Third Person POV
Nagising si Meerabelle sa pagyugyog ng konduktor sa balikat niya.
Konduktor: “Ma’am, dito na po ang huling stop ng bus.”
Belle: “Ah, sige po, kuya.”
Nag-ayos na si Belle ng mga gamit niyang dala upang bumaba na ng bus. Napatingin pa siya sa katabing upuan niya. Wala na ang matandang katabi niya rito, marahil ay nakababa na ito.
Paglabas niya ng bus ay dumiretso siya sa isang convenience store para bumili ng makakain dahil gutom na gutom na siya. Masakit ang tiyan niya, nahihilo at naduduwal. Pagkatapos niyang bumili ay naupo siya sa isa sa mga upuan roon na may lamesa at nag-umpisang kumain.
Habang kumakain ay bigla na lamang nahimatay si Meerabelle, marahil dahil sa matinding gutom at pagod sa biyahe. May isang babaeng hindi niya kilala na tumulong sa kanya at dinala siya sa clinic. Ilang oras din siyang unconscious at pagkagising niya ay may isang babaeng nakaupo sa tabi niya.
Belle: “Ah, miss? Excuse me, nasaan ako?”
Miss: “Hello. Nasa clinic ka kasi hinimatay ka kanina doon sa convenience store. Ako nga pala si Stella. Ako ang nagdala sa’yo rito.”
Belle: “Maraming salamat sa’yo, Stella. Ako nga pala si Belle. Okay na ako, kailangan ko nang umalis.”
Stella: “Ah, teka lang, Belle ha. Tatawagin ko muna yung doktor kasi sinabi niyang tawagin ko siya kapag nagising ka.”
Belle: “Ha? Bakit? Okay naman na ako.”
Stella: “Diyan ka lang.”
Pagkarating ng doktor na tinawag ni Stella ay kinausap niya si Belle nang nakangiti.
Dr.: “Hi, anong pangalan mo? Ako nga pala yung doktor na tumingin sa’yo.”
Belle: “Hello po, Doc. Belle ang pangalan ko. May problema po ba sa’kin?”
Dr.: “Naku, Belle, okay ka lang. Napagod ka lang sa biyahe. Bawal kasi talagang mapagod nang sobra ang mga buntis kaya nawalan ka ng malay kanina.”
Nanlaki ang mga mata ni Belle sa narinig niya sa doktor. Ang salitang buntis ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya.
Belle: “Teka, teka lang ho, Doc. Tama ho ba yung narinig ko? B-b-buntis ho?”
Dr.: “Oo, Belle. Buntis ka, less than a week pa lang naman. Congratulations.”
Nakangiti nang malaki ang doktora habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Belle, na kabaligtaran naman ang itsura—nakatulala, nalilito at naguguluhan.
Belle: “P-p-pero, Doc, h-hindi ko po alam kung bakit.”
Dr.: “Belle? Anong hindi mo alam? Puwede ba naman ’yon?”
Belle: “Pero kasi, Doc—”
Hindi na natuloy ni Belle ang sasabihin dahil nagsalita agad ang doktor niya at humarap kay Stella.
Dr.: “Puwede na siyang ma-discharge ngayon. Nakapagpahinga naman na siya.”
Stella: “Okay, Doc.”
Dr.: “Ang bilin ko lang sa’yo, Belle, bawal ang magbuhat ng mabibigat, bawal mapagod nang sobra at bawal ma-stress, okay?”
Nakatulala lang si Belle, iniisip kung anong dapat niyang gawin sa baby. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Paano nabuo ang bata nang hindi niya alam?
Sa kanyang isipan ay—
Siguro nga may nangyari noong gabing iyon sa club, kung saan ako nakatulog. Noong una, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero ngayon alam ko na. Meron nga. May kasama akong natulog, may katabi akong natulog, and we did that thing. Ano nang gagawin ko? Gulong-gulo na ako. Sobra-sobra na yata ang sakit nito. Ang hirap, napakahirap.
Stella: “Belle, Belleee, Belle!”
Nagulat si Belle sa tawag na iyon ni Stella.
Belle: “Ah, ano ’yon? Sorry?”
Stella: “Ang sabi ko, okay na lahat. Nabayaran na rin ang bill mo. Saan ka ba uuwi ngayon? Halata kasing galing kang siyudad.”
Nag-ayos ng gamit si Belle. Ang dami niyang gamit na dala kaya tinulungan siya ni Stella. Nang makalabas sila ng hospital ay nagtanong ulit si Stella dahil kailangan na rin niyang umuwi.
Stella: “Ahh, Belle? Saan ka tutuloy? Kailangan ko na rin kasing umuwi dahil baka hinahanap na ako sa amin. Kaninang umaga pa kasi ako umalis at maghahapon na.”
Belle: “Gano’n ba, Stella? Pasensiya ka na ha, naabala ka pa. Maraming salamat nga pala sa pagdala mo sa’kin sa hospital.”
Stella: “Wala ’yon. Kailangan mo ng tulong kaya tinulungan kita.”
Belle: “Siya nga pala, Stella, may alam ka bang malapit na apartment diyan? Yung malapit lang din sana sa university.”
Stella: “Ang alam ko lang dorm, kasi doon din ako naka-dorm. Bakasyon sa amin ngayon after ng first semester. Pinaghahanda kami para sa second semester kaya nasa parents ko ako ngayon.”
Belle: “Ahh, gano’n ba? Dorm na lang din yung tutuluyan ko. Kailangan ko na kasing mag-ayos dahil magta-transfer ako.”
Stella: “Sige, tara. Samahan na kita bago ako umuwi.”
Belle: “Nakakahiya naman sa’yo. Mas lalo kitang naaabala.”
Stella: “Okay lang ’yan.”
Sinamahan ni Stella si Belle sa dorm kung saan din naka-dorm si Stella. Malalaki ang bawat kuwartong ipinapaupa ng may-ari kaya nagustuhan ito ni Belle. Ang bawat dorm ay may isa hanggang apat na taong puwedeng tumira. Si Stella ay may tatlong kasama sa iisang dorm, habang si Belle naman ay kumuha ng kuwartong pang-isahan lang.
Ayaw niya raw ng may kasama sa kuwarto dahil hindi siya sanay, at sobrang dami ng gamit niya.
Nang matapos ang diskusyon nila sa landlord ay nag-decide nang umuwi si Stella sa bahay ng parents niya dahil dumidilim na.
Stella: “Belle, ano? Okay ka na dito?”
Belle: “Oo, Stella. Thank you ulit sa’yo. Babawi ako next time.”
Stella: “Ano ka ba? Hindi na kailangan ’no. O siya, sige na. Kailangan ko nang umuwi baka nag-aalala na sila sa’kin. Siya nga pala, sa makalawa ang balik ko. Ang sabi mo, magta-transfer ka sa university diyan. Doon din ako nag-aaral. Hintayin mo ’ko sa makalawa, ililibot kita sa buong campus.”
Belle: “Sige. Napakabait mo naman. Maraming salamat ulit.”
Pagkatapos magpaalam ni Stella ay naiwan na si Belle sa dorm niya nang mag-isa. Nag-ayos siya ng mga gamit niya at inayos isa-isa ang mga ito. Inayos na rin niya ang hihigaan niya dahil pagod ang nararamdaman niya maghapon.
Dumating ang gabi at nahiga na lang si Belle sa higaan niyang hindi kasing lambot ng kama niya roon sa bahay ng mga magulang niya. Habang nakahiga siya ay pumasok na naman sa isip niya ang kasama niya. Hinawakan niya ang tiyan niya at sinabi—
I have decided. I will keep you. Palalakihin at aalagaan kita, anak. Hindi ka problema dahil blessing ka, anak. Ibinigay ka niya sa’kin para may makasama ako. May anak na ako. Kailangan ko nang kumilos nang naaayon. Hindi na ako dalaga dahil isa na rin akong magulang.
Nakatulugan na lamang ni Belle ang pag-iisip ng marami sa gabing iyon at dumating ang kinabukasan.
Kinaumagahan ay tumayo agad si Belle. Naligo at nagbihis dahil mag-grocery muna siya bago pumunta sa school. Namili siya ng mga essentials at lahat ng gamit na kakailanganin niya. Namili rin siya ng mga pagkaing masustansiya para sa kanya at sa tiyan niya. Nag-search siya ng mga pagkaing maganda para sa kalusugan ng isang buntis.
Subalit hindi ganoon karami ang kaya niyang bilhin dahil nagtitipid siya habang walang trabaho. Ang balak ngayon ni Belle ay maging working student, pero ang trabahong kailangan niya ay work-from-home dahil baka makasama sa kanya ang pagtatrabaho on-site.
Pagkatapos mamili ni Belle ay agad-agad siyang umuwi para mag-ready papuntang university.
.......University........
Pagpasok niya ng campus ay malaki pala ang eskuwelahan na iyon. Hindi niya inaasahan na ganoon iyon kalaki. Ang plano ni Belle ay mag-apply siya ng scholarship dito para mabawasan naman ang tuition fee na babayaran niya. Tiwala naman siya sa sarili na makakapasok siya sa scholarship.
Dean's Sec.: “Miss Mariano, na-review na ni Dean yung mga papers mo at pasok yung GWA mo para sa mga mag-e-exam for scholarship.”
Belle: “Okay po, Ma’am. Thank you.”
Dean's Sec.: “The entrance exam for the scholarship will be later at 3:30 p.m. Bawal ang late. Clear?”
Belle: “Yes, Ma’am. Noted po.”
Maaga pa naman kaya naglibot-libot siya sa buong campus. Nang madaanan niya ang canteen ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng gutom. Pumasok siya sa loob ng canteen at umorder ng cake. Oo, cake, hindi kanin at ulam o kaya burger.
Natakam siya sa itsura ng mocha cake na naka-display sa estante nila. Umorder siya ng tatlong slice nito at naubos niya ang lahat. Siya rin ay nagulat dahil kaya pala niyang umubos ng ganoon karaming cake.
Makalipas ang ilang oras ay oras na ng entrance exam for scholarship.
Dean: “Okay, we are now going to discuss today what are the benefits of being a scholar in our university. The scholarship in our university is called Geniuses. Now, are our new Geniuses ready?”
Students: “Yes, Dean!”
Dean: “The coverage of your scholarship is your whole tuition.”
Student: “Sobrang ganda talaga ng school n’yo, Dean. Kaya sikat na sikat ito sa buong Davao.”
Dean: “Talaga? Thank you about that. Ang coverage nito are the books, libraries, instruments and/or tools, materials, appliances, and other things na kailangan ninyo base sa inyong kurso ay kasama sa free tuition ninyo.”
“Ang galing naman,” bulong ng isang estudyante.
Dean: “But... you still have to pay. Are you guys still agreeable?”
Student: “Oo naman po, Dean. The whole tuition is free. That will be a big help to us.”
Dean: “Okay. Ang babayaran n’yo lang naman ay yung bawat final exam ninyo. Siyempre, bawat kurso magkakaiba ang exam fee.”
Tumagal pa ng kalahating oras ang meeting na iyon at pagkatapos ay dumiretso siya sa office ng dean para i-open sa kanya ang kalagayan niya. Binanggit niya na galing siyang Maynila and she is pregnant, less than a week. Pumayag ang dean at may mga pinag-usapan pa silang ilang bagay.
Fourth-year college naman na siya at second semester na lang ang kailangan niya kaya pinayagan siya sa kondisyon niya.
Ganito ba talaga ang pagbubuntis? Hindi pa naman malaki ang tiyan ko pero bakit parang pagod na pagod ako sa maghapon?
Nang makauwi siya sa bahay ay kumain siya. Hindi niya malaman kung bakit gutom na gutom siya samantalang kumain naman siya kanina sa canteen sa school. Pagkatapos niyang kumain ay hindi na siya nakaligo man lang at nakatulog na siya sa sobrang pagod.