AMY Walang pagbabago sa aming kinauupuan, katabi ko pa rin si papa sa kama habang si Sean naman ay tahimik lang na nakikinig sa aming usapan mula sa hapagkainan. Medyo maliwanag pa rin sa labas dahil papalapit pa lang ang oras ng paglubog ng araw, malapit na rin umuwi si mama. “Ano ba ang mali sa pagiging isang janitress?” diretsong tanong ko kay papa. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang mali sa trabahong iyon. Hindi ba iyon magandang trabaho? Sa pagkakaalam ko kasi, basta ginagawa ng isang tao ang tama at wala namang natatapakang iba, okay lang eh. At least nga magkakaroon pa ako ng kikitain na maibibigay ko kina mama at papa. “Hindi maganda ‘yan, Amy. Iniisip ko lang ang magiging katayuan mo sa buhay pati na rin ang reputasyon mo. Hindi mo ba naiisip ang posibilidad na mayroong m

