AMY Nanlalaki ang mata ni Sean nang makita niya akong pumasok sa loob ng dressing room kung saan ako magpapalit sana ng aking uniporme para makapagsimula na ako sa aking trabaho. "Anong ginagawa mo rito?" nakatitig lang siya sa aking mga mata habang pinapagpag niya ang manggas niya sa kanang braso. "Baka naman hindi ka nagpaalam kay Tita na nagpupunta ka sa bar? May problema ba?" tiningnan niya ako ng may awa sa kanyang mga mata. "Wala Sean. Ikaw, bakit ka nandito sa loob ng... dressing room?" nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko pa ba iyong itanong kung nakikita ko na rin namang kapapalit lang niya ng kasuotan. "Kita mo naman siguro," sabi ni Sean tsaka siya umayos ng pagkakatayo para maging diretso rin ang kanyang sinuot na damit, na alam kong hindi naman din sa kanya. Napabuntong

