AMY "A-Ah… okay," bulong ko sa aking sarili, hindi ko mapigilang damdamin ang sinabi ni Axel na wala siyang balak na makipagkaibigan sa akin. Para bang ako lang ang may gustong maging magkaibigan kami. Kahit hindi ko siya gusto, in a romantic way, tila ba'y nagmukha akong kawawang pinipilit ang sariling makipag-close sa kanya. Sinulyapan ako ni Sean at walang pag-aalinlangan ay tumayo na siya mula sa hapagkainan. Inusog niya ang upuan palayo sa lamesa at tsaka niya ako nilapitan. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para tingnan ako ng maigi. Hindi ko naman siya matingnan dahil pakiramdam ko ay maluluha na lang ako bigla sa oras na makita ko ang mukha niya. Ewan ko ba, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Sean. Tila ba'y napakahina ko tuwing nasa harapa

