Chapter Three

1833 Words
"GOOD LUCK with the interview, Tammy.You'll be great," nakangiting sabi ni Daena nang mapagsolo sila sa dressing room matapos maglabasan ng mga staff at ilang fans na humingi ng autograph at nagpa-picture sa kanya. "Thanks, Daena." Nawalan sila ng contact ng kanyang pinsan nang magtungo siya sa Vienna. Daena tried to keep in touch with her for a few months but she chose to avoid her. Dahil sa kagustuhang makalimot kaagad ay pansamantala muna niyang kinalimutan ang pinsan Isa kasi si Daena sa mga taong nagpapaalala sa kanya kay Ethan. Ilang taon nang nauso ang Twitter nang makumbinsi siya ng agent niya na gumawa ng account ilang buwan pa lamang ang nakakaraan. Sa unang araw pa lamang ng account niya ay marami na kaagad siyang followers. Kalahati roon ay nagmula sa bansang kanyang pinagmulan. Isa na roon si Daena, nag-tweet ito sa kanya at nagreply naman siya. Napaiyak pa siya habang nagpapalitan sila ng mensahe sa Direct Message, later that day ay nag - video call sila sa Skype. Noon lang niya na-realized na na-miss pala niya ito nang sobra. Simula noon ay hindi na naputol ang komunikasyon nila. Nagtungo pa si Daena sa London kung saan siya nakatira at binisita siya. "Have you seen him already? Sumilip na ba siya rito?" kaswal na tanong ni Daena. Sandaling natigilan si Tamara. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. "No. Hindi pa. Pero mas mabuti siguro kung sa studio na lang kami magkikita," tipid ang ngiting tugon niya. "I'm sure pupunta 'yon dito. Baka may ginagawa pa siya sa dressing room n'ya." Tumigil ito sa pagsasalita at tinitigan siya. "Are you okay with this interview, right?" maingat na tanong nito. "It's fine, Daena." Isa sa producer ng show si Daena at mahalaga rito ang rating na makukuha ng show sa exclusive interview niya. Bukod sa gusto niyang makatulong sa pinsan, pagkakataon na rin niya iyon upang makausap si Ethan. Pero walang ideya si Daena sa agenda niya. Daena thought she had moved on from the past. Kaswal na nilang napag-usapan noon si Ethan na dati lang nilang kaklase. Kahit si Daena ang maiituturing niyang best friend noon, may mga bagay pa siyang hindi nasasabi rito tungkol sa pinagdaanan niya sa nakalipas ng labing-dalawang taon na tanging si Laura lang ang nakakaalam. Tila nakahinga nang maluwag si Daena sa narinig. "Anyway, I gotta go. I'll see you later sa studio na lang, ha?" Tumango si Tamara. They hugged before Daena left the room. Humugot siya nang malalim na hininga nang mapag-isa. Humarap sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili. This is it. Magkikita na sila ni Ethan ni Ethan sa ayaw at sa gusto niya. There was no turning back. Katulad ng araw na nabigla siyang sagutin ito... "TOTOO ba'ng nag-quit ka na sa team?" bungad na tanong ni Ethan kay Tamara nang magkita sila sa school nang umagang iyon. "Oo," maikling tungon niya at muling ibinalik ang tingin sa binabasa. Katulad noong unang araw na nakilala niya si Ethan ay hindi na naman niya magawang salubungin ang tingin nito. Nako-conscious siya sa mga titig nito na tila kaya nitong basahin ang buo niyang pagkatao sa pamamagitan ng tingin. Natatakot siya na mabasa nito sa mga mata niya ang paghangang nararamdaman niya sa taglay nitong kaguwapuhan. Transferee lang siya sa school na iyon. Nagkaroon kasi ng big break ang mommy niya sa trabaho. Naging isa ito sa news anchors ng isang evening news sa isa sa pinakamalaking network sa bansa kaya mula sa Cebu ay lumipat sila sa Maynila. Ang daddy niya ay nasa New York at doon nagtatrabaho. Nag-iisa lang siyang anak. Pinagpilitan niyang mag-enroll sa school kung saan nag-aaral si Daena kahit ayaw ng mommy niya. Pamangkin si Daena ng daddy niya na siya ring nagpapa-aral dito sa isang private school. Ulila na kasi sa ama si Daena at sakitin naman ang ina nito. Kahit bihira silang magkita ni Daena ay close sila nito. Mabait kasi ito at hindi maarte. Hindi katulad ng mga pinsan niyang intsik sa mother side na saksakan ng aarte. Tuwang-tuwa sila ni Daena nang maging magkaklase sila. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Ikatlong araw nang pagpasok niya sa school nang makilala niya si Ethan Escobar. She had a crush at first sight on him that day. Isa si Ethan sa malalapit na kaibigan ni Daena na mabilis niyang nakagaanan ng loob. Sa una pa lang ay napansin na niyang iba si Ethan sa karamihan sa mga rich kids sa school nila na mayayabang at mahilig mambully. Friendly ito, masayahin at may kadaldalan. Baby face ang mukha nito pero hindi naman mukhang totoy. Matangkad si Ethan, mestiso at mamasel na ang katawan dahil nagwe-weights na ito. Hindi na siya nagtaka nang malaman niyang isa ito sa mga pinakapopular sa school nila at crush ng bayan. "Pero bakit?" tanong pa ni Ethan bago matikas na naupo sa kanyang tabi. His father was a soldier. Marahil tinuruan ito ng daddy nito kung paano maupo nang tama. "Ayaw ni Mommy, eh." "Dahil lang ayaw ng Mommy mo, ayaw mo na rin? Ganoon na lang ba 'yon? Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang gusto mo, Tammy?" Lihim siyang napangiti nang bigkasin nito ang nickname niya na tila close na close na sila. Narinig nito minsan nang tawagin siyang "Tammy" ni Daena at nakigaya na ito. "Okay lang, Ethan. Hindi ko rin naman talaga gustong maging varsity player. Sinubukan ko lang mag-tryout, hindi ko naman inaasahan na matatanggap ako." "Eh, anong gusto mo?" "Hindi ko pa alam. Gusto ni Mommy na mag-aral ako ng classical music sa ibang bansa pagkagraduate ko ng high school. Pero hindi ako sigurado kung iyon din ang gusto ko." Narinig niyang bumuntong-hininga ito. Nilingon niya ito habang nakatingin ito sa malayo. "How about you? Anong course ang kukunin mo pagkagraduate natin ng high school?" tanong niya. "Hindi ko rin alam. Siguro papasok na lang ako sa PMA gaya ng gusto ni Daddy." "Ano?!" gulat na bulalas niya. "Gusto mong maging sundalo?" Nagkibit-balikat ito. "Siguro. Pero ayaw ni Mommy, eh. Mom wants me to take Mass Communication or a business course." Bigla itong tumingin sa kanya. Nahuli siya nitong nakatitig dito. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nag- iwas ng tingin at lakas-loob na sinalubong niya ang tingin nito. "Your mom was right. Please, huwag kang pumasok sa PMA, Ethan. Ayaw kong mapahamak ka," tila maiiyak na niyang sabi. Humawak pa siya sa braso nito. Bigla siyang nabahala sa nalamang kinokonsidera nito ang maging sundalo at hindi niya iyon naitago rito. Sandali itong natulala sa sinabi niya bago ngumiti. "Kung iyan ang gusto mo, sige, para sa'yo hindi ko na iisipin pang pumasok sa PMA. Hindi ako mawawala sa 'yo, Tammy." Hinawakan nito ang kamay niya. Laking gulat niya nang bigla nitong inilapit ang kamay niya sa bibig nito at halikan. "I love you, Tamara Fajardo," deklara nito na ikinalaki ng mga mata niya. "I got a crush on you the moment I saw you but when we finally introduced I can't help it but to fall in love with you." "Ethan..." Hindi niya malaman ang sasabihin. Gulat na gulat talaga siya sa biglang deklarasyon nito. "Please say you love me, too," patuloy nito habang hawak pa rin ang kamay niya. "Just say 'yes' or 'no', Tammy. Kung sasabihin mong 'no', hindi na kita lalapitan at aabalahin pa." Marahil natakot siya sa sinabi nito kaya bigla siyang napa - "Yes". Officially ay naging sila ng araw na iyon. "KUYA ETHAN, puwede bang mamaya ko na lang iligpit ang mga gamit mo? Pumipirma na raw kasi ng autograph sa kabilang dressing room si Miss Tamara, eh. Magpapapirma muna ako, ha?" sabi ni Tonnet na PA niya habang hawak nito ang cell phone nito. Marahil ang kaibigan nito na staff ng show ang nagbalita rito. "Okay, sige. Hindi ko alam na fan ka rin niya," nakakaunawang sabi ni Ethan. "Oo, Kuya Ethan, ang ganda-ganda kasi ni Miss Tamara at ang galing-galing pa," tugon ni Tonnet at nagmamadali nang lumabas ng dressing room. Napailing na lang si Ethan nang mawala sa paningin niya si Tonnet. Lahat ay excited sa guesting ni Tamara sa show niya kabilang na siya. Sandali lang siyang naging iretable nang malamang makakaharap niya ang dalaga. Nanaig sa kanya ang pagkasabik na makita itong muli sa malapitan. Excited pero mas lamang ang nerbiyos. Batid niyang puno ng galit ang dibdib nito para sa kanya bago ito umalis noon sa bansa. Handa na kaya itong muli siyang makita makalipas ng maraming taon? Napatawad na kaya siya nito? Alam kaya nito na siya ang mag-i-interview rito? Hindi niya iyon naitanong kay Daena pero siguro naman alam ni Tamara na TV host na siya at sa show niya ito magi-guest. At hindi naman siguro ito papayag na magpa-interview sa show niya kung galit pa rin ito sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag sa naisip. Gayunman, nakaramdam siya ng kalungkutan dahil malinaw na nakapag-move on na talaga ito. Muling inabala ni Ethan ang sarili sa pagbabasa ng script at pagre-review sa mga itatanong niya kay Tamara. All those questions were about the concert, her music journey and her future plans, nothing about her personal life or her love life as the request of Tamara's agent. Kung sabagay hindi naman lihim sa publiko na engaged na ito sa isang American bestselling sci-fi writer. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib nang maalalang hindi man lang hinintay ni Tamara na tuparin niya ang ipinangako niya rito dahil ilang beses na itong nakipagrelasyon sa iba. Samantalang siya ay kailan lang sumubok na makipagrelasyon matapos nilang maghiwalay. May mga pagkakataon na napapaisip siya kung ano kayang posibleng kinahantungan ng relasyon nila ni Tamara kung hindi niya ito tinalikuran. Nakaka-survived kaya sila sa married life kahit na mga bata pa sila at walang pera? May mga pagkakataon din na nagsisisi siya sa ginawang pagtalikod dito. Dapat ay hindi siya basta sumuko. May mga kaibigan naman siya na makakatulong sa kanya para magkaroon siya ng trabaho. Siguradong mahihirapan siya pero sigurado namang makakayanan niya ang lahat hangga't kasama niya si Tamara. Pero kapag naiisip niya ang mga achievements ni Tamara, mabilis din niyang nakukumbinsi ang sarili na tama lang ang ginawa niya. Naputol sa ag-iisip si Ethan nang biglang may kumatok sa pinto kasunod ng pagsungaw ng mukha ni Yanna. "Ethan, nasa kabilang dressing room na si Tamara. Pinuntahan mo na ba siya?" tanong nito. Alam ni Yanna na wine-welcome muna niya at pinupuntahan sa dressing room ang mga nagiging bisita ng show niya bago sila sumalang sa camera. "I'll go to her dressing room in a while," tugon niya. "Okay." Iyon lang at umalis ang babae. Nang muling mapag-isa ay muli niyang ibinaling ang tingin sa hawak na script. Siguradong marami pang tao sa dressing room ni Tamara kaya magpapalipas muna siya ng ilang minuto bago ito puntahan. Subalit ilang sandali lang ang lumipas, nang hindi na niya makayanan ang nararamdamang antipasyon ay tumayo na siya. Naglakad palabas ng dressing room at tinungo ang dressing room ni Tamara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD