1 - Devonne "My daily routine"

2012 Words
"Pa, kakain na po tayo," tawag ko kay Papa habang naglagay na ako nang pinggan sa lamesa. Maaga lagi ako gumigising dahil nagluluto pa ako ng almusal pati na rin tanghalian namin. Kami lang dalawa ni Papa ang magkasama sa bahay at dahil sa aksidente niya ilang taon na ang lumipas ay nahihirapan na siya kumilos. Hindi na siya pwede mapagod at mapwersa ang katawan. Ang nag-iisa ko naman na kapatid na si Kuya Dexter ay may sarili ng pamilya at nakatira sa Maynila kung saan ay doon din ito nagtatrabaho. Kahit may pamilya na siya ay nagpapasalamat ako at nag-aabot pa rin siya sa amin para sa panggastos sa gamot ni Papa at kailangan sa bahay. Kaunti na lang at malapit ko na makompleto ang ipon ko para makapag-aral ulit. Pagkatapos kasi maaksidente ni Papa noong nasa second year college ako ay napilitan ako na tumigil para magpatuloy muna si Kuya Dexter. Hindi naman kasi kakayanin ni Papa na sabay kaming pag-aralin kaya ako na lang ang nagsakripisyo. Nangako naman siya sa akin na pagka-graduate niya ay ako naman ang pag-aralin niya kaso nabuntis naman ang girlfriend niya na si Ate Celine. Naiintindihan ko naman na kailangan ni Kuya unahin ang pagpapakasal kaya nag-focus na lang muna ako sa trabaho ko. Hindi naging madali sa akin ang lahat pero kailangan ko magsumikap para pagdating ng araw ay makaipon ako. Hindi naman ako nagrereklamo at higit sa lahat ay hindi ako nagsisisi na nagpaubaya ako. Habang nag-aaral si Kuya noon ay pumasok ako sa iba't ibang trabaho. Naging service crew ako sa isang fast food. Naging sales lady din ako sa Mall at cashier sa grocery store. Hindi puro regular ang nakuha ko na work at puro contractual kaya medyo nahihirapan ako. Ang laki ng pasasalamat ko sa kaibigan ko na si Carmela dahil ipinasok niya ako sa Boutique na pinapasukan niya. Nag-umpisa ako bilang sales representative at dahil sa sipag ko ay na promote naman ako bilang Assistant Store Manager last year pagkalipas ng tatlong taon ko sa company. "Sinabi ko naman sa iyo Debbie na huwag ka na magluto ng tanghalian ko at pwede naman ako kumain kina Minerva," sabi niya habang papalapit sa lamesa. Lalapitan ko na siya para alalayan pero sinaway niya ako. Kahit alam kong nahihirapan si Papa ay pinakita niya sa akin na kaya niya. Nilagay ko na ang niluto ko na itlog at hotdog saka naman ang fried rice. Bumili rin ako kanina ng pandesal na paborito ni Papa. Pabor sa akin ang magluto para makapag-baon din ako ng pagkain ko. May kamahalan din kasi ang mga tindang pagkain malapit sa store kaya mas gusto ko ang magbaon para makatipid ako. "Hay naku Pa, kaya naman gustong-gusto mo na kumain doon dahil nakakain mo kahit ano. Alam naman ni Tita Minerva kung ano ang bawal sa iyo na pagkain pero pinapakain pa rin sa iyo," may halong inis na sabi ko at ngumiti siya. "Hayaan mo na ako Debbie minsan lang naman iyon at saka hindi naman ako nakakalimot na uminom ng gamot," paglalambing na sabi niya at umiling na lang ako. Nag-umpisa na kaming kumain ni Papa. Sa loob ng ilang taon ay nasanay na ako na kami lang dalawa. Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling beses na kumain kami na kumpleto. Hindi na rin naman iyon mangyayari dahil may sarili ng buhay si Mama at Kuya. Mula nang naaksidente si Papa ang daming nagbago sa buhay namin. Noon ay spoiled na spoiled ako kay Papa dahil lahat ng hilingin ko ay agad niya binibigay. Nagtrabaho si Papa bilang Accountant sa isang company sa Maynila. Maganda at masaya ang buhay namin pero sa isang iglap ay naglaho iyon. Hindi naman kami mayaman at hindi rin naman mahirap sakto lang ang pamumuhay namin. Kailangan namin umuwi ng probinsya dahil binenta ni Mama ang bahay at lupa na pinundar nila para pambayad sa hospital. Tinakbuhan kasi si Papa ng driver ng truck na nakabangga sa kanya. Ang kumpanya naman na may-ari ng truck ay nag-abot lang ng kaunting halaga. Nakita ko kung gaano si Mama nahirapan sa sitwasyon. Gabi-gabi siya umiiyak at sa umaga naman ay umalis para maghanap ng mauutangan o tulong. Pagkalabas ni Papa sa hospital doon na nag-umpisa na magaway ang dalawa araw-araw. Hindi na ako nagtataka ng isang araw pag-gising namin ni Kuya ay wala na si Mama. Ang sabi ni Papa ay sumama na ito sa ibang lalaki na mayaman. Mabilis na kumalat iyon sa buong barangay namin. May nakuha naman si Papa na pera mula sa kumpanya at sa ibang benefits niya. Buong akala namin ay pareho kaming matitigil ni Kuya sa pag-aaral pero may nag-alok ng scholarship kay Kuya kaya ito nagpatuloy. "Pa, baka po pala gabihin ako ng uwi kasi schedule nang inventory po sa store. Nagsabi na po ako kay Tita Minerva at siya na raw po ang bahala sa iyo po habang wala pa po ako," paalam ko sa kanya at tumango naman siya. "Tumawag ba ang Kuya Dexter mo?" tanong niya at nakakunot ang noo napatingin ako sa kanya. "Hindi po Pa, bakit may problema po ba? May kailangan ka po ba sa kanya?" nag-aalala na tanong ko at umiling siya. "Tumawag kasi siya sa Tito Danilo mo at nakainom ata dahil hindi sila magkaintindihan," sagot ni Papa at napaisip ako. "Nag-aalala lang ako baka may problema ang Kuya mo at ayaw lang ipaalam sa atin. Kumustahin mo nga Debbie pero huwag mo ng banggitin iyong pagtawag niya sa Tito mo," bilin niya na bakas ang pag-aalala sa mukha at tumango ako. "Sige po Pa, tawagan ko po siya mamaya," tugon ko at inubos ko na ang kape ko. Pagkatapos namin kumain ay mabilis na niligpit ko ang mga nasa lamesa. Nilagay ko na sa bag ko ang lunch box at ang tubigan ko. Habang naghugas ay umiinom naman si Papa ng mga gamot niya. Pumasok na ako sa kwarto ko para kunin ang gamit ko. "Pa, aalis na po ako. Tawagan mo na lang po ako kapag kailangan mo po ako. Huwag ka po magpalipas ng pagkain at huwag na huwag po kalimutan ang mga gamot mo," bilin ko sa kanya at tumango-tango siya. "Para ka naman nagbibilin sa bata niyan Debbie," natatawa na sabi ni Papa at ngumiti lang ako saka ko siya hinalikan sa noo. Mula sa bahay ay isang oras mahigit ang biyahe papunta sa Store. Kailangan ko muna sumakay ng tricycle hanggang sa terminal ng mga dyip. Minsan naman sa pag-uwi ay hinahatid ako ng boyfriend ko na si Jerome. Tatlong taon ko na boyfriend si Jerome pero sa loob ng mga taon na iyon ay on and off ang relasyon namin. Isa lang naman ang laging dahilan kung bakit kami naghihiwalay o nagaaway, ang pagiging possesive niya at seloso. Mabait, mapagmahal at mabuting boyfriend si Jerome kaya naman kahit ilang beses kami maghiwalay ay nagkabalikan pa rin kami. Solo lang siyang anak kaya nasanay siya na makuha ang lahat ng gusto niya. May-ari siya ng isang Bar sa lugar namin at kilala ang pamilya niya. Marami ang nagsasabi na kaya ko lang siya sinagot ay dahil mayaman siya at kilala ang pamilya. Nang manliligaw si Jerome sa akin ay inaasahan ko na iyon at nang maging kami na ay marami ang nagtaas ng kilay sa akin. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ko sinagot si Jerome pero hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa mga tao kung bakit. Malapit ako sa mga magulang ni Jerome at kahit kailan ay hindi ko naramdaman na minaliit nila ako. "Kuya, bayad ko po," sabi ko sa tricycle driver at inabot ko na ang pambayad ko. Pagkakuha ko ng sukli ay bumaba na ako nang tricycle at sumakay na sa dyip na malapit ng mapuno. Ilang sandali lang naman ang hinintay ko at umusad na ang dyip. Binuksan ko ang phone ko at nagpadala ako nang message kay Kuya Dexter na nangangamusta. Kasunod ko naman pinadalhan ng message si Jerome para batiin ito ng good morning. Napangiti ako dahil sa sweet na reply ni Jerome. Ipinaalala ko sa kanya kung anong oras ang labas ko dahil baka makalimutan na naman niya at kung ano ang isipin. Minsan naiisip ko kung mahal ba talaga ako ni Jerome lalo na kapag naghihinala siya. Never pa ako nagselos pagdating kay Jerome kahit pa nga harapan kung landiin siya ng mga customer niya na babae. May tiwala kasi ako sa kanya at wala namang dahilan para mag-isip ako nang masama. Pero kapag ito na ang nagselos at nagalit pakiramdam ko ang liit-liit ko. Halos isumpa na ako ng mga kaibigan ko dahil sa ginagawa ko na pakikipagbalikan kay Jerome. "Sa tabi na lang po," sabi ko sa driver nang matanaw ko na ang store namin. "Good morning Mela," nakangiti na bati ko sa kaibigan ko at nakipag-beso ako. Halos sabay kami ni Carmela na promote. Ito ang Head Store Manager namin at ako naman ang Assistant niya. Kadalasan ay ito ang nagbubukas ng Store dahil malapit lang ang bahay nito. "Good morning din sa iyo Beb," nakangiti na tugon niya pagkatapos namin mag-beso. "Good morning po Ma'am Devonne," magalang na bati sa akin ni Nikka, isa sa mga staff at nakangiti na binati ko rin siya. Ilang sandali lang ay nagbukas na ang roll-up at binuksan ni Carmela ang pinto. Ang location ng store namin ay mismong nasa tapat ng isang Mall na malapit sa isang school. Korean Women and Men's clothing, accessories and shoes ang makikita sa store namin. So far ilan pa lang ang branches ng store namin pero ang pinaka-main store ay sa Manila. "Nagpaalam ka na ba sa paranoid mong boyfriend?" tanong ni Carmela habang inaayos namin ang mga naka-display sa rack. "Oo, ipinaalala ko na sa kanya na mamaya iyon at baka bigla na naman iyon sumugod dito," sagot ko at umiling ito. "Ewan ko ba sa iyo Beb, hindi ko alam kung paano mo natitiis ang ugali niya. Hindi nga siya nanakit pero grabe naman kung makapagsalita kapag nagagalit," sabi niya at saglit ako yumuko bago huminga ng malalim. "Hanggang salita lang naman siya at saka takot lang talaga iyong tao na masaktan. Ikaw ba naman ang lokohin habang nakatalikod at ng bestfriend mo pa talaga. Na trauma lang siya dahil sa nangyari sa kanya noon kaya siya ganyan," pagtatanggol ko at inirapan niya ako. "Sige lang kumbinsihin mo pa ang sarili mo," nakaismid na sabi niya. Niloko kasi si Jerome ng Ex-girlfriend niya ng matagal na panahon. Kababata niya ang babae at nalaman ni Jerome na may affair sa mismong bestfriend pa niya. Halos mapatay ni Jerome ang bestfriend niya dahil naabutan niya na magkasama ang dalawa sa isang motel na sa saktong may ginagawa. Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng lalaki dahil binayaran ng magulang ni Jerome. Sa loob naman ng pagsasama namin ay hindi naman naging biolente si Jerome sa akin. Sobrang nga ang pinaparamdam niya na pagpapahalaga sa akin na minsan ay nakakasakal na. "Mahal ko si Jerome at mahal niya ako. Kung ano man ang pagkukulang niya ay dapat tanggapin ko iyon. Ganoon naman ang nagmamahal hindi ba? Wala naman perpektong relasyon ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa," paliwanag ko sa kanya at tumango-tango lang siya. "Alam kong mahal ko siya dahil hindi naman kayo tatagal kung hindi. Huwag lang talaga umabot sa punto na saktan ka niya kasi hindi ko siya palalampasin. Sana lang Deb kapag dumating ang oras na nangyari iyon ay sasabihin mo sa akin at hindi ko itatago. Kilala kita at alam kong titiisin mo ang lahat hangga't kaya mo pero ibang usapan na kapag naging physical na," bilin niya sa akin. "Mangako ka sa akin Deb na hindi mo palalampasin kapag nangyari iyon," sabi niya at tumango ako. "Promise!" halos pasigaw na sabi ko nang lakihan niya ako ng mata. Pagkalipas ng ilang oras ay may pumasok na customers kaya naging abala na ang lahat. Up and Down ang store kaya kailangan namin maghiwalay ni Carmela ng position para panatilihin na okay ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD