AMY Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang naloko ako ng sarili kong pag-iisip. "Grabe ka, Amy. Ano ba ang palagay mo sa akin, pumapatol sa bata?" pinagtatawanan pa rin ako nina Alicia at Sean. "Paano ba naman kasi, sabi mo, inalagaan ka ni Alicia at naging gabay mo rin siya noon," nakatingin ako kay Sean habang sinasabi ko ang mga iyon na agad ko rin inilipat kay Alicia. "Ikaw naman po, sabi mo kanina pagkapasok mo eh totoo ang iniisip ko," huminga ako ng malalim bago ko sila pinanlakihan ng mata parehas. Nakahawak pa ako sa bewang ko na para bang sinesermonan ko silang dalawa. "Ano gusto niyong isipin ko?" Naglakad na ako sa gilid ni Sean kasi katabi niya iyong sabitan ng uniporme ko. Hinablot ko iyon mula sa hanger at muntikan pa iyon maputol kaya kinabahan ako kasi nasa

