Nasa mukha ang pagkainis ni Seb nang umalis ito sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung napaano 'yon dahil abala kami ni kuya Zander sa pag-uusap.
Maya't-maya ay nagpaalam na din si kuya Zander pagkatapos namin mag-usap.
Napasinghap ako, naisipan ko na lang na magtungo ng kusina para tanungin si ate Ana kung may laptop ba ito pero malabong mangyari 'yon na may laptop ba akong mahihiram sa kan'ya. Naisipan ko na lang na huwag na lang ituloy at baka nga wala. Nahiya naman kasi akong manghiram kay Seb at baka sungitan na naman ako 'yon pero subukan ko kung pahihiramin niya ko.
Nasa tapat na ko ng kan'yang pintuan. Kinakabahan ako lalo nang makita ko siya kaninang naiinis sa amin. Pero hindi naman masamang magtanong eh.
Huminga muna ko ng malalim bago katukin ang pinto ng kan'yang kuwarto. Nakatatlong katok na ko pero wala itong balak buksan ang pinto. Alam kong dito lang siya pupunta eh.
"Seb!" mahinahong tawag ko sabay katok ng pinto. Wala talagang bakas na may tao sa loob ng kan'yang kuwarto. Pinihit ko ang saraduhan ng pintuan kahit na walang pahintulot sa akin si Seb na pumasok sa sarili niyang kuwarto. Dumungaw muna ako sa loob kahit narito pa ako sa labas ng pinto.
"What are you doing Marina?" boses iyon ni Seb mula sa aking likuran kaya ako napaigtad sa gulat mula sa pagkakadungaw ko sa may pinto. Nakayukong humarap ako sa kan'ya na may kasamang pagkaba sa aking dibdib. Nahiya akong harapin siya dahil aktong nahuli niya ko.
"Kanina pa kasi ako dito. Hinahanap kasi kita. Akala ko nasa loob ka lang ng kuwarto mo," nagihiyang sabi ko.
"Why is your head bowed? Look at me Marina. I'm here infront of you right?"
Unti-unti ang pag-angat ng aking ulo. Tipid akong napangiti sa kan'ya. Mas lalo lang lumakas ang kaba sa aking dibdib nang magtama ang aming mga mata sa isa't-isa. His eyes not moving anywhere basta sa akin lang siya nakatingin. Pasimple akong ngumiti.
"May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko.
Tipid na ngumiti ito. "Nothing! Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"Ahm... Ano kasi?" sabay laro ko sa daliri ko na tumaas naman ang isa niyang kilay. Natatakot akong sabihin baka magalit lang siya at hindi niya ko pahiramin ang nais kong hiramin sa kan'ya.
"What?" naiinip na sabi nito.
"Hihiramin ko sana 'yung laptop mo kung okay lang sayo," nahihiyang sabi ko.
Mahinang napatawa ito. "Hindi ba't kay Zander ka nanghihiram lately? So I will let you go to borrow his laptop. Anyway, closed naman kayo ni Zander. Right?"
Napasimangot ako at nahiya sa aking sarili. Akala ko mapapahiram niya ko ngunit hindi pala. Ang laki kasi ng tiwala ko na pahihiramin niya ko. Ang gulo niya. Minsan mabait siya sa akin tapos ngayon ang salbahe niya. Need ko pa naman matapos iyong assignment na pinapagawa niya.
Pinapahirapan talaga niya ko.
"Ahm sige, pasensiya po kung naistorbo kita."
Malungkot na umalis ako sa kan'yang harapan at nagmadaling hinakbang ang mga paa para abutan si kuya Zander. Nagbabaka sakaling maabutan ko pa siya sa labas.
Naghihikahos na tumakbo ako patungo sa labas ng gate ngunit wala na ang kan'yang sasakyan. Nalungkot ako, wala na talaga akong pag-asa na matatapos ko pa ang assignment ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagkainis kay Seb.
Papasok na sana ako sa loob ng gate nang biglang may bumusina. Nangunot ang aking noo dahil sa malakas na busina na 'yon nang humarap ako sa paparating na sasakyan. Huminto ito sa tapat ng gate.
Si kuya Zander bumalik siya. Natutuwang sabi ko sa aking sarili. Bumaba siya at nakangiting lumapit ito sa akin.
"Tara sa bahay. Gawin na natin assignment mo," aya nito.
"Sabi mo kuya may pupuntahan ka ngayon?" nakangusong sabi ko.
Tipid itong ngumiti. "Nagbago na isip ko. Naalala kasi kita at nag-aalala ako sayo lalo na't si Sebastian ang Prof mo. Tiyak na pahihirapan ka lang bukas sa subject niya kapag wala kang naipasa na assignment mo."
"Salamat kuya at bumalik ka. Hintayin mo ko dito at kukunin ko yung mga notes ko sa loob," natufuwang sabi ko.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng mansipn para kunin ang mga notes kung saan doon ko isinulat ang mga takdang aralin. Nang makuha ko na, nagmamadali akong lumabas ng mansion. Hiningal pa ko nang marating ko na ang labasan. Nakangiting napatingin sa akin si kuya Zander.
"Mukhang nagmamdali ka Marina?" Nahalata niya siguro iyon.
"Oo, saka magdidilim na din. Wala pa kong nagagawa at natatapos. Kinakabahan ako baka hindi natin matapos kuya."
"Don't worry, matatapos natin 'yan. Ako pa?" nakangiting sabi niya. "So lets go! And by the way. Nagpaalam ka na ba kay Sebastian na sasama ka sa akin?"
"Hayaan mo iyon kuya. Walang pakialam sa akin 'yon," nakangusong sabi ko.
"Hay naku! Hindi na ko magtataka sa kan'ya," sabay ngiwi niya.
Sabay na sumakay kaming dalawa sa loob ng kan'yang sasakyan. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni kuya Zander pagkaalis ng minamaneho nitong sasakyan.
"Hindi ka ba naiinis kay Sebastian?" biglang tanong niya na siyang bumasag sa katahimikan. Hindi ko ba alam kung bakit niya ito natanong.
"Naiinis naman kuya pero minsan lang kapag hindi ko gusto yung tabas ng kan'yang dila kapag nagbibitaw siya ng mga salita na hindi kanais-nais sa pandinig."
"Hmmm.... Kailangan mo talagang habaan ang pasensiya mo at ikaw na lang ang mag-adjust sa inyong dalawa. Alam mo namang nag-iisa na lang siya namumuhay."
"Alam ko naman 'yon kuya. Nauunawaan ko naman ang kan'yang damdamin."
"So ngayon nag-iisa na siya. May itatanong ako sayo. Ni minsan ba, sumagi na ba sa isip mo ang magkagusto sa kan'ya?" Bigla akong napaubo. "Okay lang 'yan Marina. He's handsome at nasa kan'ya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng mga babae."
"Except me kuya. Pero, kung sakali mang magkagusto ako sa kan'ya. Ang gusto ko ay yung magugustuhan din niya ko. Pero malabo ata mangyari 'yon kuya dahil sobrang hate niya ko noon pa man. So hindi ko deserved na magugustuhan niya ko."
"Dahil mataba ka? Am I right?"
"Parang ganun na nga kuya," malungkot na sabi ko.
"Don't worry Marina. May paraan para diyan. Tutulungan ka namin ni Nathan," nakangiting sabi nito.
"Naku kuya, huwag niyo ko bawalan na hindi kumain ng masasarap na pagkain. Manghihina ako niyan," birong sabi ko.
Mahinang napatawa siya. "No way, hindi namin gagawin 'yon sayo."
"Okay!" tipid na sagot ko. Tahimik na naman ang namayani sa aming dalawa hanggang sa huminto na ang sasakyan. Narito na kami sa tapat ng kanilang mansion. Gabi na nang makarating kami dito sa mansion nila kuya Zander.
Sabay na napababa kami ng sasakyan at tinungo ang nakabukas na gate. Pumasok na kaming dalawa sa loob ng kanilang mansion at kusina agad ang tinungo naming dalawa. Alam na alam talaga niya na nagugutom na ko. Perfect na perfect talaga ang mga pagkaing inihahain ng katulong sa mesa. Natakam ako bigla nang may inilapag na fried chicken sa mesa.
"Magpakabusog ka Marina dahil marami pa tayong gagawin mamaya na assignments mo," sabi nito habang nag-uumpisa na siyang kumain.
Nag-umpisa na din akong kumain. Tanging kutsara at tinidor lang ang maririnig na ingay sa amin habang kumakain.
Kalaunan, sabay na natapos kami agad. Busog na busog ang aking tiyan ngayon at hindi ko na ata magagawang tumayo sa kinauupuan ko dahil sa kabusugan ko. Mahinang napatawa si kuya.
"Hindi ka makatayo?"
"Kuya saglit lang okay," nahihiyang sabi ko.
"Oh sige, bukas ka na din umuwe," pananakot niya.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Naalala ko pala yung assignmets ko. "Kuya tara na. Gawin na natin yung assignments ko," tarantang sabi ko.
"Okay!" nakangiting sabi nito at sabay na pumanhik kami sa itaas ng kan'yang kuwarto. Sa una natakot ako pumasok sa loob ng kan'yang kuwarto pero mas natatakot ako kay Seb kapag hindi ko natapos ang assignments ko ngayon.
Inumpisahan na namin gawin ang T.A.. Halos si kuya lahat ang gumawa ng assignments ko. Ang bagal ko daw kasi magtipa kapag ako ang nagtatype at baka daw abutin ako ng umaga. Natawa naman ako kay kuya. Kahit abala siya sa pagtitipa ay nagagawa pa niya kong kausapin. Wala man lang ako ginawa kundi ang panoorin na lang siya. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway habang minamasdan ko ang maamo niyang mukha. His red lips, pointed nose, his curved eyelashes, ang makapal niyang mga kilay and--
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang kindatan niya ko kaya natigil ako sa pagpapantasya ko sa kan'ya. Aktong nahuli niya ko na nakatifig sa kan'ya.
"Come closer Marina. You can check it first before I print those files."
Bahagya akong lumapit at ako ang naupo sa kinauupuan niya kanina. Nasa likuran ko lamang siya habang tsinitsek ko ito.
"Ahmm... Okay na ito kuya," sabi ko na bahagya naman siyang yumukod. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko habang may pinipindot siya. Masuyong napatingin ako sa kan'ya. Ang guwapo talaga ni kuya kahit naka sideview pa ito.
"Okay ipriprint ko na para matapos na," sabi nito nang bahagya siyang napaharap sa akin. Hindi ako kumurap nang titigan niya ko. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Hahalikan ba niya ko? Naku! Masyado naman akong assuming kapag ganun. Malapit na siya sa labi ko at handang handa na kong mahalikan niya ko nang biglang bumukas ang pinto. Lumingon kaming pareho ni kuya Zander sa gawing nakabukas na pintuan at si Seb ang nakita namin na galit na galit ang kan'yang itsura.
"Seb!" sabay na bigkas naming dalawa ni kuya Zander.