bc

Accidentally Pregnant

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
family
single mother
heir/heiress
tragedy
campus
like
intro-logo
Blurb

Hi I am Meerabelle Mariano a college student. Bilang nag iisang anak na babae nila mom and dad I get what ever I want. Spoiled but not brat. Pero kahit na ganoon ay hindi ako nasisiyahan, my parents are strict, they have a lot of trust in me and their expectations is so high. I must excel academically in order to remain among the top students. Wala sa bokabularyo nila ang mahihina ang utak. And because of that lagi akong pressured hindi lang every exam but everyday.

May isa pang problema kasama namin sa bahay si Cassandra Mariano. We have the same last name? Because she is my cousin, anak sya ng kapatid na lalaki ng daddy. Cassandra has a broken family, yung mama nya hindi nya alam kung nasaan na, at ang papa nya ay lasinggero Ngayon at laging napapa away sa kung saan saan. Naawa sila daddy kaya inampon sya at pinapanaral. But we are not close .

Our family has a prosperous company. Si papa ang nagma-manage nito at ang sabi nya ay ako ang susunod na hahawak rito. Kinabahan at pressured nanaman ako. Dahil ang sabi nya kailangan konpng mas galingan sa pag aaral ko.

Maayos ang buhay ko kahit na lagi kong kaaway ang maldita kong pinsan not until na Kilala ko SYA. Ang babago ng buhay ko at magiging dahilan ng pagkasira ng relasyon ko sa family ko.

chap-preview
Free preview
CH. 1
Meerabelle's POV “Oh, my dear cousin. How are you?” Cassandra greeted me with her most plastic smile. I think may pakulo na naman ito. “Hi.” Maiksi kong sagot bago ako dumiretso papasok ng bahay. Kakauwi ko lang galing school at gusto ko sanang makapagpahinga. “Wait, cousin. Nagmamadali ka naman.” Napaka-arti ng tono niya. Ka-irita. “Ahm, Cassandra, ano ba iyon? Pagod ako galing school. I need to rest,” tanong ko sa kanya. Pagod na pagod talaga ako, lalo na't binigay na kanina ang report cards namin. “Hindi ba nagbigayan na ng grades kanina? I just wanna know your GWA.” Sinabi niya iyon na para bang close na close kami. “W-what? Why?” Bigla akong kinabahan. “Nothing. Tito and Tita will surely want to know our GWA because it's very important to them, right?” Habang nagsasalita siya, may kakaiba sa ekspresyon niya. Para bang may kung anong evil plan na naman siyang naiisip. Pa-epal na naman ito. Sigurado ako. Lalo akong kinabahan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang malaman agad ang grades ko. “You're not my parents. Wala akong obligation na sabihin sa'yo ang grades ko, Cassandra.” “Yeah, right.” Ngumiti siya nang peke at saka ako tiningnan ng maldita. Hindi ko na siya pinansin. Umakyat ako sa taas, pumasok sa kuwarto ko, at agad na ni-lock ang pinto. Huminga ako nang malalim bago ko kinuha ang report card ko mula sa loob ng bag. Pagtingin ko rito, agad kong nakita ang nakasulat. GWA: 1.25 “Argh!” Halos mapasigaw ako sa loob ng kuwarto. “Bakit 1.25 lang?!” Kailangan ko ng 1.00 flat. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa report card ko. Hindi naman masama ang 1.25, pero para sa mga magulang ko, kailangan kong maging pinakamagaling. At higit sa lahat, gusto kong patunayan sa kanila na kaya kong maging karapat-dapat sa mga responsibilidad na balang araw ay ipagkakatiwala nila sa akin. Pero ngayon, kinakabahan ako. Paniguradong itatanong nila ang grades namin ni Cassandra. At naalala ko siya kanina. Bakit ganoon ka-confident si Cassandra? Huwag mong sabihin na nakakuha siya ng 1.00 flat? Paano? Noong nakaraang taon, puro 2.00 at 3.00 ang grades niya. Nag-aaral na ba siya nang maayos ngayon? Nagbago na ba siya? O baka naman may iba siyang ginawa? Hindi ko namalayan na habang iniisip ko iyon, nakatulog na pala ako. Isang oras din ang lumipas bago ako nagising dahil sa katok ni Manang. “Miss Meerabelle, gising na po. Hapunan na.” Napadilat ako. At biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Eto na. Eto na ang oras na kinatatakutan ko. Mahilig pa naman si Dad na tingnan at pag-usapan ang grades namin sa harap mismo ng hapag-kainan. Napahawak ako sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili bago bumangon. Naghilamos lang ako at inayos ang sarili bago bumaba. Feeling ko bawat hakbang ko sa hagdan ay inilalapit ako sa sarili kong kamatayan. I'm not overreacting. Kilalang-kilala ko ang parents ko. At ngayong gabi, malalaman ko kung gaano kalaki ang magiging problema dahil sa 1.25 na grade ko. Pagpasok ko sa dining area, naroon na sina Mom, Dad, at Cassandra. Si Cassandra ay komportableng nakaupo sa kanyang upuan. Relax na relax siya at may maliit pang ngiti sa labi. Hindi ko na lang siya pinansin at agad akong lumapit kina Mom at Dad. “Hi, Mom. Hi, Dad.” Ngumiti ako at bumeso sa kanila. “Mm. Anak, maupo ka na. Kakain na tayo,” sabi ni Mom. “Yes, Mom.” Tipid akong ngumiti bago umupo. Pinagmasdan ko ang hapag-kainan. Ang daming pagkain. May roasted chicken, creamy chicken, steak, buttered garlic prawns, at shrimp. May mga dessert pa—cakes, chocolates, at ice cream. Ganito talaga kami sa bahay. Kapag oras ng hapunan, parang may piyesta sa dami ng nakahain. We were used to it. Pero ngayong gabi, parang wala akong ganang kumain. How am I supposed to enjoy this meal when I'm waiting for my parents to ask about my grades? “Oh, Meerabelle. What's wrong?” Nagulat ako sa boses ni Dad. “A-ah, nothing, Dad. Why?” “You look... I don't know. Are you sad or tense?” Mas lalo akong kinabahan. Tumawa ako nang pilit para maitago ang kaba ko. “No, Dad. Why should I be sad or tense?” “Oo nga naman. Okay, let's eat. Baka lumamig ang pagkain.” Sa totoo lang, parang mas nauna pa akong nilamig kaysa sa pagkain. Habang kumakain, nagkukuwentuhan sina Mom at Dad. Kinukuwento ni Mom ang tungkol sa bag store niya dahil may new store raw nagbukas sa tabi ng shop niya. “Nakakainis nga, eh, hon. Sa dinami-dami ng puwesto, why there? That girl always does the things I do. Pero okay lang iyon. She has the right to do whatever she wants. Hindi naman niya ako matatalo.” Hindi ko alam kung galit ba siya o nagyayabang. “Tita, show that girl that she can't beat you!” singit ni Cassandra na halatang nakikisipsip. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at pagtatawanan. Samantalang ako, abala sa pag-iisip. Hindi sa pagkain. Kundi sa grades ko. “Ehem.” Biglang tumikhim si Dad. Natahimik kami at napatingin sa kanya. Humarap siya sa amin ni Cassandra. Ako, pinagpapawisan na sa kaba. Samantalang si Cassandra, simple lang ang upo at nakangiti. Pasimple pa niya akong nilingon at ngumisi na para bang may alam siyang hindi ko alam. “Kayong dalawa, may magandang balitang ibabahagi sa amin?” tanong ni Dad. Panigurado, report card ang tinutukoy niya. “Hay nako, Tito. Akala ko naman kung ano na.” Tumawa si Cassandra. Pero seryoso pa rin ang mukha ni Dad. Intimidating ang tingin niya, at kahit ang mga empleyado niya ay kinakabahan kapag kaharap siya. “Ah, Tito and Tita, here's my card.” Magiliw na iniabot ni Cassandra ang report card niya. Pagkatapos, humarap siya sa akin. Katabi ko lang siya kaya bahagya lang siyang yumuko para makapagbulong. “Cousin, are you ready?” bulong niya. “Base sa looks mo, kinakabahan ka. Oh my God. Bagsak ka ba?” “Tigilan mo ako, Cassandra. Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon.” “What? Hindi kita inaasar. I'm just asking.” Mahina siyang tumawa. “Wait, are you okay? Pinagpapawisan ka. Nagsasalita lang naman ang tatay mo, pero parang mamamatay ka na sa kaba.” Hindi ko na siya pinansin. “Iha?” Napatingin ako kay Mom. Nakaharap siya kay Cassandra. “Is this real?” “Cass, tell me kung tama ba itong nakikita namin,” dagdag ni Dad. Napakunot ang noo ko. Ano ba iyon? Bagsak na naman siguro si Cassandra. Hay nako, Cassandra. Magbago ka na kasi. “Hay nako, Tito and Tita. Totoo po,” sagot ni Cassandra. Biglang tumayo si Mom. At—what? Niyakap niya si Cassandra. “Oh my God, iha! Binigla mo kami. Your improvement is really good! This time, hindi na sayang ang pagpapaaral namin sa'yo ng Tito mo.” “Yes, iha. Excellent! Keep up the good work,” dagdag ni Dad. Napatigil ako. Teka... ano? Anong nangyayari? Hindi ko napigilang kunin ang report card ni Cassandra na nasa mesa. Tiningnan ko ang nakasulat. At halos mapanganga ako. GWA: 1.00 “A-ano?” Hindi ako makapaniwala. 1.00 flat? What happened? Why suddenly like this? It was impossible. Si Cassandra? Ang pinsan kong halos puro 2.00 at 3.00 ang grades noong nakaraan? Bigla na lang nakakuha ng 1.00? “Meerabelle?” Napalingon ako nang marinig ang malakas na boses ni Dad. “What are you saying? She cheated?" Napakurap ako. Hindi ko namalayan na nasabi ko pala ang iniisip ko nang malakas. “What? D-dad, no po. I'm sorry. Nagulat lang ako.” “Huh? Nagulat? Nagulat ka kaya mo nasabing nandaya ako?” Galit na sumingit si Cassandra. “Baka naiinggit ka lang. Ano bang grade mo? And, couz, paano ko magagawa iyon? Nag-aral ako kaya ko nakuha ang grade na iyan!” Napayuko ako. “I'm sorry.” “Anak, where is your report card? Puwede ba naming makita?” tanong ni Mom. “Ah... just a moment po.” Dahan-dahan kong kinuha ang report card ko na nasa bulsa ng pants ko. Habang inilalabas ko iyon, lalo akong nanginginig. Mas mataas ang grade ni Cassandra sa'kin. At alam kong hindi iyon magugustuhan ng parents ko. “Here, Mom.” Iniabot ko ang report card ko. Tahimik itong tiningnan ni Mom. Masinsinan niyang binasa ang bawat nakasulat. Samantala, ako ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Pagkatapos niyang tingnan ang card ko, napabuntong-hininga siya at iniabot iyon kay Dad. Tiningnan ko si Dad. At biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. My heart dropped. “What is this, Meerabelle Mariano!?” Galit na galit sya. “Hon, huminahon ka lang,” mabilis na sabi ni Mom habang tumatayo at inaalo siya. “Belle, this is disappointing!” “What happened to you, Meerabelle? What did I tell you last time?” “Mom, Dad... I'm sorry.” Hindi ko na napigilang maiyak. “1.25? This is not acceptable!” Lalong lumakas ang boses ni Dad. “Si Cassandra, 1.00. At ikaw? Since then, mataas na ang grades mo. Biglang ganito? What happened now?” “Dad...” “Meerabelle, are you dating? Are you seeing someone?” Umiling ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko. “I told you, no boyfriend until you graduate!” “I'm not dating anyone, Dad.” “You are my only heir, Meerabelle. That's why your mother and I are rooting for you. Paano namin ipagkakatiwala sa'yo ang kumpanya kung ganyan?” “Mom, Dad, I'm so sorry. I'll do my very best.” “You disappointed us, Meerabelle.” Parang mas masakit pa sa sigaw niya ang mga salitang iyon. Napayuko ako. “Gosh! Is that really true, cousin? Ha? You are doing something, no?” Napatingin ako kay Cassandra. “Can you please shut up, Cassandra?” “Okay, okay.” Umupo siyang muli at parang walang nangyari. “Ang sarap ng dessert mo, Manang, ha.” Hindi ko na siya pinansin. Tumayo si Dad at humarap sa akin. “Fix this.” Itinuro niya ang report card ko. “And fix yourself, dahil hindi mo magugustuhan kapag naulit pa ito.” Huminga siya nang malalim. “Wala na akong ganang kumain.” At saka siya umalis sa dining room. Sumunod sa kanya si Mom. Naiwan ako roon, tahimik at umiiyak. “Ang sarap ng buhay ko. Walang problema, maraming pagkain sa harap. Diba, couz?” Hindi ko na siya sinagot. Tumayo ako mula sa hapag-kainan. Feeling ko wala man lang akong nakain. Hindi man lang nalamanan ang tiyan ko. Kahit gaano kasarap ang mga pagkaing nasa harap ko, wala na akong gana sa lahat. Tahimik akong umalis sa dining room nang hindi nagpapaalam kay Cassandra. Umakyat ako sa kuwarto ko at doon ko tuluyang pinakawalan ang mga luha ko. Pagkapasok ko sa kuwarto, isinara ko ang pinto at naupo sa kama. Ilang segundo ang lumipas bago ako humiga. Nakatitig ako sa kisame habang walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Dad. You disappointed us. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit parang kasalanan ang pagkakaroon ng 1.25. I did my best. Nag-aral ako. Nagpuyat ako. I gave everything I could. Pero para sa kanila, hindi pa rin sapat. At higit sa lahat, hindi ko maalis sa isip ko ang report card ni Cassandra. 1.00 flat. Paano niya nagawa iyon? Bakit pakiramdam ko ay may hindi tama? Hindi ko na kayang isipin pa iyon ngayong gabi. Hindi na rin ako nakapag-hilamos. Wala na akong lakas. Kaya habang nakahiga ako at patuloy na umiiyak, unti-unting bumigat ang mga talukap ng mga mata ko. At sa gabing iyon, nakatulog na lang ako habang basa pa rin ng luha ang aking pisngi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook