-=Annalise Marie’s Point of View=- Maaga akong nagising ng umagang iyon, at agad naman lumipad ang tingin ko sa drawing na nakapin sa ibabaw ng study table ni Carmela. Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi kong ng makita ko iyon, nasisinagan iyon ng araw kaya naman parang biglang nagkabuhay ang drawing ko na iyon. Sandali akong tumingin sa orasan sa itaas at saka ko lang nalaman na wala pa palang five ng umaga, pero imbes na bumalik sa pagtulog ay minabuti ko nang bumangon para magluto ng almusal namin ng umagang iyon. Maingat akong bumangon sa kama at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kusina, sandali muna akong uminom ng tubig ang tapos noon ay nagsimula na akong magluto. Naisipan ko namang magluto na lang ng pancakes, naalala ko kasing nabanggit ni Tita Carmen at ni Tito Arnla

