Jiro’s POV Nagkaroon kami ng oras ng mga kaibigan ko na sina Aeron at Lance na magsama-sama ngayon at pinayagan din kami nina Ate Michiko na uminom ngayon dito sa bahay. Umalis nga saglit si Ate Michiko dahil may bibilhin lang siya at pinaalala pa sa amin na maging mabait lang kaming lahat. Habang nag-iinuman naman kami ay nanonood at nag-uusap kami. Ganoon talaga, kaya namin iyong pagsabay-sabayin. Ang hindi lang namin kayang pagsabay-sabayin ay ang mga babae. Nag-uusap nga kami ngayon tungkol sa plano after graduation. It’s official! I did it! Matutupad na ang pangako namin kina Nanay at Tatay! Maaari na rin ako ng bumawi sa mga kapatid ko sa naging sakripisyo nila sa akin noon pati na rin sa pagpapasakit ng ulo nila dahil sa pagiging pasaway ko. “Hinihintay ka na ni Daddy sa kumpani

