Jiro’s POV Hindi rin pala nagbibiro si Lance noong sinabi nito na gusto akong i-hire ng Daddy niya sa kumpaniya nila. Alam ng mga ito ang mga pinagdaanan ko at sadyang nawalan lang kami ng komunikasyon ni Lance noong dinala ako sa rehabilitation center. Halos isang taon din ang inabot ko roon at habang nandoon ako ay ayaw kong magpakita sa iba lalo na sa mga kapatid ko kaya kapag dumadalaw sila ay minsan ko lang talaga silang nilalabas para kausapin dahil ang mga panahon na iyon ay nalalaman ko na kung gaano kalaki ang naging kasalanan ko sa kanila. Maging si Aeron nga ay kinuha ng Daddy niya kaya nga bantay siya ng buong pamilya ni Eunice pero kahit maloko naman siya at mapagbiro ay hindi naman niya sasaktan si Eunice, matagal na rin pala sila at kaunti lang ang kayang magtagal kay Aero

