Chapter Two

2186 Words
"ANO?! Sigurado ka ba, Yanna?" gulat na gulat na tanong ni Ethan sa isa sa mga staff ng show niya nang malaman kung sino ang magiging guest niya sa susunod na araw. Tulad nang nakagawian ay maagang dumating si Ethan sa studio para sa taping ng kanyang late night talk show, ang Today's People. Iyon ang unang araw sa pagbabalik niya sa trabaho matapos magbakasyon ng halos isang buwan. Ang guest niya para sa taping nila ngayon iyon ay kagabi pa niya alam dahil isang linggo nang naipadala sa kanya ang script niya. At dahil ngayon lang uli sila nagkita ng mga staff niya, ngayon lang niya nalaman ang magiging–guest niya sa susunod na araw. "Oo naman. Excited na nga kaming lahat, eh," nakangiting tugon ni Yanna. "Imagine sa lahat ng TV show dito sa Pilipinas, dito lang sa show natin magpapa– interview si Tamara. Ang galing talaga ni Daena," papuri nito sa isa sa mga producer ng show. "Ang ibig mong sabihin, kadarating pa lang ni Tamara at magko–concert pa lang siya rito?" gulat pa ring tanong ni Ethan. "Oo. 'Di ba nga nare–schedule ang concert niya dito dahil inuna muna niyang mag-concert sa Singapore. Saan ka ba nagbakasyon at hindi mo alam ang balita?" Nag-iwas siya ng tingin. "Sa tabi–tabi lang. Wala pa ba ang guest natin?" pag–iiba niya ng usapan. "Hindi ko alam. Teka, titignan ko," paalam ni Yanna at mabilis nang lumabas ng dressing room. Napabuntong-hininga si Ethan nang muling mapag–isa. Nagulat talaga siya sa nalaman na kadarating pa lang ni Tamara sa Pilipinas. Pinili pa naman niyang magbakasyon at umalis ng Maynila noong nakaraang buwan para makaiwas sa lahat ng balita tungkol sa nakatakdang pagtatangal ng dalaga sa bansa. Para kasi siyang sinisilihan at hindi mapakali kaya nagdesisyon siyang lumayo muna. Tamara was his ex-girlfriend, his first love that he hurt so badly when they were in high school. Balewala pala ang ginawa niyang paglayo dahil maggi–guest pa pala ito sa show niya. On his show Today's People, they only invited interesting and controversial individuals from all the sectors in the country or even Hollywood celebrities that aired every weekend. Noong una, marami ang nagduda sa kakayahan niyang magkaroon ng sariling talk show. He was just twenty–four back then, fresh from winning an acting awards on film and television. At ilang taon na ang nakakalipas nang maging isa siya sa mga host ng isang talent search kaya tila nakalimutan na ng mga tao ang talento niya sa pagho–host. At isa pa, makakalaban niya sa ratings ang show ng sikat na broadcaster at TV host na si Bettina Ching, ang mommy ni Tamara dahil ang show niya ang papalit sa airtime na iiwan ng kanyang Mommy Trina na isang kilala at award–winning broadcaster at TV host dahil magreretiro na ito. Napatunayan naman niya na deserving siya sa tiwalang ibinigay ng network sa kanya. At makalipas ang tatlong taon ay nanatili pa ring mataas ang ratings ng show at ayon pa sa survey ng isang TV rating company ay middle-class households ang karamihan sa viewers ng show niya. It only proved that he had sustained the target viewers of the show. Walang dudang isa si Tamara sa mga kontrobersyal at may interesting na personalidad sa kasalukuyan. Nakilala ito sa buong mundo bilang composer at classical musician. She was a country's pride. At sa wakas ay mangyayari na ang ilang taon nang pinananabikan ng lahat na pagtatanghal nito sa bansa. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang marealized na nagsisimula na naman siyang isipin si Tamara na ilang libong beses nang nangyari sa kanya magmula noong unang araw na masilayan niya ang kagandahan nito. Kinuha niya ang script para sa taping niya sa araw na iyon. Kailangan na niyang itigil ang pag–iisip kay Tamara. Bukas pa naman ang guesting nito, kailangan muna niyang ituon ang atensyon sa trabaho sa araw na iyon. Subalit hindi pa man niya nalilipat ang tingin sa hawak na papel ay biglang may kumatok sa pinto kasunod nang pagsungaw ng mukha ni Daena na matalik niyang kaibigan. "Ethan, alam mo na ba?" tanong ni Daena habang pumapasok sa dressing room. "About Tamara?" tanong niya na nahulaan kaagad ang sasabihin nito. "Ang dami namang show sa network na 'to, Daena. Bakit dito pa siya maggi–guest?" "At bakit hindi?" nakapamaywang na tanong nito. "Masuwerte nga tayo dahil tayo lang ang may exclusive interview sa kanya, eh." "You knew about our past, Daena." Napatitig ito sa kanya. Sandaling nagsukatan sila ng tingin. "Ang tagal na n'on, Ethan, 'di ba dapat siya ang hindi gustong makita ka dahil ikaw ang nanakit sa kanya. Bakit ngayon parang ikaw ang ayaw na makita siya?" nahihiwagaang tanong nito. Hindi siya nakasagot. Daena was his former classmate in high school, at naging isang barkada sila noon nina Tamara. Nawalan sila ng contact nang mag-college. Artista na siya at production assistant na ito sa network na kanilang pinagtatrabahuhan nang muli silang magkita at naging magkatrabaho sa mga nauna niyang proyekto na natapos na. Batid nito ang ginawa niyang pagtalikod kay Tamara, subalit nang muli na lang silang nagkita na lang niya nasabi ang buong detalye. Nakita naman ni Daena ang magandang ibinunga ng ginawa niya kaya marahil hindi siya hinusgahan nito at muli silang naging magkaibigan. Sabay silang napalingon ni Deana sa pinto nang biglang bumukas iyon at magkasunod na pumasok sina Celine at Tita Leny na manager niya. Nagulat siya nang makita si Celine, ang girlfriend niya. "Hello, honey," nakangiting bati ni Celine habang lumalapit kay Ethan. "Akala ko ba next week pa ang balik mo?" kunot–noong tanong ni Ethan. Mahigit isang buwan din silang hindi nagkita ni Celine dahil nagtungo ito sa New York para sa isang modeling stint, isa itong international ramp model at product endorser na nagmula sa mayaman at magandang pamilya. "Kadarating lang namin nina Lance kahapon," tukoy nito sa best friend niya na kapwa nito modelo. Hinapit niya ito sa baywang. Kinintalan ng halik sa mga labi. "Hindi ka man lang nagsabi na narito ka na," sita niya rito. "It's a surprise. Sinabihan ko talaga si Tita Leny na huwag sabihin ang pagdating ko," tugon ni Celine sabay lingon sa manager nila na nakangiting nakamasid sa kanila. "Well, you surprise me." "Hello, Daena," bati ni Celine sa nanahimik na dalaga. "Welcome back, Celine," tugon naman ni Daena. Bumitiw si Celine kay Ethan at nakipagbeso kay Daena. "Ethan, alam mo na ba? Si Tamara ang guest mo bukas," sabi ni Tita Leny. Halata ang excitement sa tinig nito. "Omg, is that for real? What time is the interview? I should be here, Ethan. I'm her fan!" excited na sabi ni Celine bago pa man siya makasagot. "Bukas ng hapon ang taping ng interview kay Tamara," tugon ni Daena. "You impress me, Daena," sabi ni Tita Leny. "Una, napapayag mong mag –concert dito si Tamara at ngayon naman may exclusive interview pa si Ethan sa kanya. Good job!" papuri pa nito. Ngumiti lang si Daena. Batid niyang nakipag–tied up si Daena sa isang malaking event management firm sa pagpo–produce ng concert ni Tamara. "Totoo ba na pinsan mo si Tamara, Daena?" interesadong tanong pa ni Tita Leny. "Yes,Tita Leny. Naging classmate pa namin siya ni Ethan noong high school." Halatang parehong nagulat sina Tita Leny at Celine subalit si Celine ang unang nakapag–react. "Talaga? Ethan, hindi mo yata nabanggit sa akin 'yan," baling ni Celine sa kanya. "Nakakalimutan ko lang," pagdadahilan niya.Bumaling siya kay Daena. "Naalala pa ba ako ni Tamara, Daena?" may pag–asam na tanong niya. "Oo naman. Alam mong hindi siya madaling makalimot," makahulugang tugon nito. Tumango siya. Miski man siya ay hindi madaling makalimot, lalo na ang tungkol sa nakaraan nila ni Tamara... EXCITED na pumasok sa loob ng volleyball gym ng kanilang eskuwelahan si Ethan. Nalaman kasi niya na naroon si Denise.Nakasunod sa kanya si Fran na kanyang kaklase at matalik na kaibigan. Denise was Fran's only sister and a former volleyball varsity player of their school. Kahit na graduate na si Denise ng high school ay madalas pa rin itong bumisita sa school nila para sumali sa mga practice game ng former teammates. Isang taon ang tanda ni Denise sa kanila ni Fran. Bata pa lang siya ay kalaro na niya ang magkapatid pati na ang iba pang kapatid ng mga ito na sina James at Lance. Matalik kasing magkaibigan ang kanilang mga magulang kaya nakabuo sila ng isang malaking barkada. Pagdating sa bleacher, hindi na siya nagulat nang makita roon si Bernard na barkada rin nila ni Fran. Madalas talagang panoorin ni Bernard si Denise sa mga laro nito. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa. Mag–best friend ang mga ito kahit na ilang taon ang tanda sa isa't – isa. "Mga bro," bati ni Bernard nang makita sila ni Fran. Tumayo si Bernard at nakipag-high five at nakipagtapikan ng likod sa kanila ni Fran. Pagkatapos ay pinagitnaan nila ito ng upo sa gitna ng second row ng bleacher. Pinili niyang manahimik at hinanap ng tingin si Denise sa kabilang panig ng court nang mag–umpisang mag–usap ang dalawa tungkol sa course ni Bernard. Bernard was a sophomore taking up Business Management at DLSU. Fran was thinking to take the same course, too. Balak kasi nitong pamahalaan ang event management firm ng mommy nito pagdating ng araw. Habang siya ay hindi pa napag–iisipan kung anong kurso ang kukunin niya kahit na graduating na sila. Maybe, he would just follow the footsteps of his dad. Papasok na lang siguro siya sa PMA o kaya ay magte–take na lang siya ng Business course o Mass Communication katulad ng course ni Denise upang mas mapalapit siya rito. Napangiti siya nang makita niya si Denise na nakaupo sa courtside kasama ng dati nitong mga ka–teammates. Kasalukuyan itong nagpupunas ng pawis. Maganda pa rin ito kahit haggard na ang hitsura nito. Kinawayan niya ito nang mapadako ang tingin nito sa gawi nila. Kumaway din ito at gumanti ng matamis na ngiti. He loved being with Denise. May secret crush siya rito kahit na may pagka- boyish ito at madalas na ma-out of place sa mga kaibigan nilang babae. Sports kasi at hindi fashion ang hilig nito kaya silang mga lalaki sa barkada nila ang madalas kasama nito. Nabaling ang atensyon niya sa mga naglalaro nang pumito ang referee. Nag –umpisa ang game. Natigil sa pag–uusap sina Bernard at Fran. Sinabi ni Bernard na tryout ng freshmen at transferees ang pinapanood nila. Parehong may standout players sa dalawang team subalit isang player ang kaagad nakakuha ng atensyon niya. "That server, red number fifteen is pretty," komento ni Bernard na kilalang mabilis ang mata sa mga magaganda. "And a good server. I'm impressed!" humahangang segunda niya na hindi inaalis ang tingin sa babaeng tinutukoy ni Bernard. "I know that girl. Ethan, classmate natin s'ya, her name is Tamara," manghang sabi ni Fran habang nakatingin pa rin sa babae. "Huh?" sambit niya, napatingin siya kay Fran. "Absent ka kasi kahapon kaya hindi mo nakilala si Tamara. Transferee s'ya. Akala ko absent s'ya ngayon. Nandito pala s'ya sa tryout," sabi pa ni Fran. Dinalaw nila noong nakaraang weekend ng kanyang mommy at ng dalawa niyang kapatid ang daddy nila sa kampo sa Laguna kung saan ito nakadestino. Masama ang panahon noon at naulanan siya kaya nilagnat siya at hindi nakapasok kahapon. Ibinalik niya ang tingin sa babae. Maganda ang napuwestuhan nila kaya kitang–kita niya ang bawat kilos at galaw nito. "She's so pretty," muli niyang komento pagkalipas ng ilang minuto. Lantaran na niyang ipinakita sa mga kaibigan ang paghanga niya sa babae. Gandang–ganda talaga siya rito. Maamo ang mukha nito na tila isang anghel, bahagyang kulot ang itim na buhok, maputi at matangkad. Sa buong durasyon ng laro ay halos hindi niya nilayuan ng tingin si Tamara. Nakalaban pa ito ng team ni Denise pagkatapos. Makalipas ang ilan pang minuto ay inanunsiyo na ang mga nakapasa sa tryout at mapapabilang sa varsity team. Masaya siya para kay Tamara dahil kasama ito sa mga nakapasa. Nilapitan sila ni Denise pagkatapos ng tryout. Tulad ng dati ay nakipag – asaran kaagad ito kay Bernard na pinuna ang mga errors nito sa laro. Bahagya lang niyang pinansin ang dalawa dahil nakasunod pa rin ang tingin niya kay Tamara. "Bro, gusto ko siyang makilala," hindi na nakatiis na sabi niya kay Fran. "Crush at first sight, huh?" amused na sabi nito. "Oo, bro," pag-amin niya. "Pakilala mo ako sa kanya. Kilala ka na naman ni Tamara, 'di ba?" "Kay Daena ka magsabi dahil pinsan niya si Tamara. Sa dami ng nagpakilala sa kanya kahapon. Sa tingin ko hindi na niya ako matatandaan." "Okay."Muli niyang ibinalik ang tingin kay Tamara. Kasalukuyan itong may inaayos sa loob ng backpack nito. Umaasam siya na mapagawi ang tingin nito sa direksyon niya subalit hinala na siya ni Fran paalis. Ayaw pa sana niyang umalis pero nagpahila na rin siya sa kaibigan. Makikilala rin naman niya si Tamara. Close sila ng Vice–President ng klase nila na si Daena, madali para sa kanya na hilingin rito na ipakilala ang babae sa kanya. Hindi na siya makapaghintay na ipakilala sila sa isa't-isa. The girl doesn't look like a snob. Maybe they could be good friends or more... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD