bc

LOVE STORY OF THE STARS

book_age18+
340
FOLLOW
1.8K
READ
second chance
friends to lovers
goodgirl
sporty
drama
sweet
first love
like
intro-logo
Blurb

"You should see a shrink."

Sa halip na sundin ni Tamara ang advice na iyon ng kaibigang si Laura, tinanggap na lang niya ang hamon nito na harapin si Ethan Escobar, her first love that broke her heart into pieces when she was in high school, but still in her heart. She need to ask him why like her, it seem it was hard for him to move on. Nagdesisyon siyang bumalik at magtanghal sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Tamara was an international classical composer and musician.

But then she realized going back to the Philippines was a big mistake. Natuklasan niyang nagkamali siya ng inaakala niyang hindi pa rin siya nakakalimutan ni Ethan. He actually moved on, dahil may girlfriend na ito. Mukhang kailangan na nga niya ng tulong ng isang espesiyalista sa pag-iisip upang tuluyang makalimutan ang lalaki.

chap-preview
Free preview
Chapter One
OH, NO! usal ni Tamara nang bumulaga sa kanila ng kanyang team ang mga reporters at mga tagahanga pagpasok nila sa arrival area ng NAIA. Ilang reporters ang sumalubong kay Tamara na hindi kinayang kontrolin ng security nito. Sunod-sunod ang mga katanungang ibinato ng mga ito sa dalaga. Gusto sana niyang sagutin ang ilan sa mga iyon at pabulaanan ang ilang negative write ups na naisulat laban sa kanya dahil sa ilang beses niyang pagtangging magtanggal sa Pilipinas. Pero maagap na sumagot si Fiona, ang Amerikanang agent niya. Sinabi nitong sa press conference na lang magpapa-interview. Pagsakay pa lamang sa van na magdadala sa kanila sa tutuluyan nilang hotel ay sunod-sunod na ang instructions na ang ibinigay ni Fiona kay Tamara. Sinabi rin nito ang mga nakaline-up niyang pictorial, rehearsals at TV guestings sa loob ng dalawang araw bago ang kanyang konsiyerto. Kailangan din niyang magtungo sa malacañang para sa parangal na ibibigay ng presidente ng bansa. Bahagya pa ring nalulula sa inaaning tagumpay si Tamara. Sino ang mag-aakala na makalipas ang labing-dalawang taon matapos niyang umalis ng Pilipinas ay sisikat siya at kikilalanin sa buong mundo dahil sa kanyang talento sa musika? Kahit siya noon ay hindi naniniwalang magiging tanyag na composer at professional classical musician siya kaya hanggang ngayon ay tila panaginip lamang na nakapagtanghal na siya sa mga sikat na opera house sa buong mundo. She was sixteen when she left the Philippines and just graduated in high school.Her mother, Bettina Ching was a famous broadcaster and a frustrated classical musician. Gusto nitong siya ang magtuloy sa pangarap nito. Sa kagustuhan niya noong lumayo para tuluyang makalimutan ang unang lalaking kanyang minahal na nang-iwan at nanakit sa kanya nang sobra, kahit hindi pa siya handa at hindi pa qualified sa isang prestigious music academy sa Vienna, Austria ay hindi siya tumutol nang dalhin siya ng kanyang mommy roon. Dalawang linggo na siya sa Vienna nang makilala niya si Laura Hautesserres. Kilala ang Vienna sa pagkakaroon ng mga street performers ng classical music at isa si Laura sa mga street performers sa isang park na madalas niyang tinatambayan. Magaling itong tumugtog ng piano. Tatlong araw na niya itong pinapanood mula sa malayo nang sunod-sunod na masterpiece ni Franz Liszt ang tinutugtog nito. Isa si Franz Liszt sa mga paborito niyang classical musician kaya hindi niya napigilang lumapit dito. Siya ang unang pumalakpak nang matapos si Laura sa pagtugtog. Nagtaas ito ng tingin at ngumiti sa kanya. "Can you play?" Naalala niyang unang sinabi nito sa kanya. "Yes," nahihiya pang tugon niya. Pinaunlakan niya ito nang anyayahan siya nitong tumugtog kasama ito. Tumugtog sila ng iba pang masterpiece ni Liszt at sa huli ay solo siyang tumugtog. Nagtungo sila ni Laura sa isang coffee shop pagkatapos. Nanlaki ang mga mata nito nang sabihin niyang nanggaling siya sa Pilipinas. Hindi raw halata na Filipina siya dahil mestisa siya. Nagulat siya nang malamang may dugong Filipino rin si Laura. Maputi kasi ito, matangkad at kulay abo ang mga mata. Kinausap pa siya nito sa Tagalog. Filipina ang ina ni Laura at German ang ama na nakabase sa Germany. Matanda si Laura sa kanya ng dalawang taon. Tatlong linggo pa lamang ito sa Vienna at kasalukuyang nagbabakasyon sa bahay ng uncle nitong isang professional music teacher. Tulad niya dati, gusto rin ni Laura ang classical music pero hindi pa nito alam kung ano talaga ang gusto nitong gawin sa buhay at libangan lang ang pagtugtog. Nang sumunod na mga araw ay magkasama na silang tumutugtog sa park. Si Laura sa piano at siya naman sa pangalawa niyang instumentong violin. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging matalik na magkaibigan. Nakilala rin niya ang mabait na uncle ni Laura na si Uncle Marcio. Pinanood siya nito sa pagtutog ng piano at violin at sinabi nitong malaki ang potensiyal niya. Tinulungan sila nito na makapasok sa isang tanyag na music conservatory kung saan ito nagtuturo. Sa tulong din ni Uncle Marcio ay napasama sila ni Laura sa mga recitals at nakapag-perform sila sa tanyag na Vienna State Opera. Subalit hindi nagpatuloy si Laura sa pag-aaral ng classical music. Dahil doon ay bahagyang sumama ang loob niya noon sa kaibigan. Pakiramdam kasi niya ay iniwan siya nito sa ere. Subalit kaagad din iyong naglaho nang makita niyang sa wakas ay nalaman na nito ang gusto nitong gawin sa buhay. Hindi rin naman talaga siya iniwan ni Laura, nag-aral ito ng photography sa Vienna at tumira sila sa isang apartment. Lumipas ang mga taon, kasabay ng sunod-sunod na pagkapanalo ni Laura sa mga photography contest, sa tulong pa rin ni Uncle Marcio at mga kaibigan nito, ay unti-unti namang nakilala si Tamara bilang pianista.Napabilang ang sarili niyang masterpiece sa isang album kasama ng ilang tanyag na classical musician sa Vienna. Lumahok din siya sa iba't-ibang patimpalak sa Europa at nagwagi. Hindi naglaon ay nagkaroon siya ng sarili niyang album kasunod noon ang unti-unting pagsikat niya hindi lamang sa Europe kundi sa buong mundo. "Today's People?" gulat na bulalas niya nang marinig ang pangalan ng talk show kung saan siya maggi-guest sa susunod na araw. "Yes. Is there's a problem, Tamara?" kunot-noong tanong ng agent niya. "Daena insist that TV guesting," tukoy nito sa pinsan niya at isa sa nag-produce ng concert niya. Reluctant na umiling siya at sumandal sa kinauupuan. Ibinaling niya ang tingin sa bintana. Kilala niya ang nag-iisang host ng Today's People, si Ethan Escobar. Batid niyang isa itong magaling na TV host at premyadong actor. Kahit kasi nasa malayo siya ay alam pa rin niya ang nangyayari sa Pilipinas partikular na sa showbiz. Subalit hindi lang niya basta kilala si Ethan Escobar dahil sikat na sikat ito at tinitilian ng mga kababaihan at miyembro ng third s*x sa buong Pilipinas, kilalang-kilala rin niya ito sapagkat dati niya itong nobyo. Ang lalaking una niyang minahal at nanakit sa kanya ng sobra na naging dahilan kung bakit nagpasya siyang umalis noon ng bansa. At ngayon makalipas ang maraming taon, si Ethan pa rin ang dahilan kung bakit naman siya nagpasyang magbalik, ikalawang rason lang ang kanyang konsyerto. Kailangan niyang makausap ang lalaki. Marami siyang gustong itanong dito na makakatulong upang tuluyan na siyang makalaya sa nakaraan. Ang plano niya, pagdating niya sa Pilipinas ay hihilingin niya kay Daena na gumawa ng paraan upang magkausap sila ni Ethan. Batid niyang magkaibigan pa rin ang mga ito at magkasama sa trabaho. Siguradong magugulat ang pinsan niya sa hihilingin niya. Subalit hindi na pala niya kailangang gawin iyon dahil nakatakda pala talaga silang magkita ng lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Fight for my son's right

read
146.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook