CH. 7

1702 Words
Third Person's Pov. Kinabukasan ng umaga ay nagulat si Belle dahil naroon sa labas ng dorm niya si Brixx. Belle: Oh, Brixx, anong ginagawa mo rito? Ang aga mo ah. Brixx: Sabay na kayo sa’kin papasok. Belle: Sige, pasok ka. Tara, kumakain pa raw si Stella eh. Tara, kain ka muna. Brixx: Hindi na, nag-agahan na ako sa bahay eh. Next time na lang. Belle: Hindi pa kasi ako kumakain. Timplahan na lang kita ng coffee. Brixx: Okay, coffee is fine. Habang nag-aagahan sila ay dumating na si Stella galing sa kabilang dorm. At habang kumakain pa si Belle ay nagkukuwentuhan muna silang tatlo. Stella: Siya nga pala, Belle, hindi ba naghahanap ka ng trabaho? Nakahanap ka na ba? Brixx: Bakit? Stella: Anong bakit? Malamang para may magamit siyang pera at pang-budget niya. Brixx: Bakit? Nasaan ba ang parents mo, Meerabelle? Belle: Brixx, Belle na lang, okay na. Stella: Ang dami mong tanong, Brixx. Para kang babae. Belle: Wala na akong parents. Medyo naging awkward ang paligid dahil sa biglang pagiging ibang aura ni Belle. Naging tahimik at mailap ang mga mata niya. Stella: A-ah, Brixx, hindi ba BBA rin kinuha mong course? Bakit ’yan ang napili mo? Iniba na lamang ni Stella ang pinag-uusapan dahil hindi yata makaintindi ’tong si Brixx. Nang matapos ang agahan ay sabay-sabay na silang lumabas at sumakay sa kotse ni Brixx. Pagdating sa university ay humiwalay na si Stella sa kanila dahil iba ang building ng mga nursing student. Pagdating nila Belle at Brixx sa room nila ay nagsalita si Belle. Belle: My parents disowned me. Mabigla si Brixx sa narinig niya. Belle: Nang dahil sa isang kasalanan. Noon, hindi ko alam kung bakit ba galit na galit sila. Nagawa nila akong palayasin. Ngayon, alam ko na. Nagtuloy-tuloy ang pagkukuwento ni Belle dahil male-late raw ng one hour ang prof nila. Bale one hour na lang ang magiging klase nila mamaya pagdating ng professor. Belle: Ang hindi ko lang naman malaman kung bakit at paano nilang nalaman. Samantalang ako, hindi ko nga alam kung anong totoong nangyari. Brixx: Ano nga bang nangyari? But wait, okay lang din naman kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Belle: Okay lang. Isang gabi, naisipan naming magkakaibigan na mag-club. Ako yung tipo ng isang babae na mataas ang alcohol tolerance, at hindi ko malaman kung bakit ako nalasing that night. Ang matindi pa, hindi ako nakauwi ng bahay at hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa isa sa mga VVIP room sa club na iyon. Nagising na lang ako nung umaga, nandoon na ako at nakahiga. Brixx: Tapos pinalayas ka na? Belle: Hindi. Umuwi muna ako ng bahay, at sinalubong ako ng parents ko sa sala. Tinatanong nila kung anong nangyari. Sinabi ko na lahat ng alam ko, lahat ng mga nangyari na alam ko, pero ang sabi nila nagsisinungaling ako. Nagmakaawa pa si Mommy sa akin na magsabi ako ng totoo. Pero anong magagawa ko? Hindi ko talaga alam lahat ng nangyari that time. Limitado lang ang nalalaman ko. Kaya ang ending, sinungaling daw akong anak. So, ayun, tinakwil nila ako. Brixx: Pero di ba, Belle, ang sabi mo kanina alam mo na yung dahilan? Belle: Oo, Brixx. Alam ko na. Brixx: So, ano nga ’yon? Belle: Siguro iiwasan mo na ako dito sa malalaman mo. Brixx: Malabo ’yan. Hindi naman ako judgmental na tao. Belle: Kaya pala galit na galit sila dahil may kasama ako sa room na ’yon na lalaki. Hindi lang ako ang natulog doon, kundi may katabi ako. Brixx: Hah? Edi may nangyari? Matagal bago sumagot si Belle. Pinagmamasdan niya ang reaksyon ni Brixx. Belle: Yep. Something happened. May nangyari nang hindi ko nalalaman, Brix. May naka-s*ping ako nang hindi ko alam at hindi ko rin alam kung sino. Brixx: Hindi mo alam? Hindi puwede ’yon, Belle. Hindi puwedeng hindi mo alam. Unless you were dr*gged. Nagulat si Belle sa sinabi ni Brixx. Belle: What? Dr*gged? I don't take drugs, Brixx. Hindi kami gano’n magkakaibigan. Brixx: Baka may nagpa-inom sa’yo? Puwede kasi ’yon, Belle. Marami nang nauusong ganyan. Maaaring inilagay sa pagkain mo or sa ininom mo. Napaisip si Belle sa sinabi ni Brixx. Maaaring nga may naglagay sa ininom niyang alak. Ngunit sino? Wala siyang maisip kung sino ang gagawa noon. Brixx: Hindi ba ang sabi mo mataas ang alcohol tolerance mo? Kung totoo nga ’yan at bigla ka na lang nagkaganon, walang maalala, baka dr*gs nga ang nainom mo. Because, Belle? Kahit gaano ka pa kalasing, kapag may nangyari sa’yo at ginagawa mo yung bagay na ’yon, alam mo. Alam ng katawan mo at alam ng isip mo. Belle: Wala kasi akong alam sa mga ganyan, Brixx. Kung totoo nga ’yan, aalamin ko. At malalaman ko rin. Someday. Brixx: Grabe naman pala yung pinagdaanan mo. Lalo akong humanga sa’yo dahil ang lakas ng loob mo at ang tibay mo. Because until now, lumaban ka, see? Pinagpatuloy mo yung pag-aaral mo without the help of your parents. Belle: You know what? Why? Bakit hindi ko hinayaang bumagsak ako? Because there's someone na nagpapalakas ng loob ko. Brixx: Sino? Huwag mong sabihing may boyfriend ka pala? Belle: Ano ka ba, hindi. May bunga, Brixx. Nagkaroon ng bunga yung pagkakamali ko. I'm pregnant, Brixx. I'm carrying my baby in my womb. Nagulat si Brixx sa sinabi ’yon ni Belle. Hindi siya makapaniwala at napatingin pa sa tiyan ni Belle. Brixx: A-ano? B-buntis ka? Belle: Yes, Brixx. At kahit na galing siya sa pagkakamali at hindi ko kilala ang ama niya, mahal ko siya. Bubuhayin at palalakihin ko siya. Siya na lang ang nagsisilbing nagpapalakas ng loob ko sa mga pinagdaraanan ko ngayon. Brixx: You are really something, Belle. Mahal na yata kita. HAHAHA. Belle: G*go! HAHAHA. Wala akong balak maghanap ng lalaki ngayon. Brixx: Joke ’yon. Sumakay ka naman, nakakasakit ka ng damdamin. Pinapatawa lang naman kita. Ang lungkot-lungkot mo kasi. Belle: Ewan ko sa’yo, Brixx. Brixx: By the way, paano ka magtatrabaho eh may laman pala ’yan? Belle: Work from home ang hinahanap ko eh. Brixx: Gano’n ba? Eh bakit kasi hindi ka nagtanong sa’kin? Belle: May alam ka? Pasok mo naman ako. Brixx: Meron akong alam. Work from home siya. Korean company siya at ang company nila, siyempre, sa Korea nakatayo. Belle: Talaga? Anong trabaho naman? Brixx: Bagay na bagay sa course natin. Ako sana ang kinukuha niya. Ang kaso, ayoko pang magtrabaho eh. HAHAHA. Kilala ko yung may-ari, matalik na kaibigan ko. Don't worry, sasabihin kita sa kanya. Belle: Thank you ha, pero anong work nga? Brixx: Data analyst lang naman. Kaya mo naman, di ba? Belle: Sus, ang dali lang. HAHAHA. Hindi sana ako scholarship ng school natin kung ’yan lang, hindi ko kaya. Piece of cake. Brixx: Napakayabang na tao. Nagtawanan pa silang dalawa. Mga ilang minuto lang ay dumating na ang professor. Naging maayos ang maghapon nila. Maghapon ding nakangiti si Belle dahil nung lunch nila ay tinawagan ni Brixx yung sinasabi niyang kakilala niya sa Korea na nangangailangan ng Data Analyst (WFH). Pinakilala niya si Belle sa kanya at kinausap siya ng may-ari ng kumpanya na kaibigan ni Brixx. Nagustuhan naman ng kaibigan ni Brixx si Belle kaya agad-agad ay tanggap siya. Kahit wala pang experience ay kinuha siya dahil nga kaibigan ni Brixx ang CEO. Bukas ng hapon ang start niya sa trabaho. Napakalaking tulong kay Belle dahil ang taas ng range ng salary nila. Dahil base sa agreement na sinend sa email niya galing sa kumpanya sa Korea, kasama roon kung magkano ang maaaring maging sweldo niya: 4.3 million won per month. Kung tutuusin, mas malaki ang allowance niya noon per month, pero ngayon ay hindi na libre galing sa magulang niya, kundi kailangan na niyang pagpaguran para makuha niya ito. Biruin n’yo, parang naka-abroad na rin siya sa salary na matatanggap niya. Nang uwian na, habang nakasakay sila sa kotse, ang laki ng pasasalamat ni Belle kay Brixx. Belle: Alam mo, Brixx, thank you talaga ha. Brixx: Wala ’yon. Saka, na-o ba? Kanina ka pa nagpapasalamat sa’kin. HAHAHA. Hindi naman ako yung magpapasweldo sa’yo. Belle: Kahit na, natanggap ako dahil sa’yo. Brixx: Natanggap ka dahil magaling ka. Stella: Tama, Belle. Natanggap ka dahil ang galing-galing mo. Naririnig kaya namin ni Brixx yung mga sinasagot mo doon sa Koreano kanina. Brixx: Magaganda ang naging sagot mo kanina. Belle: Alam mo, Brixx, ang laki ng sweldo. Pero bakit hindi mo gina-grab? Brixx: Kaya nga nag-aaral pa rin ako dahil ayoko munang magtrabaho. Matanda kaya ako sa inyo, no. Saka wala nang one year, graduate na tayo. Malapit nang magtrabaho kaya sinusulit ko na. HAHAHA. Stella: Sabi ko na eh, matanda na ’tong lalaking ’to. Brixx: Maka-matanda ka naman, hoy! Four years lang tanda ko sa inyo. Stella: Eh bakit college ka pa rin ba? Brixx: Nag-aral nga ulit ako. Belle: So, graduate ka na ng college tapos nag-aral ulit ng ibang course? Brixx: Yes, tumpak. Oh, dito na tayo. Belle: Tara, baba ka muna. Mirienda muna tayo sa loob. Brixx: Hindi naaa. Belle: Anong hindi na? Bumaba ka na diyan. Brixx: Sige na nga. Pumasok sila sa dorm ni Belle at naghanda ng mirienda si Belle para sa kanilang tatlo. Habang nagmi-meryenda ay nag-uusap-usap sila. Stella: Eh ano naman yung dating course mo? Brixx: Ako? Stella: Ay, hindi, Brixx. Si Belle. Saka sila nagtawanan na tatlo. Brixx: BSIT ang course na natapos ko. Stella: Hindi ka nagsasawa? Ako nga sawa nang mag-aral at atat na atat na akong magtrabaho para sa anak ko. Brixx: Hindi naman. Stella: Iba talaga pag mayaman, no, Belle. Teka, di ba, Belle, ang sabi mo mayaman ka? Belle: Hindi ako, ang parents ko. Stella: Pero di ba sa’yo daw ipapamana ’yon? Belle: Nung hindi pa nila ako itinatakwil. Nagtuloy-tuloy pa ang pagkukuwentuhan nila hanggang sa dumilim na sa labas. Nagpaalam na si Brixx na uuwi na at si Stella ay babalik na sa dorm niya. Nang maka-alis ang mga kaibigan niya ay ni-ready na niya ang mga gagamitin niya bukas sa pagtatrabaho. Inayos niya ang magiging office setup niya. Naglagay siya ng maliit na espasyo sa kwarto niya, maliit na table, chair, at inayos ang mga gamit sa itaas ng magiging table niya, kasama na ang importante sa lahat, ang laptop niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD