Muli kong pinasadahan ang aking sarili sa salamin. Maaga akong nagising para maumpisahan ang pag ehersisyo. Nang kontento na ko sa ayos ko. Agad na lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang bawat kilos ko para wala akong maabalang ibang tao. Palabas pa lang ako nang makarinig ako ng mga yabag nga mga paa. Lumingon ako at nakita ko si Sebastian. Nagtaka na lamang ako. Maaga din pala siya nagigising sa umaga.
"Halika na para maumpisahan na natin," ani niya. Nangunot ang aking noo. Naunang lumabas siya sa maindoor. Dinaana niya lang ako.
"Maumpisahan? Para saan?" Mabilis na lumingon siya sa 'kin.
"Hindi mo alam? Matulog ka na lang muna at baka nananaginip ka pa rin hanggang ngayon," pasupladong sagot niya saka patakbong umalis siya.
Napasimangot ako. Bakit kasi hindi niya pa sabihin na sasamahan niya ko. Kunwari pa kasi siya. Sumunod na lang ako sa kan'ya at talagang iniwan niya ko rito.
"Sir Seb!" sigaw ko. "Hintayin mo ko." Patakbong hinabol ko siya sa labas ng gate. Ang layo na niya.
Hindi ko na siya maaabutan. "Sir Seb!" sigaw ko pa. Hindi siya huminto. Bumilis pa ang kan'yang pagtakbo. Hindi ko na siya mahahabol dahil sinasadya niyang hindi siya maabutan. Hindi ako huminto hangga't hindi pa ko nakakaramdam ng pagod.
LUMIPAS ang labing-limang minuto. Nakaramdam ako ng pagod. Huminto ako saglit rito sa may waiting area upang magpahinga. Hinanap ko pa siya sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Sa tagal kong nagpahinga. Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may biglang tumabing dalawang lalaki. Napatayo ako agad sa kinauupuan ko nang bigla nilang hawakan ang dalawa kong mga kamay.
"Bitawan niyo ko!" Pagpupumiglas ko sa kanila habang mahigpit ang hawak nila sa akin.
Napahalakhak ang dalawa. "Hmmm... Ang bango bango mo naman," sabay lapit niya malapit sa aking mukha.
"Bitawan niyo ko mga m******s kayo!" sigaw ko. Tumawa lang ang mga ito habang pilit nila akong pinapahakbang papunta sa nakaparadang sasakyan nila. Sinipa ko ang isang lalaki ngunit mabilis na nakailig ito. "Tulungan niyo ko saklolo!" Sigaw ko. Takot na takot ako dahil medyo madilim pa ang paligid. Tanging street lights lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Hindi sana ako mapapalayo kung hindi ko sana sinundan si Sebastian.
"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo. Ikaw ba naman mag-isa ka lang rito," sabay tawa nila hanggang sa malapit na naming marating ang sasakyan at pilit nila kong pinapapasok sa loob. Hindi ko magawang makatakas sa kanila dahil sa higpit ng hawak nila sa dalawa kong mga kamay. Umiiyak na ko sa tindi ng takot ko.
"Sebastian tulungan mo ko!" mangiyak-ngiyak kong ani. Tuluyan na nila akong naipasok rito sa loob ng sasakyan. Sobra ang panginginig ng aking katawan nang pasakay na din ang dalawa rito sa loob ng sasakyan. Nagulat na lang ako nang makita ko na lang ang isang lalaking bumulwak ng dugo sa may bintana ng sasakyan dahil sa paghampas ni Sebastian sa kan'yang ulo. Ang isa ay tumakbo at natakot.
Bumukas ang pinto. Dala ko pa rin ang panginginig ng aking katawan kahit narito na siya. Sobra akong natakot dahil ang alam ko ay huli na. "Marina I'm sorry. Hindi ko alam na sinundan mo ko," hinging paumamanhin niya nang alalayan niya kong makalabas ng sasakyan. Niyakap niya ko agad. Tumigil din ang panginginig ng aking katawan dahil sa pagyakap niya. "Ligtas ka na okay,"ani niya. He cares me dahil sa pamamaraan ng paghaplos niya at pakiramdam ko ay natakot din siya sa nangyari sa akin kanina. Napangiwi na lang ako nang makita kong may nakasalpak na headset sa kan'yang dalawang tenga. Kaya pala hindi niya ko naririnig kanina ay dahil sa headset na nasa tenga niya.
"Salamat sir Seb," ani ko.
"It's okay, ang importante ay ligtas ka na. Let's go! baka bumalik pa ang mga iyon," tumango ako at lihim na napangiti dahil magkahawak kamay kaming dalawa while walking in the street. Kinilig ako at lihim na napatingin sa kan'ya. "Nasaktan ka ba nila?" Bigla niyang tanong.
"Hindi naman, masakit lang yung pagkakahawak nila sa mga kamay ko. Kainis sila. Mga m******s sila," sumbong ko. "Sana pati yung isa hinabol mo din. Nakakainis yung mga lalaking m******s. Hindi makontento sa mga asawa nila. Muntik na nila kong matangay kung hindi ka pa dumating."
"Sinipa mo sana ang mga bay*g nila para magtanda," ani niya.
"Sana nga. Hindi mo sinabi kanina eh. Tara balikan natin. Gusto ko silang sipain." Napatawa siya.
"Huwag na Marina. Naiganti na kita," sabay tingin niya sa akin. Ngumiti ako nang may pagngisi sa kan'yang labi. "Ayos ba yung ginagawa ko?"
"Ayos naman kaso yung isa pinatakas mo pa."
"Gusto mo bang habulin ko siya?"
Huminto kaming dalawa sa paglalakad. "Huwag na, umuwe na tayo. Nagugutom na din ako eh."
"Bawal ka na rin kumain ng madami. Mag-uumpisa ka ng magdiet today."
"Ha?" na kinakunot ko ng aking noo. Sabay hawak niya sa aking kamay.
"Takbo!" utos niya. Napasunod na din ako sa kan'yang pagtakbo. Ang sarap sa pakiramdam yung ganito kami palagi ni Sebastian. Sana magtuloy na siyang maging mabait sa akin.
Maliwanag na nang makabalik na kami rito sa mansion. Nagtatakang nakasalubong pa namin si ate Ana pagkapasok namin sa loob. "Ah sir, nakahanda na po ang pang-umagahan niyo sa mesa. Kumain na lang po kayo doon," magalang niyang ani ngunit sa akin naman siya nakatingin.
Nilagpasan na namin siya ngunit nagtataka pa rin siya hanggang ngayon dahil sa pagkakahawak kamay namin ni Sebastian.
Patungo kami sa kusina para kumain ng pang-umagahan. Natakam ako sa mga nakahain sa mesa dahil lahat ng mga nakahain ay paborito ko. Agad na naghugas ako ng mga kamay.
"Be carefull Marina," ani niya dahil natalsikan siya ng tubig sa may damit. Hindi ko naman sinasadya dahil sa pagmamadali ko.
"Sorry!" umismid ako nang mapadaan ako sa tabi niya at siya na ang sumunod na naghugas ng mga kamay niya.
Patungo na ko sa aking upuan. Inihanda ko na ang kutsara at tinidor para kumuha ng tocino pero nanlaki ang mga mata ko nang ilayo niya ang plato.
"Bawal kang kumain ng ganito Marina. Mananaba ka kapag ganitong klaseng ulam ang kinakain mo. Heto ang mga kainin mo," sabay lapit niya sa hiniwang kamatis.
"Hindi ako mabubusog niyan. Gusto ko ng tocino eh! Kung ayaw mo yung hotdog na lang,." Kukuha sana ako ng hotdog ngunit mabilis niyang inilayo ang plato. Napasimangot ako sa ginawa niya. "Lahat na lang ng gusto kong kainin ay bawal na," reklamo ko.
"Yup! kaya h'wag ka ng magreklamo. Para sayo din naman ito eh," ani niya. "Gawin mo na lang mga sinasabi ko. Oh heto!" sabay tuhog niya sa kanatis. "Open your mouth Marina. Ako magsusubo sayo," ani niya . Ginawa ko naman at kusang bumuka ang bunganga ko. Kumunot ang aking noo sa ginawa niya.
"Akin ba lahat yung mga hiniwang kamatis na may kasamang pipino?" Nakuha ko pang magtanong.
"Yup! mas masustansiya 'yan kaysa sa tocino." Sabay subo na naman niya sa 'kin. Tila nahihiya ako sa ginagawa niyang pagsubo sa akin.
"Ako na lang magsusubo sa sarili ko. Kumain ka na sir," ani ko.
"Marina! Seb na lang itawag mo sa 'kin kung narito lang tayo sa loob ng mansion. Saka mo na lang ako tawaging sir kapag nasa school tayo. Okay?" tumango ako.
Nagpatuloy na kaming kumaing dalawa. Bawat subo ni sir sa bunganga niya ay napapalunok na lang ako ng laway.
"Seb," mahinang tawag ko. "Pakagat naman ng kinakain mo kahit konti lang. "Napatigil siya sa pagsubo ng hotdog sa kan'yang bunganga. Natatakam na talaga akong makakain ng hotdog.
Napatingin siya sa 'kin. Parang ako naman ang kakainin niya dahil sa paninitig niya sa 'kin. Hindi ko na rin magawang ilihis pa ang mga mata niyang kay lagkit kung makatitig.
"Gusto mong kainin itong kinakain ko?" Tumango ako. Huminga pa siya ng malalim at tila nag-iisip pa ito kung pakakagatin pa niya ko ng hotdog na kinakain niya. "okay pero konti lang," ani niya. Lihim
akong natuwa. dahil makakatikim ako ng jumbo hotdog na hawak niya. Inilapit niya sa akin yung hotdog sa nakahanda kong bunganga. Napatawa siya nang hindi ako nakakain dahil sa mabilis niyang inilayo ang tinidor na hawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang bastos mo Seb.," nagtatampo kong ani. Malapit ko ng makagat eh.
"Bawal nga kasi sayo okay. Don't worry, pakakakainin din kita ng hotdog soon," ani niya. "But in one conditon, after 1 month dapat may pagbabago na sa katawan mo."
"Naku ang tagal naman 'yun. Kung ayaw mo kong pakainin ng jumbo hotdog, ibang hotdog na lang kakainin ko," ani ko na kinaseryoso ng kan'yang mukha.
"What did you say?" kuryusong tanong niya. Nabigla ata siya sa sinabi ko. Mali naman ata yung pagkakaintindi niya.
"Ayaw mo kong pakainin ng jumbo hotdog diba. Eh di yung small hotdog na lang ang kakainin ko para hindi ako tumaba," paliwanag ko. "Ano ba kasi iniisip mong hotdog ha Seb?"
"What the f*ck!" mahinang mura niya sabay hilot ng kan'yang sentido. Hindi kasi akalain ni Seb na small hotdog pala ang gustong kainin ni Marina.