AMY Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil sa kinahinatnan ng isang sitwasyon na hindi naman dapat umabot sa ganito, o kung ang customer na iyon ang dapat kong sisihin. Pero, ang alam ko lang sa ngayon ay dapat kong mapakalma ang tensyon na namamagitan ngayon sa loob ng bar sa pagitan nina Sean at ng lalaking iyon na nagbato ng isang baso sa akin. "Kung makaasta ka akala mo kung sino ka ah! Customer ka lang dito at huwag kang mangganyan ng empleyado ng bar! Ako na lang sana ang hinarap mo at pinagbabato mo ng baso hindi 'yung babae," walang tigil sa pagsigaw si Sean sa lalaki pero mukhang hindi naman natitinag ang customer na iyon. "Ano? Hindi mo man lang makuhang humingi ng tawad sa nagawa mo?" Pinagtitinginan na ng iba pang mga nasa loob ng bar si Sean dahil naaga

