AMY Napatulala ako sa kawalan pagkatapos sabihin ni Sean iyon, pakiramdam ko kasi ay parehas lang kaming nakaramdam ng pangungulila tapos sarili ko lang ang iniisip ko. “Sorry,” bigkas ko matapos ang ilang minutong nakalipas. Hindi naman na niya ako sinagot pa dahil bigla na lang din pumasok si Sir sa classroom. Kaya, sa isang iglap ay bumalik na ang lahat ng mga kaklase ko sa kani-kanilang mga puwesto at agad din silang nanahimik. “Good morning,” simpleng bati niya sa amin habang inaasikaso niya ang mga gamit niya, hindi na niya kami pinabati sa kanya pabalik nang sumenyas siya sa amin sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang palad. “Kailangan ko ng buong atensyon niyo para sa mga susunod kong sasabihin. Kung mag-iingay kayo at makikipagharutan, ngayon pa lang ay sinasabihan ko na kayong l

