Chapter 69

2578 Words

AMY Hindi ko maramdaman ang mga braso’t binti ko at para bang hindi ko rin magalaw ang mismong buong katawan ko. Napakabigat ng pakiramdam ko at para bang ang lamig ng buong paligid kahit pa purong kadiliman lang naman ang nakikita ko. Wala akong ibang alam kung nasaan ako ngayon at kung mayroon ba akong kasama sa kasalukuyan o talagang nag-iisa lang ako, pero kahit na ano pa man ang nangyayari ngayon, ang tanging alam ko lang ay ligtas ako. Ang lakas lang ng kutob ko na ligtas ako kahit pa hindi ko masyadong matandaan kung ano ang nangyari sa akin. Malabo pa ang memorya ko sa ngayon ngunit para bang ume-echo sa tenga ko ang boses ng isa pang lalaki na hindi ko alam ang pangalan at pati na rin ang kina mama at papa. Mayroon pa akong narinig na boses ng babae kaso hindi ko masyadong makila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD