-=Annalise Marie’s Point of View=- Kung puwede ko lang hilahin ang mga oras at mga araw para lang dumating na ang pinakahihintay kong araw at iyon ay ang araw ng Sabado. Ito ang una at marahil ay huling pagkakatao na makita ko ang iniidolo kong si Treyton Ocampo. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na magkakatotoo na ang pinapangarap kong makita ito ng personal at bonus pa dahil makakadate ko pa ito. Buong akala ko ay hindi na mangyayari iyon matapos kong malaman na may iba palang nanalo, actually natanggap ko na nga iyon, pero ng dahil sa isang tawag mula sa staff sa TV show ay muli akong nabuhayan ng loob. "Ano ba naman yan Annalise, para kang timang na hindi mawawala ang ngiti mo sa mga labi mo, nakakain ka ba ng unlimited candy?' narinig kong biro ni Carmela sa akin.

