CHAPTER 6: Pretend

2069 Words
-=Treyton's Point of View=- "Treyton kausapin mo nga ito, ayaw maniwala eh." narinig kong pakiusap ni Ate Elena, isa sa mga staff sa pinag-guestingan kong programa sa TV. Hindi na nito hinintay ang sagot at basta na lang itong lumapit sa akin, at inabot ang cellphone na hawak nito. "Hi! This is Treyton Ocampo. Congratulations for winning, someone from our staff will give you a call on Friday para maasikaso ang lahat ng preparations, can't wait to meet you in person." ang nakangiting sinabi ko sa kabilang linya, at matapos kong sabihin iyon ay agad ko ding binalik ang cellphone kay Ate Elena. Narinig kong sandali pang kinausap ni Ate Elena ang bagong winner sa pacontest ng isa sa mga endorsement ko para sa isang lucky fan, nalaman kasi na ang naunang nanalo ay nandaya para lang manalo at nang malaman nga ng management iyon ay agad nila itong dinisqualify. "Maraming salamat talaga sa tulong kanina Treyton, ayaw kasi talagang maniwala noong bagong contestandm understandable naman kasi kakaannounce lang natin ng winner sa TV." natatawa nitong sinabi sa akin. "Wala iyon Ate Elena." nakangiting sagot ko naman dito, katulad ng ibang babaeng nakakakita sa akin ay kapansin pansin ang pagpipigil nitong kiligin habang kaharap ako. Sandali pa ako nitong kinausap patungkol sa mga detalye sa contest at matapos nga noon ay agad na din itong nagpaalam at umalis. Matapos ang guesting ko sa show na iyon ay agad na akong lumabas at dumiretso sa naghihintay kong van sa labas, mabuti na lang talaga at wala na akong appointment para sa araw na iton, kaya naman agad akong makakauwi ng maaga para makapagpahinga. "Treyton!" "Mahal na mahal kita Treyton!" "Please marry me!" "Anakan mo ako!" Napapailing na lang ako sa mga sigawan sa paligid mula sa mga naghihintay kong fans na marahil ay kanina pa naghihintay sa labas ng studio. Kinakailangan ko pa ng escorts para pigilan ang mga hindi magkamayaw na mga fans ko, mul sa studio hanggang sa tuluyan na akong makarating kung saan naroon ang naghihintay kong van. "Thank you everyone for your support." nakangiti kong sigaw sa kanila, habang patuloy sa pagkaway, mas lalo silang nagkagulo ng dahil sa sinabi at ginawa kong iyon. Ilang segundo din ako sa patuloy na pagkaway sa mga tagahanga, bago ako tuluyang pumasok sa van, at nang tuluyang sumarado ang pinto ng van ay tuluyan nang nawala ang ngiti sa mga labi ko, agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa pagka-iritang nararamdaman ko. Ang hirap talagang magpanggat na masaya, kahit na nga ba kanina pa ako naiinis ng dahil sa mga nangyari kanina, idagdag pa ang mga fans ko na naging dahilan para hindi agad ako makapasok sa van. "s**t! I really hate it!" inis na inis kong naibulalas ng maging kumportable na ako sa pagkakaupo sa loob ng van. Well, kahit naman naiinis ako ay wala akong magawa dahil alam kong ito ang price na kailangan kong pagbayaran sa pagiging sikat na artista sa bansa, specially sa Pilipinas kung saan halos sinasamba ng nakakaraming mga fans ang kanilang iniidolo. I hate the fans most of the time lalo na pakiramdam nila ay malaking na utang na loob naming mga artista ang pagsuporta nila sa amin, I hate the paparazzi na parang langaw na laging naghahanap ng madadapuan nitong mga gossips...at madami pang iba. Minsan nga kahit may talent ka basta hindi ka gusto ng tao ay wala pa ding mangyayari sayo, dumating na sa point na kailangan mo ng maraming fans, para maging successful sa ganitong industriya, at dahil dito ay pakiramdam ko talaga ay parang mga fans na ang nagpapalakad sa mga kailangan naming gawin. I really hate it, pero ang pinakakinaiisan ko ay ang wala akong magawa kung hindi ipakitang ok lang ako na masaya ako sa mga ginagawa ko. This is what you need to experience if you're an A-lister actor in the Philippines, kaya naman kahit pikon na pikon na ako most of the time ay kailangan kong magpakaplastic sa kanila. Kahit nakasakay na ako sa van ko ay patuloy pa din na hindi magkamayaw ang mga fans ko na nasa labas, nakita ko tuloy na nahihirapan si Angie na makapasok sa van. Inabot pa ito ng tatlong minuto bago ito, tuluyang nakapasok sa loob. "Are you ready?" narinig kong tanong ng ni Angie ng sa wakas ay makaupo na ito sa loob, mahigit limang taon ko nang road manager si Angie, sa loob ng limang taon na iyon ay alam na nito at kilala na nito ang totoo kong pagkataon, ngunit kahit ganoon ay hindi pa din ito nagreresign sa trabaho, kahit makailang beses na din naeexperience at nasasaksihan ang mga outburst ko. "Yes, can't wait to go home." frustrated kong sinabi dito. "Hang in there Treyton matatapos din ang contest na ito." sinabi nito na para bang pinapalakas nito ang loob ko, imbes na kumalma ang nararamdaman ko ay parang naging kabaligtaran pa ang nangyari ng marinig ko ang sinabi nito. "Hang in there? I'm sick and tired sa pagsunod sa mga gusto nilang ipagawa sa akin! Bakit ba kasi kailangan ko pang sumunod sa kalakohang pacontest sa TV na yan?!" muli ay naiinis kong tanong dito. Mabuti na lang talaga at sanay na si Angie sa ganito, kaya naman hindi na nito pinpersonal ang biglaang outburst ko gaya ngayon. "Wala tayong magagawa, ito kasi ang utos ng kumparang iniendorse mo. Gusto nilang makipagdate ka sa isa sa mga fans mo para sa premyo sa contest na iyon at wala tayong magagawa dahil pumirma ka sa kontrata." mahinahon nitong paliwanag sa akin. "That's bullcrap! Ang pinirmahan ko ay magmomodelo at iiendorse ko ang mga damit nila, wala akong natatandaan na may pinirmahan akong kontrata na makikisali sa ganitong kalokohang naisip nila." galit na galit ko pa ding sinabi dito. Alam kong nagiging unreasonable na ako, pero hindi ko kasi mapigilan ang patuloy na magreklamo lalo na at ganito ang nararamdaman ko, idagdag pa na bahagyang lumalapit na ang popularity ng sinasabi nilang karival kong actor na si Gerald Barra. "Part ng contract na pinirmahan mo ay kailangan mong sumunod sa promotion ng kumpanya ang this contest is consider as a promotion as well, kaya naman wala na tayong magagawa, and besides isang date lang naman ang kailangan mong puntahan at after noon matatapos na ang obligasyon mo." patuloy nitong paliwanag sa akin. "Isa pa yang bagong winner na yan, kung ayaw maniwala eh di sana kumuha na lang sila ng ibang winner. Bakit kailangan ko pang kumbinsihin ang kung sino mang poncio pilatong babaeng yan?" pagpapatuloy ko pa din, at nagpatuloy ang pagrarant kong iyon habang tumatakbo na ang sasakyan ko, bilang nasanay na si Angie ay minabuti na lang nitong ituon ang atensyon nito sa hawak nitong cellphone para tignan ang magiging schedule ko para bukas, inabot din siguro ng halos isang oras ang biyahe naming iyon hanggang sa makarating na ako sa nabili kong condominium unit. Isa iyong high end condo na nasa Bonifacio Global City sa Taguig, sobrang pribado at malayo mula sa maiingay na fans at paparazzi ang lugar na iyon, kaya naman iyon ang napili kong tirhan. Nabili ko ang condo unit kong iyon mula sa limang taong pagtatrabaho ko bilang isang artista at masasabi ko namang worth it ang ginastos ko mula doon, dahil talagang mahigpit ang seguridad nila at wala pa akong naeexperience na may nakasunod sa akin na paparazzi kapag nandito ako, puwede lang silang makapasok unless kung papapayagan ko sila na malabong mangyari, dahil para sa akin ay off limit na kapag nandito na ako sa lugar na ito. "s**t!" ang hindi ko napigilang maibulalas ng makita kong may mangilan ngilang paparazzi na naghihintay sa labas ng gate ng condiminium building, hindi nga sila maaring pumasok sa gate, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi din sila puwedeng maghintay sa labas. Bigla na naman ang pagbangon ng inis sa dibdib ko, buong akala ko pa naman kasi ay makakapasok ako ng walang aberya, ngunit mukhang nagkakamali ako. Well... this is the price of being a famous celebrity in the Philippines at dapat talaga masanay na ako ay may susunod sunod sa aking reporters kahit saan man ako magpunta. "Smiley face mode on!" sa loob loob ko, ilang sandali lang ay pinatigil ko ang van sa mismong tapat ng mga naghihintay na mga paparazzi, at parang awtomatiko namang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko habang hinihintay na makalapit ang apat na reports na ito sa van. "Salamat Treyton, puwede ka ba naming mainterview?' excited na tanong ng isa sa mga ito. "Of course, no problem." nakangiti ko pa ding sagot dito, kahit na nga ba kanina ko pa gustong sigawan ang mga ito na tigilan na ako, pero siyempre hindi ko iyon ginawa. Ang pagkakaalam kasi ng lahat ng tao ay isa akong pasensyoso, mabait at walang kaere ereng artista, na handang magbigay ng time sa mga fans nito at sa mga paparazzi na gusto akong interviewhin, bilang na bilang lang sa kamay ko ang nakakakilala sa totoong ako at isa na nga doon si Angie . Speaking of Angie ay hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng mga mata nito, na para bang alam na alam nito ang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Sa narinig ay mas lalong naexcite ang apat, kaya naman sunod sunod na tanong ang binato nila sa akin, pilit ko namang sinagot ang mga iyon, at pinilit ko ding pakalmahin ang inis na nararamdaman ko. Sa sobrang tagal ko na sa industriya ay madali na din sa akin ang magpanggap, pero kung malalaman lang nila ang totoo ay siguradong masisira ang career na pinaghirapan kong buuin ng limang taon, at wala akong balak na isuko ang kasikatan kong ito, kaya naman kaht nahihirapan ay kalmado kong sinagot ang mga tanong nila sa akin. Inabot din siguro ng mahigit thirty minutes ang mga pagtatanong nila, bago sila masatisfy sa hold up interview na ginawa niya. Sobrang pagpipigil pa din ang ginawa ko para lang hindi makapagsalita ng masama sa kanila, dahil sa patuloy nilang pagpapasalamat sa akin, at matapos ang lima pang minuto ay sa wakas ay naglakad na ang apat palayo sa van. Agad naman akong bumalik sa loob, mahirap na at baka magbago pa ang isip nila at baka may maalala pa silang ibang itatanong sa akin. "Let's go." utos ko sa driver ko at agad naman itong tumalima at ilang sandali lang ay nagpatuloy na ito sa pagmamaneho, hangg sa makapasok na kami sa gate, sandali muna iton nagpakita ng I.D. bago kami tuluyang makapasok. Nang nasa entrance na kami ng building ay sandali pa akong kinausap ni Angie, tungkol sa schedule ko para bukas, tahimik lang akong nakinig dito, pakiramdam ko kasi ay napagod na ako mula  sa ginawa kong pagpapanggap. Matapos nga noon ay agad na akong bumaba ng van at agad ng dumiretso sa elevator, mabuti na lang at walang masyadong tao, kaya naman malaya at payapa akong nakarating sa unit ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ko ay agad akong dumiretso sa kusina at kumuha doon ng bote ng tubig, hindi na ako gumamit ng baso at diretsong uminom sa boteng iyon, halos maubos ko ang laman noon kaya naman tinapos ko na lang iyon sa basurahan. Nakakapagod din talaga ang magpanggap, pero kahit ganoon ay hinding hindi ko isusuko ang kasikatan kong ito. You can call me a hypocrite for all I care, pero kahit kasi galit na galit ako sa maraming bagay na kaakibat ng pagiging isang sikat na artista ay hindi pa din non maalis ang kasiyahan na nararamdaman mo, knowing damn well that a lot of people adores and admires me. Women wants to be with me while men wants to be me, what else can I ask for? Kaya nga kahit nakakapagod ay patuloy ko pa din itong ginagawa at wala akong balak na tumigil, kung gaano katagal ay hindi ko pa masasagot.  And if being faked and plastic is the price that I have to pay, then I am willing to pay that price, kahit na kaninong tao ay magpapanggap ako na isang mabait at maginoong lalaki, kahit na nga ba sa babaeng makakadate ko nitong susunod na Sabado. "Annalise Marie... what a stupid name." punong puno ng sarcasm na sinabi ko, hindi ko na kailangan magpanggap dahil mag-isa lang naman ako dito at walang makakita sa totoo kong ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD