AMY Biglang tumayo si Sean at bumangon naman na rin si Axel sa dulo ng kama. Sa lamig ng kwartong ito ay nakapagtataka kung bakit pinagpapawisan si Sean at para bang hindi siya mapakali. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Ayaw mo lang yata ikwento sa akin ang nangyari eh," nagmaktol ako kunwari, sinamahan ko pa iyon ng pagsimangot ko para mas magmukhang makatotohanan. "H-Hindi na muna siguro ako papasok sa trabaho," sabi ni Sean habang patuloy ang pawis niya sa pagbagsak nito. "Nagkaroon lang siguro ako ng trauma sa nangyari kaya ganito ako," aniya pa, hindi na halos maipinta ang itsura ng kanyang mukha. Naghahalo ang pagkabalisa, pagkatakot at pagkalungkot sa kanyang kalooban. "Huwag ka na rin munang magtrabaho, Amy, kung trabahador ka man sa bar na iyon. Kailangan mo rin magpahinga," wika n

