Chapter 70

1476 Words

AMY Pakiramdam ko ay isang malaking kasalanan ang magsinungaling sa lalaking ito, o kahit pa sino ang kausap ko. Pero wala naman akong magagawa, alangan namang umamin na lang ako bigla na nakikilala ko talaga siya pagkatapos kong pasakitin ang kanyang damdamin? Oo, kilalang-kilala ko si Sean. Like, paano ko ba naman makakalimutan ang childhood friend ko na hanggang sa ngayon ay nariyan pa rin para sa akin? Ewan ko ba, gusto ko lang naman makipagbiruan kanina na kunwari ay hindi ko sila naaalala, na ang mga magulang ko na lang ang tanging naaalala ko, pero mukhang false move pala iyon kasi hindi naging maganda ang epekto niyon sa kanya at pati na rin siguro sa iba pa naming kasama. Gusto ko lang naman marinig ni Francine ang nangyari sa akin, na hindi ako makakilala at hindi ako makaalala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD