Third Person POV
Nagising si Belle sa kalagitnaan ng gabi dahil sa isang panaginip. Panaginip na may isang lalaking naghahanap sa kanya, ngunit hindi malinaw ang mukha nito sa nakita niya sa kanyang panaginip.
Pawis na pawis siya galing sa panaginip kaya binuksan niya nang bahagya ang kanyang bintana. Napatingin siya sa bedside table niya at nakita niyang 2:30 pa lang ng madaling-araw.
Isang oras ding gising si Belle, kakaisip kung sino kaya yung lalaking naghahanap sa kanya sa panaginip niya at bakit siya hinahanap nito. Sa huli ay naisip niya na baka hindi iyon totoo dahil panaginip lang iyon. Wala pa siyang nakikitang panaginip na nagkakatotoo.
Pagkatapos noon ay nakatulog rin si Belle at nagising na lamang siya ulit nang 6 o'clock na ng umaga.
Naligo agad si Belle at nag-prepare ng agahan para sa sarili. Habang kumakain ay nakaramdam siya ng pagduduwal.
Ito na ba yung tinatawag nilang morning sickness ng mga buntis? tanong niya sa sarili.
Hindi na niya naubos ang pagkain dahil nawalan na siya ng gana kumain.
Ngayon ang first day ng klase niya at 9:30 a.m. pala ang unang klase. Pero ngayong tumayo siya, medyo nakakaramdam rin siya ng antok dahil napuyat siya kagabi kakaisip doon sa panaginip niya.
7 a.m. pa lang ay nagbihis na si Belle para pumasok. Maaga siyang pupunta ng university dahil nagugutom pa rin siya at naiisip niya yung cake na kinain niya kahapon doon sa canteen. Parang cravings niya yung cake araw-araw.
Nang makarating siya sa university ay hindi pa rin siya sanay sa laki ng campus na iyon. Ang laki ng gate papasok rito at ang lawak ng parking lot. May para sa mga bicycle, motorcycle, at mga kotse.
Paglagpas niya sa unang gate ay may gate na naman papasok. Iyon na ang mismong sentro ng campus. Napakalaki ng quadrangle at ang ganda ng grass na nakapalibot rito. May mga malalaking puno rin kung saan puwedeng tumambay. May mga daang bato sa gitna ng grass, magkakaugnay papunta sa mga building na gusto mong puntahan.
Ngayon ko lamang napagmasdan nang maayos ang university na ito. Hindi ko masyadong napansin kahapon dahil naging busy sa pag-e-enroll.
Napakalaki at napakaganda, kausap niya sa sarili.
Nang magsawa siyang pagmasdan ang buong campus ay dumiretso siya sa daang bato papunta sa building ng canteen nila roon.
Marami na rin palang students sa canteen at may mga sariling mundo. Walang pakialam sa paligid nila.
Well, this is good. Magiging tahimik ang pag-aaral ko, sabi niya sa sarili.
Dumiretso agad si Belle sa estante ng mga cake at umorder ng isang slice lang ng mocha cake. Pagkatapos ay pumunta siya sa medyo walang taong puwesto, naupo at in-enjoy ang cake na kinakain niya.
Nang maubos ang cake ay umorder siya ng isang sterilized milk at isang bottled water na tina-take out niya. Lumabas siya ng canteen at naglakad-lakad habang iniinom ang gatas na binili niya at nakasalubong niya si Stella.
Stella: “Uy, Belle! Ang aga mo yata pumasok?”
Belle: “Ah, oo eh.”
Stella: “Kumatok pa naman ako sa dorm mo kanina. Isasabay sana kita. Nauna ka na pala.”
Belle: “Ay, sorry. Nag-crave kasi ako ng cake. Yung natikman ko kahapon doon sa canteen.”
Stella: “Ah, gano’n ba? Baka naglilihi ka na.”
Belle: “Naglilihi? Bakit ang aga naman yata? One week pa lang yung tiyan ko.”
Stella: “May gano’n talaga.”
Belle: “Bakit parang maalam ka sa pagbubuntis?”
Stella: “May anak na kasi ako. Two years old na siya, nasa parents ko muna siya.”
Belle: “Talaga? Wow naman. Meron na pala akong mapagtatanungan tungkol sa pagbubuntis. HAHAHA.”
Stella: “HAHAHA! Oo, magtanong ka lang basta kaya kong sagutin.”
Since maaga pa ay nagkuwentuhan muna sila tungkol sa buhay nila o tungkol sa mga sarili nila.
May anak na si Stella at wala siyang katuwang sa anak niya. Single mother siya dahil hindi pinanagutan ng gag*ng lalaki ang pagiging ama niya.
Belle: “I'm sorry, natanong ko pa.”
Stella: “Okay lang ’yon. Halos pareho lang pala tayo. Ang pinagkaiba lang, hindi mo kilala ang ama.”
Belle: “Yeah.”
Maikling sagot ni Belle, malungkot ang itsura habang iniisip pa rin ang nangyari sa kanya sa Maynila.
Stella: “Siya nga pala, anong course mo?”
Belle: “BBA. Ikaw ba?”
Stella: “Nursing ang kinuha ko.
Akala ko nga nung una matanda ako sa’yo. Magkasing-edad at magka-year lang pala tayo.”
Belle: “Oo nga. Namimiss ko tuloy sa’yo yung mga naiwan kong kaibigan sa Maynila. Thank you, ha. Kasi pagdating ko rito, may nakilala agad ako at may kakilala rin sa school na pinasukan ko.”
Stella: “Wala ’yon. Wala rin naman akong close dito. Hindi na kasi ako pinapansin nung mga dati kong kaibigan.”
Belle: “Bakit naman?”
Biglang nag-ring ang wristwatch ni Stella.
Stella: “Naku, Belle, oras na pala ng klase ko. Sige ha, mamaya na lang. Bye.”
Belle: “Ah, sige. Ako kasi mamaya pa, 9:30. Byeee!”
Thirty minutes bago ang klase ay tinawagan muna niya si Berna.
Nakipagkuwentuhan siya at kinuwento niya lahat ng nangyari, mula noong bumaba siya sa bus hanggang sa araw na ito.
Siyempre, nagulat si Berna dahil bigla na lang siyang buntis.
Napakaaga niyang nalaman samantalang halos one week pa lang mula noong nangyari iyon at hindi pa sila sigurado kung may nangyari nga.
Ngayon nasagot na. May nangyari nga at may bunga na.
Masaya rin si Berna para sa kanya dahil may kaibigan agad siyang makakasama.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay oras na para pumasok sa klase niya.
Siyempre, dahil transfer student ay ipinakilala siya at nagpakilala siya sa mga bago niyang makakasama sa klase. Mabilis lumipas ang oras sa klase niya at naging madali lang para sa kanya.
May times na tatawagin siya ng professor para sumagot at may time rin na magtataas siya ng kamay.
Mababait ang mga naging kaklase niya. Wala siyang makikitang mga b*tchy mean girls tulad sa Maynila.
Mukhang disiplinado nga ang mga taga-probinsya kumpara sa Maynila, sabi ng kanyang isip.
Nang matapos ang dalawang oras sa unang klase ay may isang lalaking lumapit sa kanya at nagpakilala.
Lalaki: “Hi, Meerabelle Mariano. I'm Brixx Manlila.”
Iniabot nito ang kamay kay Belle, pero hindi niya ito kinuha at hindi rin siya nagsalita.
Brixx: “Hello, earth to Meerabelle. Nagpakilala ako, oh. Ikaw naman.”
Pagtawag-pansin niya kay Belle ay tumingin si Belle sa kanya at nagsalita.
Belle: “Paano pa ako magpapakilala sa’yo? Binanggit mo na nga yung buong pangalan ko, di ba?”
Brixx: “Ang sungit mo pala? Ang amo naman ng mukha mo, parang anghel.”
Belle: “Hindi ako masungit, okay? Hindi ko lang alam ang isasagot ko sa’yo dahil nga alam mo na ang pangalan ko.”
Brixx: “Okay, magtatanong na lang ako. Saan ka galing? Hindi mo kasi sinabi kanina nung nagpakilala ka kung saan ka galing or saan yung dating school mo.”
At sinabi nga ni Belle sa kanya na galing siyang Maynila at doon din ang dati niyang school.
Brixx: “Talaga? Buti hindi ka sa private nag-transfer. Eh private yung dati mong school.”
Belle: “Alam mo, okay na ’yon. Tama na muna yung tanong mo. Parang creepy na kasi, eh.”
Brixx: “Hoy, grabe ka naman. Itong mukha ’to? Creepy? Imposible.”
Tumawa na lang si Belle at nakitawa na rin si Brixx. Nag-usap pa sila nang kaunti hanggang sa dumating na yung susunod na professor para sa susunod nilang klase.
Nang matapos ang klaseng iyon ay nag-lunch muna siya sa canteen at sumabay sa kanya si Brixx.
Pagdating nila sa canteen ay nakita ni Belle si Stella na kumakain mag-isa. Dumiretso sa counter si Belle para umorder ng pagkain.
Umorder siya ng rice at beefsteak, isang sterilized milk, bottled water, at isang slice ng mocha cake.
After niyang maka-order ay iniwan niya si Brixx na umo-order pa at dumiretso sa inuukupang puwesto ni Stella.
Belle: “Hi. Puwedeng sumabay?”
Stella: “Uy, Belle! Ikaw pala. Ano ka ba? Bakit nagpapaalam ka pa? Sige, maupo ka na diyan.”
Belle: “Thank you.”
Saka siya naupo. Biglang may naupo sa tabi niya.
Brixx: “Meerabelle, ang sama mo. Iniwan mo ’ko doon.”
Belle: “Para kang bata.”
Brixx: “Ewan ko sa’yo.”
Stella: “Nakakagulat naman ’to. Bakit nandito ang campus heartthrob?”
Belle: “HAHAHA! Ano kamo? Campus ano ’yan? Heartthrob? Eh, bakit parang hindi naman?”
Walang pake si Brixx sa kanila at kumain lang nang kumain.
Belle: “Para talaga siyang bata.”
Stella: “Ba’t nakabuntot sa’yo ’yan?”
Brixx: “Hoy, grabe ka naman sa nakabuntot. I'm Brixx Manlila. Ikaw?”
Stella: “Oo, alam ko na yung pangalan mo. I'm Stella Lim.”
Brixx: “Ang ganda naman ng last name mo. May lahi ka ba?”
Stella: “Wala!”
Si Belle ay nakikinig lang sa asaran ng dalawa. Walang pakialam sa ingay basta kumakain siya.
Stella: “Belle, nako ha, bawal sa’yo ang masobrahan sa tamis. Hindi maganda.”
Belle: “Gano’n, ha? Ang sarap kasi nito, eh. Ano kaya kung mag-bake ako ng cake na hindi matamis, basta mocha ang flavor.”
Stella: “Puwede rin, basta hindi maganda ang sobra sa tamis.”
Brixx: “Bakit naman bawal siya sa matamis? Gusto niya ’yan, saka parang ang saya-saya niya sa cake niya. Bakit ba binabawalan mo siya?”
Stella: “Hindi kita kausap, no. Che.”
Natapos ang lunch na busog na busog si Belle at ready na ulit siya sa susunod na klase.
3 hours of class later...
Nang matapos ang klase at pauwi na ay nag-insist si Brixx na ihatid sina Belle sa dorm nila dahil naka-kotse naman daw siya.
Belle: “Ano ka ba, Brixx? Ang lapit lang ng dorm namin.”
Brixx: “Medyo malayo pa rin kasi hindi ko natatanaw, eh.”
Stella: “Nagpapaimpress lang ’yan.”
Brixx: “Manahimik ka na lang. Sumakay ka na diyan.”
Belle: “Brixx, maglalakad na lang ka—”
Brixx: “I insist. Please.”
Belle: “Stella, sige na, sumakay na tayo. Baka magpkmty ’to kapag hindi ka naihatid.”
Brixx: “Ano? Kahit maglakad ’yan si Stella, okay lang.”
Stella: “Ako maglalakad? Eh may
kotse sa harap ko, oh?”
Brixx: “Ang kapal talaga ng mukha."
Belle: “Alam n’yo? Bagay kayo. HAHAHAHA.”
Brixx and Stella: “Eewwwww!”
Nagkatinginan pa talaga sila.
Nang maihatid sila ni Brixx sa dorm ay nagpaalam na ito para umuwi. Pinapapasok sana siya ni Belle para mag-meryenda, pero may gagawin pa siya.
Natapos ang araw na iyon nang maayos at maganda. Kumbaga, perfect para sa kanya ang mga nangyari. Walang problema.
Panigurado, araw-araw ay magiging excited siya sa pagpasok.