CH. 2

1959 Words
Belle's POV Today is Saturday, pero may pasok kami. Monday to Saturday ang pasok ng mga Business Administration students, or BBA course. 4th year college na nga pala ako, and my malditang cousin, Cassandra, is also a 4th-year college student. Hapon na nang yayain ako ng mga kaibigan ko na mag-hangout muna dahil sobrang suffocated na raw sila this term. Graduating na kasi kami. “Guys, you know what? 1st sem pa lang, nakaka-inis na, no?” sabi ni Berna, isa sa mga kaibigan ko. “Kaya nga. Nakaka-stress na,” sabi ni Lucy, isa rin sa mga kaibigan ko. “Kakatapos lang natin ng 1st sem. Panigurado, mabubugbog na tayo sa 2nd sem nito,” sabi ni Casey, ang pangatlo sa aming magkakaibigan. “Yeah, right! Wait, why don't we hang out? Since tapos na ang lahat ng exams and nabigay na ang grades natin. Why don't we have fun bago tayo sumugod sa bagyo next sem?” excited na sabi ni Lucy. “Guys, kayo na lang. I'm not in the mood kasi, saka grounded ako, panigurado. Kapag umuwi ako nang late, baka mapatay ako ni Daddy.” Hindi talaga ako puwede. May atraso pa ako at kailangan kong bumawi sa parents ko. “Hay nako, Belle, huwag mo na kasing isipin iyon. Ano ka ba? Sa ating apat, ikaw ang may pinakamataas na grades, no?” sabi ni Berna. “Kaya nga. 1.25, hindi pa puwede sa'yo? Nakaka-stress na nga sa school, i-stress mo pa ang sarili mo sa bahay n'yo,” sabi ni Casey. “Tama! Tara na, sumama ka na. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-enjoy, Belle,” sabi ni Lucy. “At for sure, wala na tayong takas next sem. Magiging busy na tayo noon.” Sabay-sabay silang tatlo. “Ano 'yan, guys? Choir lang ang atake? HAHAHA!” Tawanan kami nang tawanan. Ang dami-dami pa nilang sinabi at nagpa-cute pa sila sa harap ko hanggang sa napapayag nila ako. Kapag talaga kasama ko silang tatlo, naiibsan yung lungkot ko sa bahay. Nakakalimutan ko pansamantala yung napakalaking responsibilidad na ipinapasan sa akin ng parents ko. Imagine, noong first year college pa lang ako, sinabi na nila na someday, ako na ang magma-manage ng negosyo namin. Tanggap ko naman iyon nang buong puso. Galing sa parents ko iyon, kaya masaya ako at proud sa sarili ko dahil ipagkakatiwala nila sa akin ang naipundar nilang mag-asawa. At alam ko namang nag-iisa nila akong anak, kaya ako lang ang maaasahan nila. Pero kasi, imagine, 22 pa lang ako ngayon. Kapag graduate ko ng college next year, 23 pa lang ako. How can a 23-year-old manage a huge business? Pressured ako araw-araw at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto nila, lahat perfect! Hindi naman ako Android. Hindi rin naman ako alien. Napapagod din ako. Bago nga pala kami umalis, nag-mall muna kami. Hindi na raw namin kailangang umuwi sa bahay. Bibili na lang kami ng susuotin pangpalit sa mga uniform namin. Habang naglalakad kami sa loob ng mall, nadaanan namin ang isang boutique na puro branded items ang binebenta. Naroon na ang lahat, mula clothes, footwear, bags, and accessories. Isang simpleng red dress na above the knee lang ang kinuha ko. Versace ang tatak nito. Kumuha rin ako ng black high-heeled boots na below the knee, Saint Laurent ang brand. Pagdating ko sa bag section, kukunin ko na sana yung white purse nang may kumausap sa akin na isang lalaki. Matangkad siya, medyo maputi, may brown eyes, perfect nose line, and plump, pillowy lips—the most desirable features to possess. Ang sarap sana sa mata kasi gwapo siya, kaso pakialamero. Parang bakla. Bakit ba alam niya pa ang gusto kong bag? “Hi, miss. Napansin ko yung dress and boots mo. Looking for a perfect purse to pair with your outfit?” tanong ng guy. “Nakapili na ako. Thank you.” Tatalikod na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita. “That white purse? It's kinda cute, but choose this red purse. Hermès brand. You'll look stunning with this,” sabi niya habang nakangiti. Gwapo sana, kaso na-disappoint ako. Bakla yata. Binalik ko yung white purse at kinuha yung red na sinasabi niya nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Pagkatapos, umalis ako nang walang sinasabi. “Miss, maganda ka, kaso ang sungit mo,” narinig ko pang sabi niya. Hindi na ako lumingon. Paglapit ko sa mga kaibigan ko, tapos na rin sila sa pamimili. Pumunta na kami sa counter para magbayad. Inabot ko sa cashier ang mga pinamili ko at nag-abot lang ako ng card. “Girl, sino 'yon?” tanong ni Casey. Marites talaga ang lukaret. “Huh? Sino?” “Yung poging guy na kausap mo kanina,” sabi ni Lucy. Nakatitig na pala silang tatlo sa akin, naghihintay ng sagot. “Ahh, that guy? Anong pogi? Bakla nga eh,” walang ganang sagot ko sa kanila. “What? Bakla 'yon? Parang hindi naman, Belle,” sabi ni Berna. “Ah, basta bakla 'yon. Sayang ang looks. Tch, tch.” Lahat kami ay may presyo ang mga pinamili. Yung tatlo kong kaibigan ay galing din sa mayayamang pamilya. Nagkakilala kami noong high school pa. Private school ang pinasukan namin, at noong nag-college kami, pare-pareho kami ng school na pinasukan—private school din. After naming makuha ang mga pinamili namin, dumiretso kami sa CR sa mall para magpalit. Habang iniisip ko, natatawa ako dahil parang pang-high school pa rin ang ginagawa namin. Since then, ginagawa na namin ang ganito. Okay lang naman kina Mom and Dad basta hindi bumababa ang grades ko. Pero ngayon, uuwi ako nang maaga dahil paniguradong mainit pa rin ang ulo ni Daddy sa akin. Paglabas namin ng mall, dumiretso kami sa kani-kaniya naming sasakyan at humarurot papunta sa isang sikat na club dito sa Maynila. Kaming apat ay masayang-masaya at excited na pumasok sa bar. Kumuha agad kami ng puwesto. Napakaganda ng club na ito at napakalaki. Expensive lahat ng bagay, mula sa mga mesa at couch hanggang sa mga pagkain at alak na sini-serve. May private rooms din ang bar club na ito na puwedeng rentahan. Ang mga room ay parang karaoke room. May simple room, VIP room, at VVIP room. Kaming apat ay sa mismong bar lang nagpuwesto. Kumuha kami ng mesa at mga upuan dahil ang gusto namin ay uminom at sumayaw. Umorder muna kami ng alak at kaunting pulutan dahil wala naman kaming balak na malasing talaga. Mag-enjoy ang target namin dito. Inumpisahan naming magsaya, uminom, at magkuwentuhan. Walang papantay sa saya namin ngayon, lalo na ako. Ang sabi nila, hindi maganda ang sobrang saya dahil may kapalit daw ito. Hindi naman ako naniniwala roon. Pang-probinsyang kasabihan lang naman. Nang maramdaman naming tipsy na kami, nagkayayaan kaming pumunta sa dance floor para sumayaw nang walang tigil. Sigawan at hiyawan ang ginawa naming apat. Nakikisabay kami sa ibang mga tao sa pagsayaw. Walang humpay ang kasiyahan at sayawan. --- Cassandra's POV Nagmadali akong umuwi at nagpalit ng damit sa bahay. After noon, nag-park ako sa harap ng mall at hinihintay sila Meerabelle at ang mga kaibigan niya. Narinig ko ang pag-uusap nila kanina. May balak silang mag-club. At ako naman? May naisip akong magandang bagay para sa aking pinakamagandang pinsan. Naghihintay ako rito sa loob ng sasakyan ko na pinaglumaan lang ng mommy ni Belle. Hindi ako magiging ganito kailanman. Lahat ng meron si Belle ay mapupunta sa akin. Walang labis, walang kulang. Wala akong ititira sa kanya. Pati ang pagmamahal ng kanyang mga magulang ay mababaling sa akin. Malapit na, my dear cousin. Everything you have will be mine in no time. Nakita ko nang lumabas ang mga bruha at sinundan ko sila. Pagdating sa club, naghanap ako ng puwesto na hindi kalayuan, sakto lang para makita ko si Belle. “Hi, baby girl. Alone? Do you need someone to go along with you?” tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. “No, thanks. I don't need you. Leave me alone.” “Ang sungit. Hindi naman kagandahan.” “Ang pangit mo! Hindi ka gwapo. Umalis ka dito!” Ang gag*ng iyon. Kapal ng mukha. Habang nakaupo at umiinom, pinagmamasdan ko lang siya. Naghihintay ako ng pagkakataon kung kailan ako puwedeng kumilos. Habang pinagmamasdan ko siya, lalo lamang lumalaki ang galit ko. She gets whatever she wants. And me? Nothing. Kung wala akong gagawin, hindi ko makukuha. Ang kotse niya, bagong-bago. Ang akin, pinaglumaan. Ang suot niya ngayon, sa tingin pa lang ay mamahalin na. I don't have ATM or any cards, pero siya, sobrang dami. Yung allowance ko, galing sa daddy niya at cash lang. Kaya kukunin ko kung anong meron siya. Mawawala kung anong meron ka ngayon, Meerabelle. Hintayin mo lang. Nakita kong tumayo ang magkakaibigan para sumayaw sa gitna. Magsaya ka ngayon, my dear cousin, dahil sa mga susunod na araw lang ay mag-uumpisa nang mapasakin ang lahat ng iyo. Kung nakahiga ka ngayon sa kama, soon, hihiga ka na lang sa sahig. Lahat ng pinaghirapan ng mga magulang mo para sa'yo ay mapupunta sa akin. Walang naiwan sa table kung saan sila umiinom dahil lahat sila ay sumasayaw na. Lumapit ako sa table at naglabas ng maliit na bote mula sa bulsa ko. Pasimple kong ibinuhos ang laman nito sa baso ni Belle. Pagkatapos, bumalik ako sa kung saan ako nakaupo kanina. Halos isang oras din bago sila bumalik sa table nila at uminom ulit. Nakita ko kung paano niya ininom yung alak na nilagyan ko ng gamot. This is your katapusan, Belle. Wala ka nang magagawa pa. Nalalapit na ang pagkapanalo ko. Nakita kong tumayo siya at dumiretso sa CR. Hindi na pantay ang lakad niya at halatang hilo na hilo na siya. Sinundan ko siya sa CR at inalalayan. Ni hindi man lang niya ako makilala. Tama nga ang sinabi ni Jordan, kaibigan ko. Maganda ang ibinigay niya sa akin. Mabilis ang epekto. Hindi lang daw iyon ang epekto nito. Ang sabi pa niya, mag-iinit ka kapag ininom mo ang gamot na iyon. “Sino ka?” tanong ni Belle. “Ah, girl, kasi lasing na lasing ka na. Tutulungan lang kita.” Lito na lito talaga siya sa ininom niya dahil hindi na siya makatayo nang maayos. “Mmm... ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako,” sabi ni Belle na hindi na marinig nang maayos ang sinasabi. “Tara, girl. Hatid na kita.” “Hah? Saan?” “Sa bahay n'yo.” “Eh, kasi yung mga kaibigan ko...” “Umuwi na sila kanina pa.” “Ah, gano'n ba? Eh, ba't iniwan nila ako? Teka, alam mo ba kung saan ako ihahatid?” “Yes naman. Let's go.” Inalalayan ko siyang sumakay sa elevator papunta sa kuwartong pinag-usapan namin ni Jordan. “Teka lang. Hindi dito ang bahay ko.” “Malapit na tayo, girl. Relax ka lang.” Nakarating na kami sa kuwartong pinag-usapan namin ni Jordan. Tumawag muna ako para makasiguro. Jordan dialing... “Hello? Ano na, Cass? Naghihintay na yung nakausap ko.” “Teka lang naman. Sa Room 105, hindi ba?” “Hello? Cass, hindi kita marinig nang maayos.” “Nandito na kami sa harap ng room.” “Sige na. Ipasok mo na 'yan, tapos umalis ka agad. Excited naman yung nakausap ko, lalo na alam niyang v|rg|n pa. HAHAHA.” “Sige, sige.” Since hindi naka-lock ang room, binuksan ko na at ipinasok si Belle sa loob. Hindi na ako pumasok. “Teka... nasa kwarto ko na ba ako?” pangungulit ni Belle. “Ahh, oo naman. Sige na, pasok ka na. Uuwi na ako.” “Mmmm.” Narinig ko pa ang mahinang boses ni Belle bago tuluyan na akong umalis sa club na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD