AMY Tinatahak na namin ang daan pauwi sa aking tinitirhan nang biglang lumiko ang direksyong nilalakad namin ni Sean. Bumalik kami sa tapat ng school at dumiretso kami sa kalsada at lumiko sa kanto. Sa 'di-kalayuan ay nakita ko na ang palagi naming pinupuntahan na convenience store. "Ano na namang ginagawa natin dito, Sean?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko pa naman din kasi nababanggit sa kanya na kailangan kong magmadali pauwi sa bahay upang makausap ko si papa, kaya siguro akala niya ay okay lang na dumaan muna kami kung saan-saan. Hinawakan ako ni Sean sa aking braso tsaka niya ako hinila kasabay ng kanyang paglakad papasok sa convenience store. Dali-dali siyang pumunta kung saan nakahilera ang mga freezer ng ice cream. "Anong gusto mo? Ikaw na ang mamili sa atin, libre ko n

