Sabay na umuwe kami ni Seb. Magdidilim na din ang paligid habang pauwe na kami ng mansion. Sobra akong napagod sa mga ipinagawa niya kanina sa akin sa kan'yang opisina na pwede naman niyang ipautos sa iba. Hindi na rin ako nasundo ni kuya Zander na kanina pang nag-aantay mula sa labas ng gate kanina. Nakanguso ako nang mapatingin ako kay Seb. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin na pala siya sa 'kin. Mabilis akong umiwas sa paninitig niya. Agad na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro dahil nakaramdam ako ng pagkaba sa aking dibdib. Aktong nahuli niya din akong nakatingin sa kan'ya. Nakakahiya!
"Are you tired Marina? P'wede ka naman magpahinga." Magpahinga daw? Eh malapit na nga kami sa mansion. Hindi ako umimik. Impit siyang napatawa. "Huwag ka ng magtago diyan sa likod ng libro," sabay kuha niya sa librong nakatakip sa mukha ko. Napaawang ang ibabang labi ko sa ginawa niya. Nagulat ako. "Tinatakpan mo ang mukha mo dahil namumula na ang pisngi mo. Sabi ko na nga ba't may gusto ka sa akin."
"Mali ka, wala akong gusto sayo. Ayaw ko lang tinititigan mo ko ng ganun sir," ani ko kahit na gusto ko naman. Ayaw kong mag-assume na may gusto din siya sa akin dahil ako din ang masasaktan.
"Bakit ayaw mo? Is there something wrong with my eyes o ikaw ang may mali dahil binibigyan mo ng malisya ang pagtitig ko sayo. Oh com'on Marina, I don't even like you. I'm just doing this dahil sa huling habilin nila lolo at lola. Ang hirap din sa part ko na tanggpin iyon. Alam mo na kung bakit ko ito nasasabi dahil mahigit isang taon na lang, ikakasal na tayo. Hindi ko alam Marina kung dumating na yung araw na mag-asawa na tayo. Baka hindi ko kayang ibigay ang ninanais mo. Hangga't maaga pa, gusto kong sabihin sayo na asawa mo lang ako sa papel. Sana maintindihan mo ko Marina."
Napayuko ako ng ulo ko dahil sa nasaktan ako. "Okay lang, naiintindihan ko naman ang saloobin mo. I'm sorry sir kung ako ang napili ng lolo at lola mo na ipakasal sayo. Hayaan mo, hindi ako magiging pabigat sayo. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Hindi kita pipigilan. At kung gusto mo naman idivorce ako, okay lang sa akin dahil hindi ko hawak ang mundo mo. Malaya ka pa rin kahit na nakatali ka sa akin. Isekreto na lang natin kay Attorney ang tungkol sa hiwalayan," sumbat ko. Dinig ko ang mabibigat na pagbuntong hininga niya habang ako naman ay pinipigilan na huwag umiyak. Ayaw kong umiyak sa kan'yang harapan dahil pagtatawanan niya lang ako.
Tahimik ang namayani sa amin matapos namin sabihin kung ano ang mga saloobin naming dalawa. Hanggang sa makarating kami at bahagyang huminto ang sasakyan. Nauna akong lumabas sa kan'yang sasakyan na hindi siya pinapansin at naunang pumasok sa loob ng mansion. Dumiretso ako agad sa aking kuwarto dahil gusto ko ng magpahinga. Pagod ako maghapon dahil kasalanan niya.
Nang matapos kong magpalit ng damit. Humiga ako agad sa kama kahit nararamdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Gusto ko na lang matulog at mamaya na lang ako kakain pagkagising ko.
Papikit na ang dalawa kong mga mata nang makarinig na lang ako ng ilang mga pagkatok mula sa pinto. Tinamad akong bumangon para buksan ang pinto nang bigla na lang bumukas iyon. Natalimbangon ako mula sa pagkakahiga ko. Nagulat ako dahil narito siya sa loob ng aking kuwarto.
"Bumangon ka na riyan at kakain na tayo. Huwag mo kong pag-aantayin sa ibaba," sabay talikod niya. Lumabas na siya ng pinto.
Anong nangyari doon? Parang wala lang sa kan'ya yung mga sagutan namin kanina. Napangiwi na lang ako. Sabagay, ganun naman siya. Hindi ko rin naman maintindihan ang ugali niya.
Tamad na tumayo ako mula sa kama at inayos ng konti ang magulo kong buhok. Itinali ko na lang ito paitaas at hinayaan ang ibang takas kong buhok. Nang maayos ko na ay agad din akong lumabas ng kuwarto. Bumaba ako at tinungo ang kusina. Nakita kong hindi pa siya nag-uumpisang kumain at alam ko na ako ang kan'yang inaantay.
Naupo ako sa kanang upuan mula sa ikalawa.. Ayaw kong tumabi malapit sa kan'ya.
"Is that your proper sit?" Tanong niya rito.
"Ah... Kasi baka ayaw mo akong makatabi eh," sagot ko habang nakayuko ang ulo ko.
"Sit here beside me," utos niya. Sumunod naman ako at tumabi malapit sa kan'ya. "Tayong dalawa na lang ang narito sa hapag-kainan. Lalayo ka pa ng upuan mo."
Napangiwi na lang ako at palihim ko siyang sinulyapan. At iyon nga, nakatingin na naman siya sa 'kin na may pag ngisi sa kan'yang labi. Mabilis lang naman akong umiwas sa paninitig na iyon.
Inabala ko na lang kumuha ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Mapaparami ako ng kain ngayon dahil hindi ako nakapagmeryenda sa school kanina tapos pagod pa ko.
"Mananaba ka niyan Marina," ani niya nang makita niyang marami akong nailagay na pagkain sa aking plato. "Well bagay mo naman maging mataba. Pero ikaw din ang mahihirapan. Mabubully ka lang sa school. Saka saan ka naman nakakita ng babaeng Doktora na mataba? I think ikaw pa lang, tsk!" sabay ngisi nito.
Napanguso ako sa kan'yang mga sinabi. "Gutom ako sir eh. Saka okay lang po na tumaba ako. Para wala ng magkagusto sa 'kin," sagot ko naman.
"What? Talagang kampante ka na talaga sa kasal natin."
"Sir, ano naman ang koneksiyon doon sa kasal? Kalimutan mo na lang ang kasal dahil wala naman kwenta sayo yun diba. Kumain muna tayo," ani ko. Dinig ko ang pagsinghal niya at inumpisahan na naming kumain na dalawa. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos. Ako na ang nagligpit ng mga platong nagkainan naming dalawa. Wala si ate Ana ngayon baka naroon siya labas inaayos ang mga basura.
"Pagkatapos mo riyan, umakyat ka sa itaas," ani niya at umalis na ito.
May iuutos na naman kaya siya sa akin. Gabi na din kasi eh. Napahilamos na lang ako ng mukha. Baka pagtiklupin na naman niya ko ng mga damit niya kagaya noong isang gabi. Sasakit na ang ulo ko sa kan'ya. Ang hirap intindihin ang kan'yang ugali.
Nang matapos kong maghugas ng mga plato, sumunod ako sa kan'ya at tinungo ko ang kan'yang kuwarto. Kumatok ako ng tatlong beses. Bumukas naman ang pinto at nakita kong may kausap siya sa kan'yang cp. I think he's girlfriend ang kausap niya sa kabilang linya.
Niluwagan niya ang pinto. Pumasok naman ako sa loob. Dinig ko ang paglock niya ng pinto. Naupo ako sa sofa habang Inaantay na matapos ang kausap niya sa kan'yang cp. Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nila dahil kita ko sa mga mata niya. Hindi nagtagal ay natapos din ang kanilang usapan. Naupo ito malapit sa kinauupuan ko. Kinakabahan ako.
"Marina,, alam mong ikaw ang nangunguna sa lahat ng mga studyante mula first year. Pangungunahan mo ang team niyo at may tiwala ako sayo. Taon taon may ginaganap para makilaka ng husto ang eskwelahan natin. Next month pa naman ito pero sinasabi ko na sayo ng maaga para mapaghandaan mo na rin ito. Sana kayanin mo. Kaya sinasabi ko sayo, magbawas ka na ng timbang mo."
"Ha? Para saan 'po ba 'yan sir?" Nagtatakang tanong ko kung bakit need ko pang magpapayat.
"Para sa school activities ito Marina. Para maexperience mo din kung paano umakyat ng bundok."
"Ha bakit po sa bundok sir? Anong gagawin doon?"
Nagsalubong ang dalawa niyang makapal na kilay. "I don't know Marina kung tatanga tanga kang mag-isip. Use your brain okay. Medisina ang kinuha mo kaya dapat alam mo kung anong klaseng mga aktibidad ang pupuntahan natin. Maraming mga malalayong lugar na walang kakayahan magpunta ng bayan para magpacheck up. Mga walang kakayahang bumili ng mga gamot dahil sa kakulangan ng pera. So this it, gusto kong tayo ang mangunguna sa aktibidad na ifo. Huwag mo kong bibiguin Marina, sayo nakasalalay ang eskwelahan," seryosong ani niya. Hindi niya naman kasi sinabi agad na Health care services for homeless people ang aktibidad na gagawin namin ng team ko. Sinabi niya kasi agad na maexperience man lang na umakyat ng bundok. Kaya nakuryos tuloy ako. Natanga tuloy ako pero bawing bawi naman siya dahil malaking tulong na din para sa mga homeless people ang tulong na iaabot ni sir Sebastian.
Hindi ko masabi sa kan'ya na kaya ko itong gawin. Pero kakayanin ko ito. Pero pinakamahirap na gawin sa sinabi niya ang magpapayat. Paano? Napangiwi na lang ako nang mapatingin sa kan'ya. "Sir, kaya kong gawin ang pinapagawa niyo. Pero yung magpapayat na sinasabi niyo, baka abutin ako ng taon niyan. Mahirap naman ata kung isang buwan ang gugulin ko para lang pumayat," reklamo ko.
"Mamili ka Marina, tatanggapin mo ba ito or sa iba ko na lang ibibigay ang aktibidad na ito," galit niyang ani.
"Sir huwag, sige po. Gagawin ko naman po iyon."
"Okay! That's a good idea Marina. Sige na pwede ka ng lumabas."
"Sige po, goodnight sir," ani ko. Tumayo ako na dala-dala ang pagkainis at agad na tinungo ang kuwarto ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Lexie. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko. Halatang natutulog na ata ito dahil sa boses niyang namamaos.
"Hi friend, pasensiya ka na sa istorbo ha. May malaki kasi akong problema eh," sumbong ko
*Anong problema 'yan friend? Tungkol ba iyan kay sir Sebastian?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"Oo friend, tulungan mo naman ako kung paano magpapayat agad."
"What?" sigaw niya kaya nailayo ko ang cp ko sa aking tenga. "Para saan at bakit gusto mong magpapayat agad?"
"Sabi iyon ni sir Seb. Next month kasi ay may gagawing aktibidad sa school. Ako ang mangunguna sa team natin. Kailangan daw magpapayat ako sabi niya."
"Naku! Bakit required ba ang pleasing personality sa mga gan'yang aktibidad? Baka lang may ibang layunin si Sebastian mo kaya nais ka niyang magbawas ng timbang. Sana diretsahan na lang niyang sabihin sayo na. (Marina, I like you.) Oh diba mas mainam na ganun ang sabihin niya sayo kaysa gumawa pa siya ng palsot para lang masabi niya sayo 'yan. Ang wierd naman niya," turan niya at mukhang gising na gising na ang kan'yang diwa.
"Friend, wala siyang gusto sa 'kin. Inamin niya na sa akin kanina. Kaya no choice kundi ang gawin ang nais niya. Hindi lang naman ito para sa akin. Gusto ko din mapasaya ang mga magulang ko ganun din sina lolo at lola kung nabubuhay lang ang mga ito," malungkot na ani ko sa kan'ya.
Matagal kaming nag-usap ni Lexie sa phone dahil marami kaming pinag-usapan na dalawa. Hindi lang tungkol sa pagpapapayat kundi kasali na din si Sebastian.
Nang matapos naming mag-usap ni Lexie, kaagad na nakatulog ako. Maaga pa ko gigising bukas dahil uumpishan ko na ang aking goal na sana ay magawa ko at kakayanin ko ang mga pagsubok na ibinibigay sa akin ni Sebastian kung ito man ang kan'yang nais.