CH. 9

1135 Words
6 pm na ng gabi ng magising ako. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko dahil parang kulang pa rin ang tulog ko, pero kailangan ko ng bumangon. Nagluto lang ako ng kakainin ko at pagkatapos ay nag set up ng mga gagamitin ko para sa work from home ko. Actually excited ako dito sa bagong work ko na'to Data analyst ang trabaho ko kaya halos buong gabi akong nakaharap sa computer. Hindi naman napaka hirap ng trabaho ko na'to dahil sanay na rin ako, pero minsan nakakapagod din lalo na ngayon na buntis ako. Habang nagtatrabaho ay sinabay ko na rin ang pagkain ko, Sabi ng doktor hindi dapat ako nalilipasan ng gutom. Nasa tabi ko lang ang plato ko at yung gatas na iniinom ko. Every now and then ay umiinom ako habang nagbabasa ng mga data na kailangan kong ayusin. Tahimik lang ang buong bahay. Wala si Stella kaya wala rin akong makausap. Mas okay na din siguro dahil nakaka focus ako sa trabaho. Lumipas ang mga oras na hindi ko namalayan. Minsan ay napapahawak ako sa tiyan ko kapag nakakaramdam ako ng konting pagod. Pero napapangiti kapag iniisip ko si baby. "Konting tiis lang baby, matatapos din tong work ni mommy." Parang ang weird na kinakausap ko na ang tiyan ko kahit hindi pa naman ako sigurado kung naririnig ba talaga ako ng baby ko. Napangiti ako ng kaunti. 12 am na ng matapos ang trabaho ko. Niligpit ko lang ang work table ko at inayos ang laptop at iba pang mga gamit. Pagkatapos ay nag stretch muna ako dahil sumakit na ang likod ko sa pag kakaupo ko. Pumunta ako sa kitchen at uminom ng tubig. Pagbalik ko sa kwarto ay humiga na agad ako. Hindi na ako nagtagal at nakatulog rin agad. Kinabukasan, Sunday, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas maaga akong nagising kaysa usual. Bumangon ako at nagluto ng breakfast ko, masasanay rin akong mamuhay mag isa. Simple lang ang niluto ko, pero syempre dapat masusustansya ang mga kakainin ko. Pagkatapos kong magluto ay umupo ako at tahimik na kumain. Napatingin ako sa kabilang upuan. Wala si Stella. Usually kasi kapag nandito siya, kahit papaano ay may nakakausap ako. Kahit tungkol lang sa mga random things o minsan naman ay tungkol sa baby ko. Pero ngayon wala siya. Dinalaw niya kasi ang anak niya sa mga magulang niya. Naiintindihan ko naman iyon kaya hindi ko na rin siya ginulo. After ko mag breakfast ay naghugas lang ako ng mga pinagkainan ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto at nahiga ulit sa kama, feeling ko pagod na pagod ako. Habang nakatitig ako sa kisame ay kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Bakit naging ganito ang buhay ko? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Napabuntong hininga ako. Ibang iba sa marangyang buhay na nakasanayan ko noon. Dati, hindi ko kailangang isipin kung saan ako kukuha ng pera. Hindi ko kailangang magtrabaho nang gabi hanggang madaling araw para lang may pang gastos ako, lalo na sa luho ko. Pero ngayon, ako na lang ang gumagawa ng lahat. At hindi na para sa luho ko ang perang kikitain ko. Ako ang kailangang magtrabaho. Ako ang kailangang mag isip para sa sarili ko at para sa baby ko syrempre. At higit sa lahat, kailangan kong isipin ang magiging anak ko, lalo na kapag nanganak nako. Napapikit ako at hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa gilid ng mata ko. Mabilis ko 'tong pinunasan pero mas lalo lang akong umiyak. Hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay. Hindi ko rin ginusto na umabot ako sa punto na kailangan kong magsimula ulit from zero. Pero wala na rin naman akong magagawa. Kailangan kong tanggapin. Hinimas-himas ko ang tiyan ko habang nakahiga. "Hi baby, okay ka lang ba diyan?" Napangiti ako kahit may luha pa sa mata ko. "Sana okay ka lang." Huminga ako nang malalim at pinunasan ulit ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. "Don't worry anak, gagawin ko lahat para lang mabuhay ka ng hindi nahihirapan." Napapikit ulit ako. "Papalarin tayo anak. Kahit hindi man katulad ng buhay na nakasanayan ko noon, sisiguraduhin kong hindi mo mararamdaman na kulang ka." Napahawak ako ng mas mahigpit sa tiyan ko. "Ipaparamdam ko sa'yo anak na kahit ako lang ang kasama mo, maramdaman mong punong-puno ka ng pagmamahal." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumulo nanan ang luha ko, umiiyak nanaman ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang emotional ko nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil sa pregnancy. Minsan okay naman ako tapos bigla na lang akong malulungkot. Napangiti ako habang pinupunasan ang luha ko. "Drama mo naman, Meerabelle." Napatawa ako nang mahina sa sarili ko. Pero ilang minuto lang ay parang bumigat na naman ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako kahit maaga pa. Ganito siguro talaga kapag buntis. Madrama. Emotional. At sobrang lakas matulog. Pagkagising ko ay hapon na. Medyo nagugutom ako kaya bumangon ako at kumuha ng makakain. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa kama. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong may message si Stella. Stella: "Meerabelle, okay ka lang ba jan, di kita nabisita ngayon. Baka gabihin ako e." Nag reply naman ako agad. Me: "Okay lang. Enjoy ka muna with your family." Pagkatapos kong mag reply ay inilapag ko ulit ang phone ko. Tahimik na naman. Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Simple lang ang lahat. Wala na yung mga bagay na dati kong nakasanayan. Wala na rin yung mga taong dati ay palaging nasa paligid ko. Pero kahit ganun, kailangan kong matutong mabuhay ng ganito. Para sa baby ko. Pagsapit ng gabi ay naghanda na naman ako para sa trabaho. Same routine ulit. Binuksan ko ang laptop ko, inayos ang mga files at nagsimula na naman akong mag work. Habang nagtatrabaho ay paminsan-minsan kong hinahaplos ang tiyan ko. "Mommy is working again, baby." Napangiti ako. "Para sa future natin." Patuloy lang ako sa pagtatrabaho kahit ramdam ko na ang antok at ngawit ng pag upo. Ayokong magreklamo dahil alam kong kailangan ko rin itong trabaho. 12 am na ng matapos ako. Napahinga ako nang malalim habang sinasara ang laptop. "Finally." Niligpit ko ang work table ko at inayos ang mga gamit. Pagkatapos ay nagpunta ako sa bathroom para maghilamos. Pagbalik ko sa kama ay humiga ako at inayos ang unan ko. Hinimas ko ulit ang tiyan ko. "Good night, my baby." "Tomorrow ulit." Ngumiti ako nang kaunti. "Kakayanin natin to." At pagkatapos noon ay ipinikit ko na ang mga mata ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay ko, may isang bagay akong sigurado. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa future. Pero gagawin ko ang lahat para kay baby, sa anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD