AMY Sa mga oras na ito ay nakabalik na ako sa aming hut at wala naman na ako ibang ginagawa kundi ang tumulala sa labas ng aming tinitirhan. Naririto na rin sila mama at papa, nagpapahinga sila parehas. Nasa kama si mama habang si papa naman ay katabi rin si mama roon dahil wala naman ako kanina at mukhang tabi muna sila natulog, dahil nga wala ako. Hindi ko na sila ginising pa dahil wala naman akong kailangan sa kanila at ayaw ko rin naman sila istorbohin. Masyadong hindi inaasahan ang mga kaganapan kanina kaya ayaw ko makadagdag pa muna sa kani-kanilang mga iniisip. Alam kong naaawa rin sila sa akin at may halo rin iyong galit dahil sa paglilihim ko sa kanila tungkol sa totoong nangyayari tuwing pumapasok ako sa school. Ang buong akala ko ay magiging maayos lang ang lahat sa oras na ma

