AMY Halos mabaliw ako sa kaiisip sa nangyari kahapon sa pagitan namin ni Sean, simpleng pag-uusap lang naman iyon pero kakaiba pa rin ang epekto noon sa akin. "Amy, ano gusto mong gawin? Papasok ka na ba o hindi pa rin?" bungad na tanong sa akin ni papa pagkabangon niya sa kama, habang si mama naman ay patuloy pa rin sa pagluluto ng aming agahan. "Kumusta nga pala ang pag-uusap niyo ni Sean?" usisa niya tsaka niya ako tinabihan na nakaupo lang sa may labas ng aming hut. Bahagya akong ngumiti nang maramdaman ko na ang presensya ni papa sa tabi ko. "Ayos naman, kaso hindi ko pa rin natanong kung saan ba talaga siya nanggaling o kailan pa siya nakabalik dito. Ang alam ko lang eh hindi pa siya nakakarating sa cottage..." huminto ako saglit para tingnan sa mata si papa. "Sa cottage na nasunog

