Jiro’s POV Pinayagan na ulit akong magbabad sa computer ng mga kapatid ko pagkatapos ng final exams namin. Hindi pa man nagkakaroon ng opisyal na announcement kung talaga bang maka-ga-graduate ako ay sinasabi na kaagad sa akin ng mga kapatid ko na proud sila sa akin. Na-delay man ang pagiging proud nila para sa akin ay mahalaga naman na kinaya talaga namin iyon. Kagaya ng ibinahagi sa akin ni Malia ay dadalhin ko si Aleina sa isang rock climbing camp dito sa Baguio City. Ang alam ni Aleina ay kakain lang kami at mamamasyal pero hindi ko sinabi sa kanya na didiretso kami sa rock climbing, mabuti na lang at angkop ang suot niya sa pag-akyat namin mamaya. Hindi namin isinama si Rebecca dahil kasama nito sina Kuya Euan dahil ilalabas nila si Tovee at gusto ni Tovee na kasama si Rebecca na pa

