Jiro’s POV Wala sa usapan namin ni Aleina na pupuntahan ko siya sa trabaho ngayon at sinadya ko talaga na hindi sabihin sa kanya na nandito ako sa labas. I just want to surprise her today even if we’re together yesterday. Maya maya ay lalabas na rin naman siya. Nawala lang ang ngiti ko noong may mga pamilyar na lalaki na paplapit sa akin. Mukhng kanina pa sila rito at mukhang hinihintay lang nila ako. Ganoon kabilis nawala ang ngiti ko pero ganoon din kabilis lumawak ang ngiti nila noong nakita ako. Nang makalapit sila sa akin ay kaagad naman nila akong pinalibutan. “Totoo nga na nakalabas ka na. Bakit hindi mo man lang binati si Jeff noong nakalabas ka na?” tanong ng isa sa kanila na sa pagkakaalala ko ay kanang kamay ni Jeff. Hindi ko na sila matandaan sa pangalan pero hindi ko makali

