SEAN Napaisip ako kung nawala ba si Alicia ngayon dahil binabantayan niya si Amy kung saan man niya ito dinala, kaya mas lalo akong kinabahan dahil kahit ilan man kaming sumugod sa kanya para siya ay talunin ay alam kong hindi naman siya mapapabagsak. Kakaiba ang lakas ng isang iyon, kahit pa sabihin na nating babae lang siya. Hindi lang siya basta isang normal na babae, hindi siya kagaya ng karamihan na mahinhin at hindi gaanong kalakas. Sanay si Alicia na makipaglaban, sa kanya nga ako natuto kung paano makipagbugbugan sa iisang tao, pero hindi niya tinuro sa akin ni minsan kung paano ako makakapalag sa oras na maging isang grupo na ang kakailanganin kong talunin. Ilang taon niya akong hinasa sa pagte-training at alam kong hindi iyon sapat para mapantayan ang galing niya, siguro nga ay

