SEAN Sarili ko na ang kinabahan sa binitawan kong pangako sa mga magulang ng kaibigan ko kasi nga wala naman akong alam sa kasalukuyang sitwasyon ni Amy. Baka ipakain pa sa akin nina tita at tito ang mga sinabi ko kasi hindi ko naman iyon matutupad ngayon. “Tita… Tito…” tawag ko sa kanila tsaka ko sila tinignan sa kani-kanilang mga mata ng mabuti, hangga’t maaari ay ayaw kong magmukhang nagbibiro lang ako kasi minsan ay iyon lang ang iniisip nila sa lahat ng sinasabi ko. Mahilig kasi akong makipagbiruan sa kanila noon kaya bihira lang din nila akong pagkatiwalaan, pero alam kong kapag nakikita nilang seryoso ako ay seseryosohin din nila ang sinasabi ko. “Si Amy… Nakauwi na ba siya?” mahinang tanong ko sa kanila, hindi sumagot ang kahit na isa sa kanila kaya alam kong hindi nila iyon narin

