CH. 3

1673 Words
Belle's POV Nagising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak na sa tindi ng sakit. Nagising lang naman ako dahil naririnig kong nagri-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot. “Mm, hello? Sino 'to?” Ramdam ko pa sa boses ko na nanghihina ako. “Hoy, babae! Si Berna 'to. Asan ka?” Bakit parang aligaga naman ito? “Kagigising ko lang.” “Oo nga, kagigising mo lang. Saan ka natulog? Tumawag parents mo. Hindi ka raw ma-contact. Bruha ka!” “Huh? A-ano? Teka, bababa ko muna.” Binaba ko ang tawag dahil... Nasaan ako? Teka... Ba't wala akong damit? “Sh*t!” Bakit parang ang sakit ng buong katawan ko? I can feel the pain... lalo na sa ibabang bahagi ng katawan ko. Oh my gosh. No, no, please no. Umiiyak na ako habang hinahanap ang mga damit ko. Dali-dali ko itong isinuot at walang ingay na lumabas ng kuwartong iyon. Dumiretso ako sa parking lot at nakita roon ang kotse ko. Pagkasakay ko sa kotse, parang buong mundo ko ay nasira. Yumuko ako sa manibela ng kotse ko at doon ko ibinuhos ang lahat ng iyak ko. Anong gagawin ko? Hindi ko alam. Lagot ako kina Mommy. Hindi ako nakauwi kagabi. Walang tigil ang pag-iyak ko. Nang maubos ang mga luha ko, saka ko in-start ang kotse at minaniobra pauwi sa bahay namin. Pagdating ko sa bahay, agad-agad akong pumasok. Nadatnan ko sina Mom at Dad kasama si Cassandra. “Explain.” Mabigat ang pagkakasabi ni Daddy. “Yes, Dad. I can explain.” “Anak, bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ni Mommy habang umiiyak. “Mom, I'm sorry.” “We don't need your sorry, Meerabelle. We need your explanation!” galit na sigaw ni Daddy. “Mom, Dad, we just had a good time last night. Just me and my friends. I'm with Berna, Casey, and Lucy. Napasobra lang po kaya hindi ako nakauwi.” Sinabi ko ang lahat ng iyon habang umiiyak. “Yes, you're with your friends last night. They got home, but you didn't.” “Yes, Belle. We called them. They don't know that you didn't come home. All they know is that you went home first and left them last night,” sabi ni Mommy. “Ano? Hindi ka na makasagot? Are you rebelling, Meerabelle?” tanong ni Daddy. “No, Mom, Dad. I'm not. Hindi ko po gagawin iyon. Totoo po yung sinasabi ko.” Walang humpay pa rin ang pag-iyak ko. Napatingin ako sa gawi ni Cassandra. Mahina siyang tumatawa habang nakatingin sa akin. “Meerabelle? Anak? Please tell the truth,” sabi ni Mama na hindi matigil ang pag-iyak. Pagkatapos sabihin iyon sa akin ni Mommy, humarap siya kay Daddy. “Hon? Let's hear her first, okay? Huwag muna tayong magdesisyon bigla-bigla, okay?” “No, hon. Paano? Paano natin siya pakikinggan kung ayaw niyang magsabi ng totoo? I'm sorry, but if she lied again and again, I will disown her!” Si Daddy ang nagbigkas ng mga linyang iyon. At parang sirang plaka, paulit-ulit sa pandinig ko ang mga huling salitang sinabi niya. I will disown her. I will disown her. I will disown her. Lumapit sa akin si Mommy at nagmamakaawang sabihin ko na ang totoo. Umiiyak siya at paulit-ulit na sinasabing sabihin ko na ang totoo. Pero anong katotohanan ba ang sasabihin ko? Wala akong maalala. Ang alam ko lang... “Mom, nagsasabi ho ako ng totoo. Ang alam ko lang, nalasing ako. Hindi na ako nakauwi. Hindi ko rin po alam na hindi ko na pala kasama ang mga kaibigan ko, Mom. At nakatulog ako doon mismo sa isa sa mga room nila. Wala naman po akong tinatago, Mom, Dad. Please. Trust me.” Sa haba ng mga sinabi ko, kasabay noon ang pag-iyak ko. Biglang nanahimik si Mommy. “No, anak. No,” ang tanging nasabi niya. Hindi ko talaga sila maintindihan. “Stella, I'm sorry, but your daughter failed to tell the truth,” sabi ni Daddy kay Mommy. What? I'm saying the truth. What are they talking about? I'm not lying. “I'm not lying!” Sa sobrang galit ko, napasigaw na ako nang malakas. “Mommyyyyy! Please, paniwalaan mo ako. Pleaseeeee!” Wala nang humpay ang pag-iyak ko sa mga oras na iyon. “I'm sorry, anak. I'm sorry. Kailangan mo ito, at magiging aral ito para sa'yo,” sabi ni Mommy. Hindi ko talaga siya maintindihan. “Manang, ibaba mo na ang mga gamit niya,” sabi ni Daddy. Naguguluhan na ako. Anong gamit? Hindi ko na maitanong pa nang malakas dahil nanghihina na ako. Naubos na ang lakas ko kakaiyak. Nang bumaba si Manang, may dala na siyang mga maleta. At ang mga maleta na iyon ay sa akin. “Sir Robert, ito na po ang mga ipinapaayos ninyo kaninang umaga,” sabi ni Manang habang inilalapit kay Dad ang mga gamit ko. Nakatitig sa akin si Manang na tila nakikiramay sa sitwasyon ko. “Heto ang mga gamit mo. Umalis ka na dito at huwag ka nang bumalik pa, dahil wala na akong anak na Meerabelle ang pangalan.” Napakatigas ng boses ni Daddy, at naramdaman kong napakatigas din ng puso niya. Samantala, si Mommy ay hindi nakatingin sa akin habang umiiyak. “Ano pang hinihintay mo, Couz? Pinapaalis ka na ni Tito. Huwag mong hayaang tumaas pa ang BP ni Tito rito bago ka umalis,” sabi ni Cassandra. “One more thing, Dad. Mom, bago ako umalis sa bahay na ito... I don't know kung saan kayo nanggagaling. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ninyo ngayon, o kung anong alam ninyo na hindi ko nalalaman.” Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang sinasabi ko sa kanila ang lahat ng iyon. “Sana... sana someday malaman ninyo ang totoo. At sana, sa araw na iyon, malambot pa rin ang puso ko para magpatawad.” “Ang kapal ng mukha mo! Kapi pa? Kami pa ang dapat mong patawarin? Lumayas ka! Lumayas ka na!” “What the hell, Belle! Pinapaalis ka na ni Tito!” sabi ni Cassandra. Hindi pa nga ako nakakaalis, umaasta na siyang parang prinsesa. Kinuha ko ang mga gamit ko at tumalikod sa kanila. Naglakad ako palabas ng bahay na iyon nang hindi lumilingon. Pinili ninyong paniwalaan ang hindi ninyo dapat pinaniniwalaan. Hindi ko alam kung saan sila nanggagaling. Saan ba nila nalaman ang bagay na sinasabi nilang ayaw kong sabihin? Nagsasabi ako ng totoo. Wala akong tinatago. At isa pa... Wala rin akong alam. Ni hindi ko alam kung bakit ako nalasing nang ganoon. Never akong nalasing nang hindi ko alam ang nangyari kinaumagahan. At hindi ko rin alam kung may nangyari ba sa akin kagabi. Yes, I can feel the pain down there, but I'm not sure of that. Paano ko sasabihin sa kanila ang bagay na hindi rin ako sigurado? Hindi ko dinala ang kotse ko na regalo sa akin ni Daddy. He disowned me. Paano ko dadalhin ang bagay na galing sa kanya? Sumakay ako ng taxi at dumiretso kina Berna. Si Bernadette lang naman kasi ang lagi kong maaasahan sa mga kaibigan ko. Si Lucy, masungit ang mga magulang niya at ayaw nila ng ibang tao sa bahay nila. Si Casey, laging wala sa bahay dahil maraming boyfriend. Si Berna lang ang tanging kaya akong tulungan. Habang nakasakay ako sa taxi, may mga message na pumasok sa phone ko. Nanlaki ang mga mata ko at tumulo na naman ang mga luha ko nang walang humpay. The message said: [Your bank accounts have been disabled/blocked.] They blocked all of my bank accounts. They really disowned their daughter. “Ma'am, are you okay?” tanong ng taxi driver. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Manong. “I'm okay, Manong. Don't mind me. Thank you.” Berna's Place Nang makarating ako kina Berna, agad akong yumakap sa kanya at umiyak. Inaya niya ako sa kuwarto niya, pinahinga, at pinakain. Ang swerte ko pa rin dahil may kaibigan akong katulad ni Berna. Berna: “Belle, what happened?” Me: “Pinalayas nila ako, Berna. They disowned me. They blocked my bank accounts. Huwag na raw akong bumalik pa sa bahay.” Umiyak na naman ako dahil naalala ko na naman ang lahat. Berna: “Shhh... tahan na. Sinabi mo sa kanila lahat ng nangyari?” Me: “Yes! Everything. Sinabi ko sa kanila lahat. Pero, Berna, yung mga naaalala ko lang. Wala akong maalala masyado. Hindi ko rin alam kung anong nangyari.” Berna: “I'm sorry, Belle. Ang akala ko kasi umuwi ka na. Kung alam ko lang, hinanap sana kita.” Me: “Okay lang. Hindi mo rin naman kasalanan.” Berna: “So paano ka niyan? Ang pag-aaral mo? Bank accounts mo, blocked lahat. Anong plano mo?” Me: “Good thing, Berna, may sarili akong savings. May sarili akong bank account na hindi alam nila Mom and Dad.” Berna: “Talaga? Buti naman at naisipan mong mag-save.” Me: “Hindi ko naisip na gagamitin ko iyon sa ganitong sitwasyon.” Berna: “So ano na ngang plano mo?” Me: “I need to transfer school.” Berna: “What? Why? And where?” Me: “Kailangan kong lumipat ng school dahil hindi ko na kayang bayaran ang tuition ko. Masyadong malaki ang mauubos sa savings ko. And where? Sa probinsya, like Davao.” Berna: “Whatttt? Bakit ang layo naman? From Manila to Davao? Bakit?” Me: “Para hindi na nila ako makita.” Berna: “Magkakalayo na pala tayo. Kailan mabubuo ulit ang four stunning princesses niyan?” Me: “Ano ka ba, Berna? Sa Davao lang naman. Puwede kayong dumalaw doon. Pero sa inyo ko lang sasabihin ang magiging address ko, okay? Don't tell anyone, lalo na sa family ko and also Cassandra.” Berna: “Siyempre, maaasahan mo kaming mga kaibigan mo.” Me: “Thank youuu.” Bigla na namang tumulo ang mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD