Chapter 31

2175 Words

AMY Kasalukuyan na akong nasa palapag ng aming classroom, kaaakyat ko lang dito dahil masyadong maraming estudyante ang gumagamit ng hagdan. Isang liko na lamang ang ginawa ko at nakarating na rin ako sa wakas sa mismong tapat ng aming kwarto. Mula rito ay naririnig ko na ang kaingayan ng aking mga kaklase, mukhang wala pa ang aming guro kaya agad kong binuksan ang pinto. Sa oras kasi na dumating na ang aming guro ay maisasama na ako sa bilang ng mga late na pumasok. Ang kaninang ingay ay napalitan ng isang nakakabinging paligid na napakatahimik. Kahit na hindi ko na sila tingnan isa-isa pa ay alam kong lahat ng kanilang atensyon ay aking naagaw sa hindi malamang dahilan. Wala naman akong ginagawang atraso sa kanila, bakit ganito ang binibigay nilang tingin sa akin? Na para bang napakara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD