AMY Kumpara nitong nakaraang araw ay medyo naramdaman ko na ang pagkaginhawa ng aking buong katawan at pati na rin ang aking utak ay medyo nakakapagproseso na ng maayos, hindi katulad kahapon na para bang wala na akong gustong isipin pa at gusto ko na lang maging blanko at purong itim ang isipan ko dahil sa lahat ng aking pinagdaanan simula pa nung lumipat kami sa may Llorin. Ngunit, kahit pa naging matino na ang kalagayan ko ay hindi pa rin naman ako pinahintulutan ni Sean na umuwi, tila ba’y nais pa niya na rito na lang din kami tumira kasama sina mama at papa dahil halos wala rin naman siyang nakakasama sa bahay nila. Kung wala nga lang sanang magiging problema kung tanggapin ko ang alok ni Sean ay hindi na ako magdadalawang isip pa na pumayag doon, kaso nga lang eh si mama na mismo an

