Chapter Ten

1540 Words
NAGPASYANG bumaba si Tamara sa restaurant para mag–almusal matapos maligo at magbihis sa tinutuluyang hotel room. She decided to leave the place in the afternoon. Naisip niyang puntahan si Ethan para magpaalam ngunit naunahan siya ng hiya. And she did not think it was necessary. Nakapag -usap naman na sila at napatawad na rin niya ito. She really could go on with her life now. Ngunit pagbukas niya ng pinto, pareho silang nagkagulatan ni Ethan. Akma sana itong kakatok sa pinto at siya naman ay lalabas. "Hi!" nakangiti nitong bati. Fresh na fresh ang hitsura nito sa suot nitong walking short at puting sando na pinatungan ng checkered na short sleeve polo na hindi nakabutones. Halatang nakapag–shower na rin ito tulad niya. "Hi!" tugon niya kasunod ng pagkunot ng noo. "How did you know my room number?" "Family friend namin ang owner ng resort na ito at madalas rin ako rito kaya madali lang para sa aking alamin ang room number mo," paliwanag nito. "Ah." Napatango–tango siya kahit bahagyang naiinis dahil hindi pala kayang pangalagaan ng resort ang privacy niya. "Hey, have you eaten? Brunch with me?" "Okay. Pababa na nga rin ako, eh." "Great." Inilapit nito ang isang braso sa kanya kapitan niya. Naasiwa man ay pinagbigyan niya ito, humawak siya sa braso nito at may ngiti sa mga labing naglakad sila patungo sa restaurant. "YOU can't hate your parents forever," sabi ni Ethan kay Tamara. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Ethan na maglakad–lakad sa palibot ng isla. Hindi niya magawang tanggihan ito. Gusto pa niya itong makasama. Naalala nitong itanong sa kanya kung paano siya nakarating sa island resort. Hindi nila iyon napag–usapan kagabi. Hindi naman siya nagdalawang isip na magkuwento ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya pati na ang estado ng relasyon nila ng mommy niya na tila magkaibigan uli sila nito. "Alam ko. Pero nasanay na ako na wala siya, Ethan. Sila ni Daddy. Tanggap ko na rin na halos wala na akong pamilya. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ayaw ko na silang makasama." "Pero ibinigay pa rin naman ng parents mo ang lahat ng mga pangangailangan mo noon at hindi ka nila lubos na pinabayaan. Hindi naman nila siguro sinadyang hindi ka makasama." Napatingin siya kay Ethan. Napagtanto niya na hindi pa rin ito nagbabago. Opionated at malawak pa rin ang pang-unawa. Laging nasa gitna ang stand nito at gaya ng dati. Tinutulungan siya nitong maunawaan ang sitwasyon na hindi naman niya minamasama. "Bakit ayaw mong payagang makasama ka ng mommy mo at ng bago niyang pamilya?" sabi pa nito. "Your mom just also did what she thought was the best for you when she sent you to Vienna. Hindi pa huli ang lahat para sa inyo ng Mommy mo, Tammy. Huwag mong pairalin ang galit dahil hindi na maibabalik ang nakaraan. Makikita mo, mas magiging masaya ka kung makikipagkasundo ka na sa kanila." Napabuntong–hininga si Tamara. "I'll think about it, Ethan," sabi na lang niya. Pero sa sarili niya ay aminado siyang napaliwanagan siya nito. Nagpatuloy sila sa mabagal na paglalakad. Nang makarating sila sa decorated bridge na naghihiwalay sa public at private resort ng isla ay huminto siya sa gilid ng railings para pagmasdan ang kagandahan ng paligid. Tumabi naman si Ethan sa kanya. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito sa isla at nag–iisa? Wala ka bang trabaho?" naisipan niyang itanong makalipas ang ilang sandali. "Sabihin na nating naghi–hibernate ako. Brokenhearted kasi ako." Bigla siyang napatingin dito. "A -ano'ng ibig mong sabihin?" Tumalikod muna ito at sumandal sa sementadong railing bago nagsalita. "I caught my girlfriend and my best friend cheating on me." Hindi siya nakapagsalita sa pagkagulat.Humugot ito nang malalim na hininga bago nagpatuloy. "Nahuli na ni Daena na may affair sila at sinabi sa akin pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hanggang ako mismo ang nakahuli sa kanila kaya ako nagmumukmok ngayon dito," patuloy nito. "I'm sorry about that, Ethan," simpatya niya rito. Napakasakit siguro ritong tanggapin ang nangyari. Nagkibit – balikat ito. "Si Lance Ocampo ba ang best friend mo? 'Yong kapatid ni Fran na model?" tanong niya. "Yes. That's him." Isang magazine ang nag–feature kay Ethan at Lance tungkol sa pagkakaibigan ng mga ito noon kaya niya iyon nalaman. "Kapatid na ang turing ko kay Lance, Tammy.We shared blood. Hindi ko akalain na kaya niya akong traydurin," pagkukuwento nito habang nakahalukipkip at nakatanaw sa malayo. Kahit hindi niya tanungin alam niya ang ibig sabihin nito sa sinabi nitong "we shared blood". Ilang taon na ang nakakaraan nang magkasakit ng dengue si Ethan, nag–alala pa siya rito nang husto nang malaman niya iyon sa social media. Si Lance ang nag-donate rito ng dugo. A year later, nabaril naman si Lance nang makidnap ang isa sa mga kaibigan ng mga ito, at si Ethan naman ang nag–donate rito ng dugo. "Lance must love her kaya niya marahil nagawa 'yon sa'yo," komento niya. "Kung talagang pinahahalagahan ni Lance ang pagkakaibigan namin sasabihin niya sa akin ang totoo. Maiintindihan ko naman kung sinabi niya lang sa akin na gusto niya si Celine at nagmamahalan sila. Sa tingin ko matagal na rin niya akong niloloko," himutok pa nito. Natitigilang napatitig siya rito. Bakit parang mas nasaktan ito dahil sa pagkasira ng pagkakaibigan nito at ni Lance kumpara sa pagtataksil ni Celine? Na para bang hindi nito ganoon kamahal ang babae dahil magagawa nitong ipaubaya kaagad sa iba. Lihim siyang napangiti sa naisip. Nakaramdam din siya ng panibagong pag – asa para sa kanila gayong malaya na pala ito. "Anyway, hindi natin dapat pinag–uusapan ang mga walang kwentang tao," biglang bawi nito nang hindi na siya uli nagkomento. "Gusto kong magpakasaya kasama ka, swimming tayo?" tanong nito. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Sige." Gusto rin niyang magpakasaya kasama ito. NAPABALIKWAS ng bangon sa kama si Tamara nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa nakabukas na bintana ng silid ng log house. Tinignan niya ang oras sa kanyang cell phone. It was ten in the morning, marahil ay nakaalis na si Ethan. Nakaramdam siya ng panlulumo nang ma- realized na hindi na naman ito tumupad sa pangako nito. Hindi natuloy ang planong niyang pag–alis sa resort. Nang sabihin niya kay Ethan na aalis na siya ay kinumbinsi siya nito na manatili pa ng ilang araw at pumayag naman siya dahil gusto pa niyang makasama ito. Lumipat din siya sa tinutuluyan nitong log house at pinagamit sa kanya ang isang silid. Dalawang masasayang araw na kasama si Ethan ang mabilis na lumipas. Ginalugad nila ni Ethan ang buong isla at naglibot din sila sa mga kalapit na isla. Subalit kagabi, nakatanggap ng tawag ang binata mula sa isang staff ng show nito at sinabing kailangan nitong bumalik sa Maynila upang i–tape ang isang episode na ang panauhin ay ang isa sa pinaka–kontrobersyal na politiko sa kasalukuyan. Reluctant pa itong pumayag at iwan siya. Dalawang araw itong mawawala at nangako na babalik din kaagad pagkatapos ng trabaho nito. May usapan sila na magpapaalam muna ito sa kanya bago umalis. Subalit tinanghali na siya nang gising at hindi man lang siya ginising nito upang magpaalam. Matamlay siyang naligo at nagbihis. Naghahada na siyang lumabas para kumain nang makarinig siya ng sunod–sunod na katok sa pinto. "Room service, Ma'am," nakangiting wika ng staff ng hotel sa kanya nang mapagbuksan niya ng pinto. Napakunot siya ng noo. Wala namang room service sa log house. Ang isa sa mga katiwala ng private resort nag–aasikaso ng mga pangangailangan nila ni Ethan. "Hindi ako nagpa–room service, baka nagkakamali ka," aniya. "No, he's not," tugon ni Ethan na biglang lumitaw sa gilid ng pinto. "Ethan? Nandito ka pa?" gulat na sabi niya. "Nangako ako na magpapalam ako sa'yo bago ako umalis, 'di ba? Wala na akong pangako na hindi ko tutuparin, Tammy." Tila lumukso ang puso niya sa sinabi nito. Nagpalitan sila ng ngiti. Pinapasok niya ang staff ng hotel, hinintay muna niyang maiayos nito ang dalang pagkain sa maliit na lamesa at umalis bago niya muling hinarap si Ethan. "Thanks for the food, Ethan," aniya rito. "It's nothing. Sige na, kumain ka na." "Hindi mo ba ako sasaluhan?" "I want to but I have to go, Tammy, baka malate ako sa flight ko kapag nagtagal pa ako. Nakakaunawang tumango siya. "Anyway, wala ang katiwala ngayong umaga para mag–asikaso sa'yo kaya nagpahatid na lang ako rito ng pagkain. May mga food pa naman sa ref o puwede ka ring pumunta sa restaurant kapag nagutom ka. Ibinilin na kita sa mga staff doon." "It's okay, Ethan. I can manage. Marunong naman akong magluto. Papakialaman ko na lang ang kusina kapag nagutom uli ako." Tumango ito. "I'll call you, okay? Don't worry safe ka rito." "Thank you, Ethan." "A hug will do." Hindi ito nagdalawang salita. Mabilis siyang nagpakulong sa mga bisig nito para sa isang matagal na yakapan. Anyong kakalas na siya nang higpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. Nagtaas siya ng tingin rito, at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung sino ang unang nag–initiate, natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa mga halik nito.Their kiss was long, deep, passionate and still sweet. Reluctant pa itong bitiwan siya nang ipaalala niya ang flight nito. "I'll be back, I promise. Just be right here and wait for me please..." tila nagsusumamong sabi nito. "I will." Muli silang nagyakap at nagsalo sa isang malamim na halik bago ito tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD