you okay?" Tumango na lang ako. Parang naubusan kasi ako ng lakas para magsalita dahil sa lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Napahawak pa ko roon sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa naiaalis ang kaba Napansin niya ito. "Here!" Inabutan niya ko ng bottled water. Binuksan ko agad iyon at ininom. Tila naginhawan ako ng konti sa pag-inom ko ng tubig. "Okay ka na ba?"
"Oo, salamat sa tubig." Ibabalik ko na sana ang bottled water sa kan'ya pero naubos ko na pala ito pagkakita ko. "Sorry, naubos ko ang tubig."
"It's okay, para sa iyo naman iyon. Nagdadala kasi ako ng extra water para sayo," ani niya na kinakilig ko naman. "You're blushing Marina," na may ngisi sa kan'yang labi. Napatingin ako sa kan'ya na nakatitig na pala ito sa akin at hindi sa daan. "Hindi ko alam kung saan nanggagaling yang pamumula ng pisngi mo. Are you inlove with me?" Na ikinalaki ng mga mata ko dahil sa pagtatanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at baka mahalata niya. "Ano ba yang sinasabi mo. Hindi ako maiinlove sayo noh. Saka may crush na kong iba," singhal ko kahit siya naman talaga ang crush ko.
"Talaga? Who's that lucky guy?" Tanong niya pa at talagang gusto niya pang malaman kung sino. Paano kung sabihin ko sa kan'ya ang totoo? Tatawanan kaya niya ko o matutuwa siya? Pero huwag na lang. Mananatiling lihim ang totoong nararamdaman ko na may gusto ako sa kan'ya