Chapter Four

1579 Words
ANG AKALA noon ni Tamara sa pagpunta niya sa Vienna ay madali niyang makakalimutan si Ethan. At ang sugat na iniwan nito sa puso niya ay kaagad ding maghihilom, subalit nagkamali siya. Dahil sa kabila ng galit sa dibdib niya para rito ay nanatili ang mga alaala nito sa puso niya. Nagkubli lamang sa matagal na panahon. Na–realized niya iyon nang sa ikalawang pagkakataon ay nauwi sa wala ang pakikipagrelasyon niya. Nasa kanya ang problema, sa tuwina kasi ay hinahanap niya sa mga nakarelasyon niya ang mga katangian ng lalaking una niyang minahal kaya hindi niya nagawang ibigin ng lubusan ang mga ito. Ilang buwan pa lang siya sa Vienna nang aksidente niyang mapanood sa internet ang isang sumisikat na TV commercial na nagmula sa Pilipinas. Gulat na gulat siya nang makitang si Ethan ang lead cast sa TV commercial ng toothpaste na iyon. Namalayan na lamang niya na umiiyak na siya. Kahit na galit na galit siya rito ay nangibabaw pa rin sa kanya ang pangungulila rito. Nasundan pa ang commercial  ni Ethan at hindi nagtagal ay nag-artista na rin ito. Noong sila pa, hindi nito nasabi sa kanya na gusto nitong mag–artista kaya nagulat siya nang pasukin nito ang show business. Hindi niya alam na may talento rin pala ang dating nobyo sa pag–arte. Ang alam lang niya ay magaling itong mag–host. Namalayan na lang niya na sinusundan na niya ang career ni Ethan. Kahit na nasa malayo siya, lahat ng mga proyekto nito ay pinanood niya. Kasabay ng tagumpay na tinamo niya sa ibang bansa ang tagumpay nito sa Pilipinas. Humakot ng parangal ang mga proyektong ginawa nito sa telebisyon at pelikula. Sinaktan man siya nito, masaya pa rin siya sa tinamo nitong tagumpay. “You should see a shrink,” suhestiyon ni Laura nang maabutan siya nitong pinapanood ang isang episode ng Today’s People ilang buwan na ang nakararaan. Nahihiyang isinara niya ang kanyang laptop. “I’m serious, Tam,” naaawa nang sabi nito sa kanya. “Hindi pa ako baliw, Laura!” naiinis na tugon niya. “Malapit na kung hindi mo ititigil ang ginagawa mong pagsubaybay sa Ethan Escobar na ‘yan!” inis na ring sabi nito. Batid niyang concern lang si Laura sa kanya kaya ganoon ito magsalita. Ito ang naging sandigan niya magmula nang lisanin niya ang Pilipinas at biguin ng mga mahal niya sa buhay. “I can’t stop doing it, okay? Masaya ako sa ginagawa ko,” katwiran niya. “Kung ganoon bakit hindi mo pa siya harapin? Ask him the question you wanted to ask for a long time?” Laura challenged her. Sa isang interview ni Ethan noon sa isang magazine. May sinagot itong isang tanong: Have you ever been in love? “Yes. During high school. I fell in love with a girl but we parted ways. Despite the distance, I would forever love her. Isang araw, hahanapin ko siya at tutuparin ang ipinangako ko sa kanya,” tugon nito na hinding–hindi nawala sa isipan niya.   Sigurado siya na siya ang tinutukoy ni Ethan sa interview. Sinabi rin nito sa kanya ang mga katagang iyon noong huli silang mag-usap. Ayon din sa pagkakaalam niya, walang napabalitang nakarelasyon ang binata dahilan para  pagdudahan ang seksuwalidad nito ng ilang intrigerong reporters. Natawa na lang siya sa intrigang iyon. Bilang ex–girlfriend nito at nakasama niya ng dalawang linggo sa isang romantikong lugar noong magtanan sila, batid niya na lalaking–lalaki si Ethan. Naisip niya na may plano itong tuparin ang ipinangako sa kanya noong huli silang mag–usap kaya marahil hindi ito pumapasok sa isang relasyon. Sa paglipas ng mga taon, ang galit na nararamdaman niya kay Ethan ay napalitan ng pagkasabik na makita itong muli. Pinanghawakan na niya ang pangako nito. Umasa siya na bigla na lang itong magpapakita sa kanya at hihingi ng tawad. Subalit lumipas na ang maraming taon. Hindi pa rin nagpakita o nagparamdam man lang si Ethan sa kanya. Sigurado namang alam nito kung nasaan siya. Hanggang sa dumating sa puntong napagod na siyang maghintay. Dahil sa udyok ni Laura, sinubukan niyang makipagrelasyon sa iba na nauwi nga sa wala. She was still in love with Ethan Escobar. At nakakulong pa rin siya sa mga alaala nito. Pero hindi niya gagawin ang suhestiyon ni Laura, hindi niya kailangan ng espesyalista sa pag-iisip para makalimot. Sa halip ay tinanggap niya ang hamon nito. May mga pagkakataon na tila gusto niyang umurong sa desisyon niya kapag naiisip niya ang posibilidad na nagkamali lang siya ng akala na hindi pa nakakapag-move on si Ethan. Subalit sa bandang huli ay pinanindigan niya ang desisyon niya. Panahon na siguro para bumalik siya sa Pilipinas at harapin si Ethan.  Nagdesisyon siyang umuwi at magtanghal sa Pilipinas na tiyempo namang hiniling ni Daena sa kanya. Ito at ang mga kaibigan nito ang pinagbigyan niyang mag-produce ng concert niya sa halip na ang mga concert producers na nauna nang nag-alok sa kanyang magtanghal sa Pilipinas.  Napalingon sa pinto ng dressing room si Tamara nang biglang magkasunod na pumasok ang kanyang agent at ang kanyang PA. May babaeng kasama ang mga ito na sa tantiya niya ay nasa mid–forties ang edad at pusturang–pustura. “Tamara, this is Leny, the manager of the host,” pakilala ng agent niya sa kasama ng mga ito. “Hi,Tamara! Welcome back to the Philippines,” tila na-starstruck na sabi ng babae sa kanya. Napangiti siya. “Thanks, Leny. Oh, awkward, puwede ba kitang tawaging Leny o …” nag–alangan siya bigla na tawagin ito sa pangalan lang nito. Nasa Pilipinas na siya at dala pa rin ang kaugalian na paggalang sa mas nakakatanda. “Tita Leny,” pagtatama nito. “Nice to meet you, Tita Leny.” Hinalikan niya sa pisngi at niyakap ang babae. “Papunta na rito si Ethan, Tamara. Nauna lang ako sandali dahil may kausap pa siya,” imporma ni Tita Leny. Tumango siya at tipid na ngumiti. “We’ve met the host, Tamara. And he is damn hot and good-looking!” tila kinikiling na sabi ng agent niya. “Okay,” nasabi na lang niya. Sa paglipas ng mga taon ay lalo pang gumuwapo si Ethan. Alam niya iyon dahil sa parang timang niyang pagsunod sa career nito. Nang kausapin ni Fiona si Tita Leny ay muli siyang humarap sa salamin. Naramdaman niya ang unti–unting pagsalakay ng kaba at excitement sa kanyang dibdib habang papalapit nang papalapit ang muli nilang pagkikita ni Ethan. Pasimple niyang inayos ang nakalugay niyang buhok. Gusto niyang magmukhang magandang–maganda sa paningin ng binata. “Is Ethan has a girlfriend?” narinig niyang tanong ng agent niya kay Tita Leny. “Yes. He is committed to an international model who also my talent,” may pagmamalaking tugon ni Tita Leny. Bigla siyang nanigas sa narinig. Napamaang pa ang mga labi niya sa pagkagulat. Kasunod noon ang pagsalakay ng galit na nakatago sa kaibuturan ng kanyang dibdib. It had been years since he broke up with her. But still, nasa isip at puso pa rin niya ang pangako nito noong huli niya itong makausap sa telepono. “I’ll never stop loving you, Tammy. I will never ever forget you. Kapag puwede na, kapag kaya ko na, babalikan kita. Hahanapin kita. I love you so much.” “I see. With his looks it’s impossible that he doesn’t have one or more,” tugon ng agent niya. Sinungaling! sigaw niya sa isip. Kinurap–kurap niya ang kanyang mga mata upang hindi mapaiyak. Ngunit apektado na ang buong sistema niya. Nagbalik sa kanya ang naramdaman niyang sakit noong araw na talikuran siya nito. Muli, gusto niyang tumakas at iwanan ang lahat katulad ng ginawa niya noon. Nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Kasunod noon ang pagpasok ng lalaking kinamumuhian niya. Nakita niya ang imahe nito sa salamin. “The host is here, Tamara,” imporma ng agent niya kahit batid naman nito na nakita niya ang pagpasok ni Ethan. Dahan–dahan siyang humarap dito.  “It’s nice to see you again, Tammy,” nakangiting sabi ni Ethan. He really looked so happy to see her.  Maganda pa rin ang ngiti nito na una niyang napansin dito nang magkakilala sila. Subalit hindi kayang burahin ng maganda nitong ngiti ang galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay niloko at pinaasa lang siya nito. Tila wala sa sariling tinawid niya ang ilang hakbang na distansiya nila sa isa’t – isa, tumaas ang kanang kamay niya at dumapo sa makinis na pisngi nito. Shocked ang lahat sa ginawa niya. Miski siya ay sandaling nagulat sa nagawa. Nakita niyang kaagad na namula ang pisngi nito subalit wala siyang naramdamang pagsisisi. He deserved it. Dapat nga noon pa niya iyon ginawa. Hindi niya nagawang saktan ito noon sa pisikal na paraan bago siya umalis ng bansa dahil hindi na talaga ito nagpakita sa kanya. Ni hindi nga ito um–attend ng graduation nila. Bago pa makabawi ang lahat sa pagkabigla, kinuha niya ang bag niya at walang paalam na lumabas ng silid. She heard his voice and her agent calling her. Hindi niya pinansin ang mga ito at tuloy–tuloy na lumabas ng dressing room. Nagtilian ang mga tao sa hallway sa biglang paglabas niya. Hindi rin niya pinansin ang mga ito. Muli niyang narinig ang boses ni Ethan. Sinusundan siya nito. He grabbed her arm when he caught her. “Tammy, I’m so sorry. Patawarin mo ako sa nagawa ko,” sabi nito sa tinig na nagsusumamo. “I can’t forgive you, Ethan. I can’t.” Tinangka niyang kumawala rito subalit nanatiling hawak nito ang kaliwang braso niya. “Tammy, please…” sabi pa nito. Muli niya itong sinampal upang makawala siya rito. Nang muli itong magulat sa ginawa niya ay sinamantala niya ang pagkakataon at itinulak ito palayo. At walang lingon–lingon na ipinagpatuloy niya ang pagtakbo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD