Fiftieth founding anniversary ng eskwelahan nina Bettina and it was a week long celebration. May iba’t ibang pakulo ang bawat departamento, kagaya ng kung ano-anong booth activities, fund raising para sa eskwelahan, pagtatanghal ng Mr. and Miss St. Benedict, mga palaro at kung ano-ano pa. “Manonood ka ba mamaya?” tanong sa kan’ya ni Trina habang inaayos niya ang mga ibenebenta nilang libro. Iyon ang naisip nilang pakulo para sa booth nila. A bookstore booth na mayroong magazines, mga post cards, posters, songhits, novels na english at tagalog, at iba pang mga book materials na magagamit ng mga estudyanteng pumasok sa eskwelahan nila. “Baka hindi na,” matamlay niyang tugon. “Ha? Bakit naman?” “Wala naman ng ibang activities mamaya kundi iyong Mr. and Miss St. Benedict. Hindi naman ako

