CH. 4

1404 Words
Belle's POV Belle: “Btw, I have a secret. Please, sana sa ating dalawa lang ito. Sasabihin ko rin sa dalawa kapag sure na ako.” Berna: “Ano ba 'yan? Nakakakaba ka naman.” Belle: “Hindi ba wala akong maalala sa nangyari kagabi? At hindi rin ako nakauwi.” Berna: “Oo, so ano nga? Puwede bang huwag kang mang-bitin? Nakakainis ka.” Belle: “Nagising ako sa isang room sa club. Base sa room, pang-VVIP siya. Sobrang ganda ng room. Kung tayong mga estudyante lang, hindi kayang rentahan ang VVIP nila, hindi ba? Dahil sobrang mahal.” Berna: “Oo nga. Ang VVIP ng club na iyon ay hindi natin afford kahit pagsama-samahin pa natin ang allowance nating apat. Siguro yung simple room, kaya pa, and yung VIP, medyo mabigat na rin para sa atin.” Belle: “That's the point, Berna. Paano ako napunta sa room? Hindi ako ang nag-rent noon.” Berna: “Korek ka diyan. Ang tanong, sino ang nag-rent noon at paano ka nakapasok roon?” Belle: “Yeah, and there's more, Berna.” Berna: “Meron pa?” Belle: “May masakit.” Berna: “Huh? Ano'ng masakit?” Belle: “Are you a v|rg|n?” Berna: “A-ano? Ang seryoso kong nakikinig sa'yo, Belle, tapos biglang tatanungin mo ako ng ganyan?” Belle: “Seryoso rin ako.” Berna: “Oo naman kaya, no! V|rg|n pa ako, hoy!” Belle: “So, hindi mo pa alam ang feeling ng naano?” Berna: “Anong naano?” Belle: “Yung naano, yung nag ano.” Berna: “Belle, ano ba kasing naganap?” Belle: “The hell, ang slow mo. You don't know how it feels to be fckd?” Berna: “Hoy, Belle, huwag ka ngang maingay. Baka marinig tayo ng parents ko. Baka akalain nila kung ano ang pinag-uusapan natin, no.” Belle: “Slow mo kasi. So, ayon na nga, hindi ko rin alam ang feeling kaya tinatanong kita. Paggising ko kasi kaninang umaga, I felt an unfamiliar pain in my thing. I don't know kung ano 'yon. Sana, Berna, huwag naman sana yung kinatatakutan ko.” Berna: “Oh my God! What if tanungin natin si Casey? Maraming experience na 'yon. Pero teka, ayaw mo nga palang sabihin muna sa kanila, no? Gosh, ang hirap. Pero Belle, baka naman malapit na ang period mo? Kaya ganyan.” Belle: “Hindi ganoon yung pain na naramdaman ko. Yung parang ang sakit talaga tapos hirap akong tumayo. Yung ano ko, mahapdi. Ganoon siya.” Hindi na namin pinag-usapan iyon. Ang sabi na lang ni Berna ay sana hindi katulad ng iniisip ko ang nangyari kagabi. Bukas ay pupunta ako sa school para kunin ang mga kailangan sa pag-transfer na gagawin ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako nina Berna nang gabing iyon dahil sobrang bait naman ng parents niya. Kinaumagahan, mabilis akong kumilos papuntang school. Nauna nang umalis si Berna sa akin dahil may pasok pa siya. Ako naman ay ngayon pa lamang aalis. Pagdating sa school, inasikaso ko na lahat ng paper needs para sa pag-transfer ko. Hinintay ko lamang ang paglabas ng tatlo bago ako umalis. Lucy: “Belle, aalis ka?” Casey: “Biglaan naman 'yan.” Lucy: “Kaya nga. Mamimiss ka namin...” Berna: “Mag-iingat ka doon, Belle, ha.” Belle: “Ano ba kayo, ang OA n'yo! HAHAHA.” Lucy: “Hays, ang plastic mo. Huwag ka na ngang tumawa.” Casey: “Tama. Halatang fake naman yang tawa mo.” Belle: “Kilala n'yo talaga ako, no.” Berna: “Bisitahin ka naming tatlo doon kapag hindi na busy.” Belle: “Oo, bisita kayo minsan, ha. Aasahan ko kayo.” Casey: “Yes, para naman hindi magkawatak-watak ang grupo nating four stunning princesses.” Lucy: “Para makapag-party-party ulit tayo. HAHAHA. Siguro naman may club doon, no?” Berna: “Hay nako, Lucy. Hindi ba dahil diyan sa pa-club-club kaya nangyari sa kaibigan natin 'to?” Lucy: “Sorry na, Belle. Nalulungkot kami para sa'yo. Huhu.” Belle: “Ano ba kayo? Okay lang ako, okay? Saka hindi na tayo teens. Kaya na nating mabuhay na tayo ang gumagawa ng paraan.” Casey: “O siya, oo na. Parang ang tanda-tanda mo na kung makapagsalita ka ng ganyan. HAHAHA.” At nagtawanan kami. Naging matagal din ang pagpapaalaman namin bago ako umalis. Ngayong hapon ang alis ko. From Manila to Davao. 48 hours ang biyahe ko dahil land travel ang pinili ko. Kailangan kong magtipid. Mas mahal kung mag-flight travel ako, at kailangan kong pagkasyahin ang savings ko hangga't hindi ako nakakahanap ng trabaho. Sumakay na ako sa bus na sasakyan ko papuntang Davao. Mahabang biyahe ito. Pinapalakas ko lang ang loob ko dahil ayokong mag-fail. Dahil ang gusto ko, kapag nagkita ulit kami ng parents ko, ay hindi nila ako matatawag na walang narating o walang na-achieve. Ang gusto ko, maiahon ko ang sarili ko nang walang tulong nila, walang alalay nila, at walang pera galing sa kanila. Ipapakita ko sa kanila na kahit itinapon nila ako, kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Pagdating ko roon, maghahanap agad ako ng trabaho para matustusan ko ang mga pangangailangan ko. Magtatapos ako. Tatapusin ko ang kurso ko at bubuuin ko ang pangarap ko. Sa dalawang araw na biyahe kong iyon, nahirapan ako. Hindi na ako sanay sa ganoon kalayong biyahe. Nakakahilo, nakakasuka, nakakasakit ng ulo, at nakakapagod. Bawat stopover ng bus ay sandali lang. Iyon ay para sa mga gustong mag-CR, gustong kumain, o bibili ng makakain sa biyahe. Sa haba ng biyahe, masyadong na-drain ang katawan ko at para bang nanghihina ako. Habang umaandar ang bus, nakatingin ako sa labas, tinitingnan ang mga tanawing madaraanan. Ang ganda pa rin pala ng Pilipinas. Marami pa ring mga lugar na luntian. Sa Maynila kasi, puro building at usok ng mga sasakyan na lang ang makikita mo. Habang pinagmamasdan ko ang luntiang tanawin, naalala ko yung kabataan ko. Noong bata pa lang ako, tuwing bakasyon ay lagi kaming namamasyal ng mga magulang ko sa probinsya. Iba't ibang probinsya every year. Pinapasyalan namin ang taglay na ganda ng Pilipinas. Nasanay ako sa ganitong tanawin noong bata ako, kaya ngayong nakikita ko ulit ang mga luntiang tanawin, na-miss ko kung gaano kami kasaya ng parents ko. Natigil ang saya na iyon nang lumaki na ang negosyo ni Daddy at naging busy na siya. At ngayon? They abandoned me. They disowned me. Wala na akong pamilya. Wala na akong mga magulang. Mag-isa na lang ako. Ginusto nila at sila ang unang nagdesisyon. Well, ganoon na rin ang gagawin ko. I will forget them like I don't even know them. Sa mga oras na iyon, tumutulo lang ang mga luha ko. Hinayaan kong tumulo dahil ang sabi ko sa sarili ko, this is the last. Ito na yung huling luha na iiyak ko dahil sa ginawa nila sa akin. Habang umiiyak ako, bigla akong kinausap ng matandang babaeng katabi ko sa bus. Ale: “Iha? Ayos ka lang ba?” Belle: “Ayos lang ho ako. Huwag n'yo ho akong alalahanin.” Ale: “Alam mo ba, iha, mayroon akong kaunti lamang na nakakaalam ng golden rule ko.” Belle: “Ahh, hehe. Ganoon po ba?” Ganoon ang sagot ko sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Naguguluhan ako kung bakit niya sinasabi sa akin iyon. Ale: “Sinasabi ko sa iyo ito dahil mabait kang bata.” Napatingin ako sa kanya at nagulat dahil yung tanong ko sa isip ko ay nasagot niya mismo sa harap ko. Ale: “Maraming bagay ang mahirap intindihin, kaya huwag mo na lang isipin. Ang nais ng puso mo ay iyon ang iyong gawin, dahil kapag ang iyong puso at ang iyong isip ay nagkaisa, ikaw ang pinakamaswerte sa lahat ng bituin. Ang hinahanap mong sagot ay kusang lalabas kahit hindi mo ito hanapin.” Belle: “Ah, Lola, hindi ko ho kasi maintindihan yung sinabi n'yo. Puwede ho bang linawin n'yo?” Hindi na niya ako sinasagot. Baka tulog na siya. Hindi ko ma-gets yung sinabi niya. Ang lalim kasi ng Tagalog at hindi klaro yung pagkakasabi niya. Lalo lang akong naguluhan. Ang naiintindihan ko lang kay Lola ay yung alam kong kasabihan: Follow your heart, but take your mind with you. Hindi na nawala sa isipan ko yung sinabi ng ale hanggang sa nakatulog na ako sa biyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD