Chapter 10

1555 Words
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam muna si Seb sa akin na pupunta itong comfort room. Balak ko din sana mag cr kaso ayaw ko siyang kasabay na magtungo roon kaya pinauna ko na lang ito. Maya't-maya ay sumunod din ako pero pinatigil lang ako ng isang lalaking waiter. "Anong bawal kuya? Bawal po bang pumasok?" Nagtatakang tanong ko. "Iyon po kasi ang utos ma'am," magalang na sagot nito. Mabigat na hininga ang ang pagsang-ayon ko. Ang sakit na ng aking pantog at hindi ko na kayang tiisin ito. Nagmadali akong umalis at tinunton ang daan palabas ng restauran. Hindi ko na aantayin si Seb para makisabay sa kan'ya pag-uwe. Nauna ako para makauwe agad ng mansion at doon na lang ako magbabawas. Makakaya ko pang tiisin ito kaysa mag-antay sa wala. Kalahating oras nang marating ko na ang mansion. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makaihi pero dahil sa batong aking natapakan. Napatid ako na kinaihi ko na hindi naman sinasadya basta kusa lang ako nakaihi na hindi ko na napigilan pa. Nakaramdam ako ng ginhawa sa aking pantog at hinayaan na makaihi sa daan nang ako ay malapit na sa may looban. Napatawa ako bigla sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na makakaihi ako sa aking salawal nang may sumulpot sa aking harapan. Napaawang ang aking ibabang labi nang makita ko sa harapan si Seb. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Naningkit ang kan'yang mga mata sa akin nang magtama ang aming mga paningin. "What are you doing Marina? Why did you leave me at the restaurant? Did I tell you to go alone?" matigas na sabi niya. "A-ano kasi," sasabihin ko ba sa kan'ya ang totoo? Baka pagtawanan niya lang ako. "What?!" madiing bigkas nito at bigla na lang ito napatawa sa reaksyon ng aking mukha. Napanguso na lang ako dahil sa pagtawa niya. Alam na niya na nakaihi ako? Bigla akong napayuko at patakbong umalis sa kan'yang harapan. "Hey Marina wait!" sigaw nito ngunit hindi ko na siya pinansin pa at tinungo ko agad ang aking sariling kuwarto. Gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Pero masasabi ko na lang sa sarili ko na isa akong katawa-tawa. Alam ko naman kung anong meron sa ugali ni Seb kaya hindi na ko magtataka kung ganoon ang kan'yang ipinapakita. Kinagabihan, nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura nang maramdam ko ang gutom. Hindi na ko kumain ng panghapunan dahil kumain naman kami kanina sa restaurant. Nagkulong talaga ako sa aking silid at nagkunwaring tulog para hindi ako maabala ni Seb. Dahan-dahan ang aking paglakad patungo sa kusina para hindi ako makita ni Seb na kumakain sa dis-oras ng gabi. Alas diyes na, malamang ay tulog na ito. Agad akong naghanap ng makakain sa ref at iinitin na lang ito. Hindi na ko nagbukas ng ilaw rito at baka mahalata nilang kumakain ako. Pagtawanan na naman ako ni Seb. Ni hindi pa nga ako nakakamove-on kaninang nakaihi ako tapos ngayon makikita na naman niya ko na kumakain. Binilisan ko na lang kumain nang matapos kong initin ang mga ulam. Ang hirap pala kumain kapag patago tapos cp ng flashlght lang ang gamit kong pang-ilaw. Paubos ko na ang ang aking kinakain nang biglang may marinig akong ingay. Nataranta ako kaya nagtago ako agad sa silong ng mesa. Pakurap kurap ang aking mga mata dahil sa sobrang dilim lalo na't nakapatay ang aking pang-ilaw. Habol hininga nang papalapit ng papalapit ang mga yabag patungo dito sa kinaroroonan ko. Impit ang paghawak ko sa aking bibig dahil sa tindi ng aking kaba sa dibdib. Maya't-maya, wala ng bakas ng mga paa na patungo dito. Nakahinga ako ng maluwag nang biglang pagkatahimik ng paligid. Binalak kong lumabas ulit sa silong ng mesa pero laking gulat ko na lang nang may sariling mukha akong nakita kaya napatayo ako agad at malakas na nauntog sa mesa. Sobrang sakit at tila may konting hilo akong naramdaman sa aking ulo. Lumiwanag ang parte ng kusina pero narito pa din ako sa silong ng mesa nakatago. Nakaupo ako rito habang pinapahupa ang konting hilo. Para akong pagod, nakatingin lamang si Seb sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang ekspresyon ng kan'yang mukha. "Ikaw pala iyan. I thought you're an outsider. Get out of there now!" madiing sabi nito habang hawi niya ang telang panakip sa mesa. Dahan dahan akong lumabas sa silong ng mesa at napahawak sa upuan para makatayo. Hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso dahil ang sungit ng kan'yang awra. "Next time Marina, switch on the light para hindi ka napagkakamalang magnanakaw or multo. Arrggghh!! Clean your mess okay at umakyat ka na sa itaas matapos mong magligpit," utos nito.. Napabuga ako ng hangin sa aking bibig. Agad ko na lang niligpit ang nagkainan ko kanina. Dinadaing ko pa din yung sakit ng ulo ko. Napahawak ako doon, may nakapa akong malaking bukol. Kaya pala sa hilo ko kanina ay nagtamo ako ng malaking bukol sa ulo. Bakit ba kasi ang sungit ni Seb kaya ganito minsan ang nangyayari sa akin. Hindi ko din maintindihan ang ugali nito dahil sa paiba-iba ang kan'yang pinapakitang ugali o mood nito. Kinabukasan, minadali ko ang pagkilos ko para hindi ako malate sa pagpasok sa school. Hindi na ko kumain ng pang -umagahan. Inabala ko talaga ang mag-ayos ng aking sarili. Wala sa sariling namangha ako sa nakita ko. Napanguso pa ko sa salamin nang matapos kong malagyan ng liptint ang aking labi. Nang makontento na ko ay agad akong napalabas ng kuwarto. Naamoy ko ang masarap na pagkain na nagmumula sa may kusina nang ako ay makababa na. Napayuko na lang ako nang makasalubong ko si Seb nang patungo ako sa kusina. Yumukod siya para magpantay ang aming mga mukha. "Ahh... Seb! A-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong "Where you going? Bakit gan'yan ang ayos mo?" Kunot-noong tanong nito. "Papasok po ako sa school," magalang na sagot ko. Tipid na napatawa ito. "Are you sure na papasok ka? Sigurado ka bang may pasok ka ngayon?" singhal nito. "Oo naman, bakit po ikaw? Hindi ka ba papasok?" balik na tanong ko sa kan'ya. Mahinang napatawa ito, "If I say no, hindi ka rin ba papasok gaya ko?" Napasimangot ako, "papasok pa rin ako kahit hindi ka papasok. Sige po, aalis na ko." Tumalikod na ko at iniwan siya. Nawalan na ko ng ganang kumain dahil sa kan'ya. Ayaw ko pa naman masira ang araw ko dahil sa pang-iinis nito sa akin. Mag-uumpisa na ang klase pagkarating ko. Tahimik na nagtungo ako sa aking upuan at nginitian ang aking kaibigan nang magawi ang paningin ko sa kan'ya pero sumenyas ito na hindi ko naman maintindihan. "Mamaya na lang," mahinang bulong ko. Napasimangot na lang ito dahil hindi ko naunawaan ang kan'yang pagsenyas. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagbabasa para mamaya ay may maisagot ako. Seryoso ang aking pagbabasa nang may tumawag sa pangalan ko. Nangunot ang aking noo nang makita ko si Seb na nasa harapan ng white board nang iangat ko ang ulo ko. Napaawang na lang ang aking ibabang labi dahil hindi ako makapaniwalang siya yung sinasabing papalit sa professor namin. Kinabahan ako bigla at baka ipahiya niya ko dito. Malaki pa naman ang galit nito sa akin. Tumayo ako agad nang tawagin niya ko sa pangalan ko. "Come forward Marina. You may sit here," turo nito. Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko at nahihiyang nagpunta sa harapan at naupo sa bakanteng upuan. "Are you sure sir na diyan niyo papaupuin yang matabang 'yan?" singhal ng kaklase ko na si Rashina pagkaupo ko sa may harapan. "Yeah and why? Do you have a problem with Marina?" "Yes sir! malaki ang problema kung diyan niyo po siya papaupuin imbes na sa likod na lang siya. Paano naman po kaming nasa likuran niya kung hindi namin makikita ang sinusulat niyo," reklamo nito. "Is that your reason o may iba pang rason para diyan. Kung ayaw mo si Marina na nasa harapan, ikaw na lang ang mag-adjust sa sarili mo kung gusto mong mag-aral," sabi ni sir Seb na siya ang Prof. namin. "Okay sir sensya na," hinging tawad nito. "Okay, from now on. Dito na uupo si Marina sa harapan. Is that clear?" "Yes sir!" tugon ng lahat. Sumllay sa aking labi ang ngiti. Heto pala ang dahilan kaya niya ko tinawag sa pangalan ko. Nakakataba ng puso kapag ganito si Seb na mabait. Sana magtuloy na yung gan'yang pag-uugali niya. Pero nasa kan'ya pa rin yung ugaling pagkamayabang nito. Pero okay na iyon, bagay naman sa pagmumukha niya. Abala ako sa pagliligpit ng aking mga gamit nang matapos ang aming klase. Ramdam ng aking sikmura ang pagkagutom. Grabe! wala man lang vacant time kaya ang lahat ay nagreklamo. Bakit kaya hindi kami pinagrecess ni Seb? Iniisip ko tuloy dahil sa akin pero damay damay ang lahat dahil sa akin na ayaw lang ipahalata ni Seb na iniinis niya talaga ako para hindi kumain. Iniisip ko tuloy na gusto ni Seb na magdiet ako at iyon ang pakiramdam ko gaya kaninang umaga na hindi niya talaga ako pinakain dahil sa pagharang nito sa akin kanina sa kusina. Kung ito ang gusto ni Seb, gagawin ko talaga ang lahat para magpapayat. May pusong mamon din pala si Seb ayaw niya lang ipahalata sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD