AMY Napakasarap sa pakiramdam ng hangin na humahaplos sa aking balat. Hindi iyon isang ordinaryong hangin na galing sa labas o galing sa isang bintilador kagaya ng nasa bahay namin. Kaya, napaisip ako bigla kung nasaan ba ako at tila ba'y ramdam kong naka-aircon ako ngayon. Ramdam ko rin ang malambot na kamang hinihigaan ko sa kasalukuyan at pati na rin ang mahabang unan kung saan nakapatong ang aking ulo. Hindi ko pa magawang idilat ang mga mata ko dahil parang bigat na bigat pa rin ito at kulang pa sa pahinga. Bagamat nakapikit pa rin ako, gising na gising naman na ang aking diwa. "Hindi pa ba siya gising?" tanong ng isang lalaki pagkatapos kong marinig ang pagkasara ng isang pinto. "Mas nauna ka pang magising kaysa sa kanya ah," kaswal na sabi pa nito. Sa palagay ko ay si Axel ang n

