"Seb!" sabay bigkas namin ni kuya Zander
Iniluwag pa nito ang pintuan bago pa ito pumasok rito sa loob. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, lalo lamang ako kinakabahan dahil sa kakaibang paninitig nito. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nadarama ko para kay Seb. Alam kong ginabi na ko pero ito naman ang gusto niya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin.
"Are you done your assignment?" ani nito. Himala, ang bait niya.
"Ahmm.. Oo, ipriprint na lang," sagot ko. Medyo nawala ang aking kaba na kanina ay sobrang lakas ng pitik ng puso ko.
"Okay after that uuwe na tayo. I'll wait you in my car," ani nito.
"Hintayin mo na lang siya dito dude. Ilang pages na lang at matatapos nang maprint," ani ni kuya Zander.
Pero hindi siya nakinig dahil umalis na lang ito pagkasabi niya iyon. Pero pansin ko ang mga mata niya kanina nang tumingin siya sa akin. Pero ano naman ngayon kung ganoon. Wala naman mababago eh. Galit pa rin siya sa 'kin.
"Anong nakain 'yon at pabigla bigla ang pagsundo niya sayo? Hindi ba't galit siya sayo?" Takang tanong nito Alam niya kasi na galit sa akin si Seb.
"Oo kuya, galit siya sa akin. Pero hinahayaan ko na lang. Alam ko naman kung ano ang mga pinagdadaanan niya," malungkot na ani ko.
"Yeah, tama ka. Intindihin mo na lang siya basta sabihin mo sa 'kin kung sinasaktan ka niya. okay."
"Sure kuya," nakangiting ani ko.
*Oh tapos na." ani nito. Siya na din nag-ayos ang mga naprint na assignment ko. Nakangiting tinanggap ko iyon pagkaabot nito sa akin. Kaagad din akong nagpaalam matapos kong magpasalamat kay kuya at hindi nagtagal ay narito na ko sa labas ng gate. Patungo ako sa sasakyan niya pero nadatnan ko siyang may kausap siya sa kan'yang telepono nang makita ko sa nakabukas na bintana. Hinintay ko na muna bago matapos ang pag-uusap ng dalawa. Alam kong si Sofia iyon kaya ayaw kong makaistorbo sa pag-uusap ng dalawa dahil maririnig ko lamang kung papasok ako agad sa loob ng kan'yang sasakyan.
Naupo muna ako sa may gilid ng kalsada habang inaantay kong matapos ang kausap niya sa telepono. Hindi ko namalayan na narito na siya sa may tapat ko nang makita ko ang dalawang pares niyang mga paa. Unti-unti kong inangat ang aking ulo. Nasa mukha na naman niya ang galit.
"Ano pa ang inaantay mo diyan? May balak ka pa yata makipag date," galit na sabi nito. Tell me," ani nito.
Napangiwi na lang ako. Kapag sinabi ko kaya sa kan'ya na oo. Siguro susunduin din niya ko. Ang lakas mangtaboy pero hahanapin din pala niya ko.
"Alam mong wala ako kadate. Pero kung gusto mo, hanapan mo ko," biro na sabi ko.
"Tsk! baka magsitakbuhan lang mga lalaki sayo." Napasimangot na lang ako dahil sobra siya kung mang-asar. Grabe siya, never talaga niya ko pinuri. Puro na lang siya panglalait sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at tahimik na sumakay na lang sa loob ng kan'yang sasakyan.
"Did you enjoy together with Zander?" Biglang tanong niya.
"Gumawa lang kami ng assignment ko. Pero nag-enjoy naman ako. Mabait si kuya Zander sa akin," ani ko.
Hindi siya umimik pagkasabi ko iyon. Tatanong tanong pero hindi naman magsasalita kapag sinasagot ko mga tanong niya. Tatahimik na lang ito. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang iniisip niya.
Naging tahimik tuloy ang aming biyahe pauwe ng mansion hanggang sa makarating na kami. Tahimik pa din ito. Ano kaya nangyari sa kan'ya?
"Marina," tawag nito. Rumihistro sa mukha ko ang pagkakuryusidad dahil sa tinawag niya ko. "Bago ka matulog, pakiligpit mo muna ang mga kalat ko sa kuwarto ko," utos nito kasabay ng pagkunot ng aking noo at natulala na lang. Kahit gabi na ay inutusan pa din ako. Inaantok pa naman ako dahil alas diyes na ng gabi. Gusto ko na talaga matulog eh dahil may pasok pa ako sa umaga. Ayaw ko pa naman na nalilate ako sa umaga dahil siya ang unang subject namin sa klase. "Marina!" tawag nito sa akin.
"Ahhh, oh sige. Susunod na lang ako sa kuwarto mo. Ayusin ko lang itong assignments ko," paalam ko.
"Okay, I'll wait you in my room," ani nito sabay talikod nito at nauna na itong pumanhik sa itaas ng kan'yang kuwarto.
Napanguso ako habang minamasdan ang pag-akyat nito. "Gabi na kaya. Bakit kailangan oa niya ko utusan?"
Nang matapos ko na iligpit ang mga assignmets ko. Nagshower muna ako dahil pakiramdam ko ay nagmamantika ang peslak ko. Mabuti at wala ako mga taghiyawat sa mukha dahil kung meron man, tutuksuhin lang ako ni Seb.
Palabas na ko ng kuwarto nang matapos kong maligo at magbihis ng damit. Patungo ako ngayon sa kuwarto ni Seb. Kalaunan ay narito na ko sa kan'yang kuwarto. Tanging mabibigat na buntong hininga ang pagbuga ko ng hangin sa aking bibig nang nasa tapat ako ng kan'yang pinto. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang kan'yang ginagawa sa loob ng kan'yang kuwarto. Kinatok ko ang pinto. Walang nasagot sa unang pagkatok ko. Pero sa ikalawang katok ko na ay doon lamang bumukas ang pinto. Tila namawis ata ang aking noo dahil sa nakikita ko. Walang damit pang itaas si Seb at pinagpapawisan din siya. Iba tuloy pumapasok sa isip ko dahil katatapos niya pala maligo dahil nakatapis lamang siya ng kan'yang tuwalya.
"Pasok," ani nito nang luwagan niya ang pinto at diretso pasok sa loob. Nakita ko naman ang loob, mukhang malinis naman at walang mga kalat. Pinagloloko ba niya ko?"
"Asan ang kalat niyo sir?" kinakabahan na tanong ko.
"Sumunod ka sa akin," utos nito at sumunod naman ako sa kan'ya nang patungo ito sa kan'yang closet. Nauna itong pumasok sa loob ng kan'yang closet. Nahinto ako sa paglalakad dahil doon siya pumasok. Natatakot ako at baka may gawin siya sa'kin. Pero tinawag niya ko na pagkainis sa kan'yang boses.
"Com'on," tawag nito. May suot na siyang damit pang-itaas pero nakatapis pa din siya ng tuwalya sa bewang nito.
"Oo, nariyan na." Dali-dali akong nagtungo sa closet at nakita ko na lamang na kaydami niyang kalat na mga damit. "Anong nangyari dito at bakit ganito kagulo?" anang isip ko nang makapasok na ko. Halos lahat yata ng laman ng kan'yang closet ay naihagis na niya sa sahig. Pinapahirapan ba ako ni Seb?
"Umpisahan mo nang magligpit. Oorasan kita," ani nito. Bahagya akong nalungkot. Hindi ko alam kung matatapos ko ba ito ngayon dahil sa malalim na ang gabi, baka hindi ko na kayanin pa ang tapusin ito ngayong gabi.
Napasinghap na lang ako. Gusto kong umiyak at sumuko dahil sa mga pinapagawa sa akin ni Seb. Pinahid ko na lamang ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Matitiis ko naman gawin ito pero huwag naman sana sa dis oras ng pagtulog at baka matulugan ko pa ang magtiklop ng mga damit.
Ginawa ko na lamang ang pinapagawa niya. Hindi ko pa nangangalahati ay nakaramdam na ko na pagka antok sa aking sarili. Pumipikit na din ang mga talukap ng aking mga mata at minsan ay matutumba kahit nakaupo ako. Pinapalo palo ko na lang ang magkabilaang pisngi ko upang hindi ako antukin pero sadyang hindi ko na talaga kaya dahil parang hinihele ako at inaanyayang matulog na. Napapikit na lamang ako ng mga mata at tuluyan nang nakatulog dito sa loob ng closet.
Kinabukasan, napadilat ako ng mga mata ko. Hindi pamilyar sa akin ang kuwarto na ito dahil hindi ko ito kuwarto nang igala ko ang aking paningin sa kabuuan ng loob ng kuwarto. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko kagabi. Nasa closet ako kagabi pero narito na ko sa kama ni Seb. Pero saan kaya siya natulog? Pero natatakot ako na baka mapagalitan dahil hindi ko natapos ang pinapagawa niya kagabi. Nasapo ko bigla ang aking noo. Tarantang nagtungo ako sa nakasarado niyang closet at walang ligoy na binuksan ko ito. Napanganga na lang ako nang makita ko kong nagbibihis si Seb at napatakip ako bigla ng mga mata gamit ang aking mga kamay. Nakita kong masama ang tingin niya sa akin.
"Sorry! hindi ko sinasadya. Ang akala ko kasi?"
"Leave me alone," pagdidiin nito.
"Okay pasensiya na," ani ko at sinarado ko agad ang pinto pagkalabas ko. Napahawak ako bigla sa aking dibdib dahil sa kabang nadarama.
Naalala ko pala na ngayong araw na ipapass ang assignment. Kaya nagmadali akong kumilos para hindi ako malate sa school. Napatingin ako sa may orasan. Malapit nang mag alas otso. Hindi ko alam kung bakit ako tinanghaling gumising. Kasalanan kasi ito ni Seb kaya ako malilate sa unang klase ko. Ang hirap pa naman mag-abang ng sasakyan.
"Marina, kumain ka na muna," pagtawag ni ate.
"Malilate na ko ate," ani ko pero hindi ko na magawang lingunin siya dahil nagmamadali akong umalis.
Wala na si Seb at nauna na nga itong umalis. Hindi niya ko inantay pero dati ay nagsasabay naman kaming pumapasok sa school. Narito ako ngayon sa labas ng gate, nag-aantay ng masasakyan. Kung pwede lang sana kabayo ang gamitin kong sasakyan, baka pagtawanan lang ako ni Rashina.
Palinga-linga pa ko sa daan pero walang sasakyan na paparating pero may isang sasakyan ang patungo sa kinaroroonan ko at bumusina ito ng malakas. Nangunot ang noo ko nang bumukas ang bintana ng kan'yang sasakyan.
"Sakay na," pag-aya ni Seb. Nag alangan pa ko na sumakay pero kusa ko na lang naihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kan'yang sasakyan. "Next time, agahan mong gumising para hindi ka nalilate," ani nito nang paandarin na niya ang sasakyan.
"Sorry!" tanging sambit ko na hindi nakatingin sa kan'ya. Siya naman ang may kasalanan dahil sa sangjmkaterbang mga damit niya ang sininop ko kahit na alam niyang sobrang gabi na. Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa may bintana upang maibsan ang kaba na aking nadarama.
Pagkarating namin sa school, agad na nag-umpisa ang klase namin. Seryoso lang si Seb. Walang anumang pagtingin sa akin simula kaninang nag-umpisa ang klase namin. Hindi ko alam kung umiiwas ba ito. Pakiramdam ko ay galit ito sa akin. Hindi naman iyon maiwasan na kahit anong bait ang ipakita ko sa kan'ya, nangingibabaw pa din ang pagkamayabang nito. Sa t'wing nagagalit sa akin, pakiramdam ko'y nanliliit ako sa sarili ko.
Pero kaya ko pa naman tiisin. May pagkabad side lang talaga siya.
Nang matapos ang aming klase, nag-aya siya na sabay na kaming magtanghalian. Hindi naman ako tumanggi kaya sumama na lang ako sa kan'ya. Makakatipid pa ko sa araw-araw na gastusin ko.
Anong gusto mo?" tanong nito.
"Bahala ka na lang mamili sir. Ayos lang sa akin kahit anong mapili mo," ani ko.
"Okay, I will."
Nang maka order na ito, isa-isang nilapag ng waiter ang mga pagkain sa aming mesa na panay ang tingin nito sa akin. Napaawang na lang ang ibabang labi ko dahil sa dami ng kan'yang inorder.
"Oh ayan, sakto na ba 'yan sayo?" tanong nito.
Ano ba iyan? Piinamukha niya pa talaga sa akin na baboy talaga ako.
"Bakit ang dami? Eh tayong dalawa lang naman ang kakain sir," ani ko.
"Dalawa? Are you sure na dalawa lang tayong kakain? Hindi ba't ang katumbas ng katawan mo ay dalawa o tatlong katao," asik nito.
Halla! grabe talaga si sir. Ang sama niya talaga kahit kailan. Manlilibre na nga lang, mamimintas pa. Sa loob loob ko.
Pekeng ngumiti ako sa kan'ya. Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi niya dahil ako yung tipong babae na mas marunong umintindi kaysa sa kan'ya. Ang taas nga ng IQ pero ang bobo niya pagdating sa akin. Inumpisahan ko na lang kumain hanggang sa natapos kami ay walang imikan na nangyari dahil minsan sumasama ang loob ko sa kan'ya.
Pagkaalis namin, inaya niya ko sa kan'yang opisna
May ipapagawa ito sa akin. Heto na naman kami, binusog nga niya ko pero uutusan niya lang pala ako..
"Sir," ani ko at agad na nilingon niya ko. "Hindi ka ba nagsasawang ako palagi ang kasama mo mula pa kaninang umaga," pansin ko.
Nginisian niya ko, "Anong ibig mong sabihin?
"Wala lang, pansin ko lang sir," nahihiyang ani ko.
"Kung iniisip mong may gusto ako sayo. Mali ka ng iniisip mo. Narito ka lang para may inuutusan ako at alam kong alam mo iyon," asik nito.
Napasimangot na lang aKo. Alam ko naman na utusan lang niya ko pero hindi ko naman ini-expect na may gusto siya sa akin. Sakit magsabi ng totoo si Seb yung feeling na ang lamig ng pakikitungo nito. Yung feeling na kahit konting pagpapahalaga man lang kahit isang kaibigan lang pero malabong mangyari iyon dahil hindi talaga ako yung magugustuhan niya. Hindi ako yung ideal girl na magugustuhan niya dahil isa lamang akong matabang nerd na kinaiinisan niya noon pa man.