bc

UNA'T HULI

book_age16+
403
FOLLOW
2.9K
READ
billionaire
reincarnation/transmigration
HE
age gap
bxg
lighthearted
addiction
actor
passionate
like
intro-logo
Blurb

BLURB:Jose Emilio Acosta Mallari III-- Tres para sa malalapit sa kaniya at J.E. naman sa mga kasamahan niya sa industriya. Mailap, suplado at may saraling mundo. Iyon ang taguri sa kaniya ng mga kasamahan sa entertainment industry.Subalit, wala siyang pakialam roon. Not until he met, Bettina de Leon. Ang probinsyanang ubod ng ganda at talino, at ang kaisa-kaisahang taong nagpangiti sa kaniya ng totoo.Tuluyan ba siyang mababago ng dalaga? O mananatili na lamang siya sa mundong siya rin mismo ang lumikha?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Betty! Betty!” pumapalakat na tawag sa kan’ya ng kaibigang si Trina mula sa labas ng kanilang bahay. Agad niyang iniwanan ang mga labahin at napatakbo rito. “Ano ba iyon Trina at ke-aga-aga ay para kang sirena ng bombero sa lakas ng tinig mo, ha?” tanong niya rito bago humalukipkip “Naku, Betty! Siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko,” humihingal na wika nito at mabilis siyang hinila paupo sa kawayang upuan, na nasa ilalim ng punong santol nila. “Ano nga iyon?” Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “Darating ang The Hermits dito sa ’tin!” tumitiling wika nito. Nanlaki bigla ang kaniyang mga mata. “Ano! Talaga!?” bulalas niya kasabay nang pagtayo. “Kelan? Kelan!?” tarantang tanong niya. Sinabayan pa niya iyon nang pagyugyog sa balikat nito. Ang The Hermits na tinutukoy nito ay ang pinakasikat na OPM band sa Pilipinas. May lima iyong myembro na pinangungunahan ni JE Mallari na s’yang main vocalist ng banda, at ang kaisa-isahang tao sa buong mundo na iniidolo niya. Bukod doon ay crush na crush n’ya rin ito. Gwapong-gwapo s’ya sa lalaki kahit sa tingin ng iba ay maangas itong tingnan, dahil sa may kahabaan nitong buhok na lagpas balikat at laging nakasalamin. Hindi rin ito basta-basta ngumingiti, kaya tinagurian din itong suplado. Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin nabawasan ang paghanga niya rito. Ito pa rin ang batayan niya sa isang lalaki. And as of this moment, no one has ever beaten him. “Sa isang araw na. Kaya sa wakas ay matutupad na rin ang pinakamimithi mo!” excited na wika nito. “Ahhh. . . ! Talaga?!” malakas niyang tili sabay talon. “Oo!” Kilig na kilig si Trina na nakisabay pa sa pagtalon niya. Hindi pa ito nakontento at hiwakan pa s’ya sa mga kamay. Para tuloy silang mga ewan na aakalain nang makakakita sa kanila ay nasisiraan na sila ng bait. “Pero teka…” aniya at tumigil sandali. “Saan ba ang venue?” “Sa may A. Mabini Park. Free admission lang kaya go na tayong dalawa,” sagot nito. “Ganoon ba? Eh, ’di ba midterm na natin next week? Baka pareho tayong hindi payagan?” nag-aalalang turan niya. Hinampas s’ya nito sa balikat. “Ano ka ba? Eh, Sabado naman ’yong concert kaya may pagkakataon pa tayo na mag-aral sa Linggo.” Pareho silang third year college student sa St. Benedict College. Bachelor of Elementary Education ang kinukuha nila pareho. S’ya major in English at si Trina naman ay Social Studies. Sandali s’yang nag-isip. “Pero malayo pa rin ang A. Mabini dito sa atin. Tatlong bayan pa mula rito sa Sta. Fe,” aniya. “Gagamitin naman natin ang scooter ni Kuya Joey, eh.” “Nahiram mo na?” Ang tinutukoy nitong Kuya Joey ay kapatid nito. Tumango ito. “Oo.” Muli s’yang nag-isip. Siniko siya ng kaibigan. “Ano na. . . ? Akala ko ba crush na crush mo si JE, eh bakit kuntodo isip ka pa riyan? Minsan lang ’to, ha, kaya huwag mo nang palagpasin,” pangungumbinsi nito. Napakamot s’ya sa ulo. “Eh, syempre papaalam pa ako kina Itay at Inay. Alam mo naman ang mga ’yon, sandamakmak na mga tanong muna ang dadaanan ko bago makalusot.” “Sabihin mo na lang na mag-aaral tayo sa ’min. Madali namang gawan ng paraan, eh. Ha? Sige na. . .” patuloy nitong pangungumbinsi sa kan’ya. Huminga s’ya nang malalim. “At ginawa mo pa talaga akong sinungaling?” nakataas ang kilay na siya niya rito. “Pero sige. . . dahil minsan lang ito, lalakasan ko na lang ang loob ko na magpaalam sa kanila. Hindi naman ito makaaapekto sa grades ko. Mas magiging inspired pa nga ako ’pag nagkataon,” kinikilig na wika niya. “Yes!” malapad ang ngiting sambit ni Trina. “O, sige na. . . sige na. Tapusin ko na muna ang mga labahin ko, bago pa ako masermunan ni Inay. Baka sa halip na payagan ako ay lalong hindi,” pagtataboy niya sa kaibigan. “Sige. Puntahan na lang ulit kita mamaya rito,” anito bago tumayo at mabilis na sumakay sa bisekleta nito. Inihatid n’ya naman ito ng tingin, bago muling binalikan ang mga labahin. Pakanta-kanta pa s’ya habang nagkukusot ng kanilang mga damit. ***** “Saan?” tanong sa kan’ya ng amang si Mang Pedring. Isa itong magsasaka at may maliit ding poultry di-kalayuan sa bahay nila. “Sa San Mateo ho, ’Tay. May gusto ho kasi kaming panoorin na concert ni Trina doon,” aniya habang naglalagay ng mga plato sa lamesa. “Eh, di ba midterm exam n’yo na next week?” tanong naman ng kaniyang ina na si Regina. Isa naman itong public school teacher sa elementarya sa kanilang barangay. “Hindi naman ho makaaapekto sa grades ko iyon. Sisiguruhin ko ho sa inyo ni Itay na maipapasa ko iyon nang walang kahirap-hirap,” may halong pagmamayabang na saad niya. Hindi naman talaga siya kinakabahan sa exam nila dahil lagi naman s’yang nangunguna roon. She’s a dean’s lister with the highest GPA among her peers. Kaya nga isa iyon sa ipinagpapasalamat ng kaniyang mga magulang dahil nakamenos iyon sa gastusin nila. Isa kasi s’yang scholar ng bayan. Tatlo silang magkakapatid at siya ang pangalawa. Ang kaniyang Kuya Vince ay kakatapos lang ng engineering, at kasalukuyan pa lang na naghahanap ng trabaho. Ang sunod naman sa kaniya na si Jessica ay nasa huling taon sa sekundarya. Kaya medyo may kalakihan pa rin ang gastusin nila, dahil halos sa sahod lang ng kanilang ina sila umaasa. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang kinikita ng kanilang ama sa pagsasaka. Karaniwan na ay halos hugot lang lahat ng gastusin. Ang natitira roon ay sila nilang kinakain sa araw-araw. Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang nang marinig ang sinabi niya. Ni minsan naman ay hindi niya binigo ang mga ito kaya nananalangin s’ya nang mga sandaling iyon na payagan na s’ya nila. “O s’ya sige. Basta wala kang magiging bagsak ngayong midterm mo ay ayos lang sa amin ng Inay mo. Pero oras na may bagsak ka, alam mo na ang mangyayari. Wala munang layas-layas dito sa bahay,” anang kaniyang ama. Nagtatalon namang niyakap niya ito nabg mahigpit. “Salamat, ’Tay! Sisiguraduhin ko ho sa inyo na hindi iyon mangyayari,” tila kinikilig pang wika niya. Napailing na lang ang kaniyang ina. “Basta huwag kayong masyadong papagabi ni Trina. Alam mo naman ang panahon ngayon, masyado ng delikado,” anito. “Oho, ’Nay,” nakangiting tugon niya. “Saan pala kayo sasakay? Masyado nga palang malayo ang San Mateo dito sa atin,” nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Bigla naman s’yang kinabahan. Baka kasi bawiin nito ang pagpayag sa kanya. “Ah, huwag ho kayong mag-alala. Hiniram na ho ni Trina ang scooter ni Kuya Joey. Iyon ho ang gagamitin namin papunta roon.” Naka-cross ang mga daliri niya habang sinasabi iyon. “Scooter?” Salubong ang mga kilay na tiningnan siya ng ina. “Oho, ’Nay. Marunong naman kami pareho ni Trina na magmaneho noon, eh.” Sabay na humugot nang malalim na hininga ang dalawa. “Basta mag-iingat kayo,” anang kaniyang ama. “Oho. Lagi naman ho kaming nag-iingat,” aniya. “Sige na. Tawagin mo na ang mga kapatid mo para makakain na tayo,” utos ng kaniyang ina. Mabilis naman s’yang tumalima. Parang may pakpak ang kaniyang mga paa na pinuntahan ang mga ito sa sala. “Nakahayin na,” malapad ang mga ngiting imporma niya sa dalawa. “Mukhang pinayagan ka, Ate, ah,” ani Jessica. “Syempre! Ako pa!” Kinindatan pa niya ito. Natatawang naiiling na lang ito, bago sumunod sa kuya nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook