CHAPTER 5: That Should Be Me!

2471 Words
-=Annalise Marie’s Point of View=- "Talaga bang ok ka lang talaga Annalise?' makailang ulit na siguro akong tinanong ni Carmela simula pa lang ng magising kami kanina. Actually, nang matapos ang program na iyon ay bumalik lang ako sa kuwarto namin ni Carmela, hinayaan na lang ako nito na mag-isa na labis kong pinagpapasalamat dito. Oo, nalulungkot ako na hindi ako ang nanalo, pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makita ang iniidolo kong si Treyton Ocampo. Kahapon naman linggo ay pinilit ako nitong mamasyal na para bang brokenhearted ako dahil sa pakikipaghiwalay sa isang nobyo, at nang magising nga kami kaninang umaga ay patuloy ito sa pagtanong kung ok lang ba ako. "Ano ka ba Carmela, ilang beses ko nang sinabi sayo na ok nga lang ako." naiiling kong sinabi dito, sobra ko talagang naappriciate na naging kaibigan ko ang isang tulad ni Carmela. Kahit na-aalangan pa din ay tumango na lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad, sa totoo ko ay malayong malayo pa din sa nararamdaman ko ang sinabi ko dito ng mga oras na iyon. Oo nga at mahigit isang araw na din ang lumipas simula ng madisappoint ako na hindi ako ang nanalo sa contest sa TV at hindi ko makakadate si Treyton Ocampo, pero hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang ang labis na kalungkutan sa puso ko ng dahil doon. Kasi naman umasa talaga ako na manalo sa contest na iyo at umasa ako na wakas ay makikita at makakasama ko na si Treyton, pero parang bulang naglaho naman ang pag-asa kong iyon. Pinilit kong ipakita at iparamdam sa kanila na ok lang ako kahit na nga ba hindi, ayoko lang kasing masyadong mag-alala ang pamilya ni Carmela kapag nalaman nila ang totoo, kaya naman kahit mahirap at pinilit kong magpanggap na ok lang ako. Hanggang sa makarating kami sa unang klase namin ay nararamdaman ko ang pagtingin tingin sa akin ni Carmela na para bang inaasahan nito na bigla na lang akong iiyak, alam ko naman kasi na may pagdududa pa din si Carmela kahit na nga ba patuloy kong sinasabi dito na ok lang ako. Pinilit ko naman ituon ang buong atensyon ko sa mga klase namin ng araw na iyon, kahit paano naman ay bahagya kong nakakalimutan ang nangyari, kaya naman umasa ako na mapapanindigan ko ang sinabi ko kay Carmela na ok lang ako na hindi na ako apektado sa resulta ng contest. "Yes, ok lang nga ako." wala pa man sinasabi si Carmela ay agad ko na itong inunahan ng lumapit ito sa akin matapos ang klase namin bago ang lunch break. Napabuga na lang ito ng hangin at matapos nga noon ay agad na ako nitong inaya sa school cafeteria para kumain. Madami dami na din ang nasa loob ng cafeteria, kaya naman napagkasunduan namin ni Carmela na ako a lang ang bibili ng pagkain namin, habang ito ang magbabantay sa nakita naming bakanteng mesa. Matapos nitong sabihin ang gusto nitong kainin ay agad na akong pumila para makaorder, inabot din siguro ng mga limang minuto bago ang turn ko sa pag-oorder. Inuna ko na muna ang order ni Carmela bago ako nag-order, matapos nga noon ay nag-order ako ng isang order ng pakbet at isang rice, nag order na din ako ng dalawang baso ng gulaman para sa amin ni Carmela. Nang matapos magbayad ay agad na akong bumalik sa puwesto namin ni Carmela, napangiwi naman ito ng makitang gulat ng ulam na inorder ko. "Bakit? Masarap kaya ang pakbet, masunstansiya pa." natatawa kong sinabi dito ng makita ko ang disgusto sa mukha nito. Hindi kasi ito mahilig kumain ng gulay na talaga namang pinagtataka ko dahil sobra ko kayang paborito ang ganitong ulam. Agad naman kaming nagsimulang kumain, nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapansin kong nilipat ng tindera sa cafeteria ang channel sa TV at kung mamalasin ka nga naman ay saktong TV program pa iyon kung saan ginanap ang naturang contest. Agad naman napatingin sa akin si Carmela ng mapansin din nito ang palabas sa TV, pinilit ko naman umarteng parang balewala sa akin ang palabas sa TV. Natigilan naman ako ng marinig ko ng tawagin ang winner sa contest, agad kong naramdaman ang pamamasa ng ilalim ng mga mata ko, kaya naman bago pa man ako mapaiyak ay agad na akong nagpaalam kay Carmela, ni hindi ko na nga hinintay ang sagot nito at dali dali kong dinampot ang mga gamit ko at nagmamadaling lumabas sa cafeteria. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Carmela at nagpatuloy na lang ako sa mabilis kong paglalakad. Dali dali akong naglakad at dumiretso sa pinakamalapit na CR, sakto naman at walang tao sa loob, kaya naman agad akong pumasok sa unang cubicle at matapos iyong ilock ay malayang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko. Siguro sa iba sobrang babaw ng dahilan ng pag-iyak ko, pero para sa akin ay big deal ang bagay na iyon. Nalulungkot kasi ako dahil pakiramdam ko ay para dapat sa akin talaga ang price sa contest, sobrang tagal ko nang pinangarap na makita si Treyton, pero hindi iyon nagkatotoo, ni hindi ko nga sigurado kung magkakaroon pa ba talaga ng chance na makita ito. Habang nasa loob ng cubicle ay pinilit kong nilabas ang lahat ng sama ng loob ko ng pilit kong kinimkim sa dibdib ko, katulad nga ng sinabi ko ay ayoko nang mapag-alala ko si Carmela at ang mga magulang nito. Hindi ko na sigurado kung gaano ako katagal sa cubicle na iyon hanggang sa tuluyan na akong nahimasmasan. "Ok ka na ba talaga Annalise, as in ok na ba talaga? And please... stop saying na ok ka lang kahit na nga ba hindi naman." laking gulat ko naman ng marinig ko ang boses ni Carmela sa labas ng cubicle. Hindi ko alam kung gaano katagal ba itong naghihintay sa labas at hinayaan lang akong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. "Oo, ok na ako and this time totoo na." nakangiti kong sinabi na dito, mukhang malaki ang naitulong ng pag-iyak kong iyon dahil bahagyang gumaan ang nararamdaman ko. Nang makalabas na ako sa cubicle ay nakita ko itong tahimik lang na naghihintay sa akin, hindi ko naman napigilan ang sarili ko na yakapin ito ng mahigpit bilang pagpapasalamat sa suporta nito sa akin, hindi ko nga lang inaasahan ang sunod nitong ginawa. "Aray naman Carmela! Bakit mo ba ako binatukan?" pagrereklamo ko dito habang marahang mimamasahe ang batok ko. Bigla na lang kasi ako nitong binatukan matapos nitong kumawala sa pagkakayakap kong iyon. "Iyon na ang huling beses na maglilihim ka sa akin Annalise, bestfriend mo ako kaya naman kahit na gaanong kababaw man yang pinagdadaanan mo ay gusto kong malaman, nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso nitong sinabi sa akin. "I promise, and I'm sorry." ang tanging nasabi ko dito, this time ay pipilitin kong wala nang ilihim dito habang magkasama kami sa bahay, matapos nga ang pag-uusap naming iyon ay muli ko itong niyakap ng mahigit. Tuluyan nang nawala ang bigat sa dibdib ko ng dahil sa hindi ko pagkapanalo ng makalabas na kami ng cr, natanggap ko na din na bahagyang mauudloy ang pagkikita naming iyon ni Treyton, for sure naman may chance pa din naman sa future na makita ko ito, hindi nga lang ngayon. It's really nice to have a bestfriend like Carmela, iyong tipong makakaramay mo sa kahit na anong maari mong pagdaanan sa buhay, I am just so happy na naging matalik kong kaibigan si Carmela. Agad na kaming dumiretso sa kasunod naming klase at gaya ng inaasahan ay nakarinig kami ng sermon dahil sa pagiging late namin, mabuti na lang at pinapasok pa din kami ng Prof namin na iyon. Sandali naman akong napatingin kay Carmela ng makaupo na ako sa puwesto ko, agad din naman itong napatingin sa akin at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Mabilis na lumipas ang mga oras hanggang sa matapos na ang huling klase namin ng araw na iyon, hindi na ako sumabay kay Carmela sa pag-uwi dahil kinakailangan ko pang dumiretso sa library, dahil may assignment pa akong hindi ko masyadong maintindihan, matapos ngang magpaalam kay Carmela ay agad na akong naglakad papunta sa library. Agad kong hinanap ang mga librong kakailanganin ko para sa assignment kong iyon at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa counter. "Good afternoon po Mrs. Marquez." nakangiti kong bati sa naabutan kong librarian, ni hindi man lang ito nangiti na para bang wala sa bokabularyo nito ang salitang iyon. "Anong maganda sa hapon?" masungit nitong tanong, minabuti kong ipagkibit balikat na lang ang sinabi nito, sa lahat naman kasi ng estudyante ay ganito, kaya sanay na din ako. Naisipan ko kasing iuwi na lang ang mga librong iyon para sa bahay na magsagot ng mga assignment ko, mas ok na iyon para hindi ako magahol sa oras. Matapos nga noon ay nagpasya na akong umuwi, sandali ko munang inayos ang bag ko, medyo mabigat kasi ito ng dahil sa mga librong hiniram ko sa library. Papalabas na sana ako ng school ng bigla kong naramdaman ang pagvavibrate ng cellphone sa bag ko, kaya naman agad akong tumigil para hanapin ang cellphone ko na iyon, naisip ko kasing baka tawag iyon mula sa pamilya ko sa isla. Hindi naging madali sa akin na makita ang cellphone ko lalo na at madami ang nakalagay sa bag ko. "Finally!' sa loob loob ko ng makapa ko na ang cellphone ko,  bigla naman nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko ang unknown number na nakaregister sa screen ng cellphone ko. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ang tawag na iyon at nang nagpasya akong sagutin iyon ay saka naman natapos na ang pagriring noon, ibabalik ko na sana ang cellphone sa bag ko ng muli iyong magvibrate at nang tignan ko ang number ay nalaman kong ito pa din ang tumawag sa akin. Agad ko naman itong sinagot, dahil mukhang importante ang tawag na iyon, hindi naman siguro ito muling tatawag kung hindi talaga mahalaga ang tawag na iyon. "Hi... good afternoon. I'm looking for Annalise Marie Santiago?" narinig kong tanong sa kabilang linya ng sa wakas ay sagutin ko ang tawag nito. Hindi pamilyar sa akin ang boses na narinig ko kaya naman bahagya akong nag-alangan na sagutin ang tanong nito. "Uhmm... sino po sila?" magalang kong tanong, hindi ko agad sinagot ang tanong nito dahil mahirap nang baka mabudol ako. "This is Elena at gusto ko lang sanang ipaalam sayo na ikaw ang napiling winner para makadate si Treyton Ocampo." excited nitong sinabi, imbes na maexcite ay isang malakas na pagtawa ang lumabas sa bibig ko. "Mukhang nagbibiro po kayo. Sino ba ito? Kaklase kasi siguro namin ni Carmela no?" panghuhuli ko dito, naisip ko kasing kaklase ko lang ang makagawa nito lalo na at hindi ko naman basta basta binibigay ang cellphone number ko. "No... I'm actually serous." pamimilit nito sa akin. "Stop joking around, kung hindi mo pa alam ay naannounce na noong sabado iyong winner, at kanina nga ay pinakilala na sa show iyong suwerteng babae at hindi ako iyon. Tapos sasabihin mong ako ang winner." natatawa ko pa din na sinabi dito, natatawa kasi ako dahil mukhang epic failure talaga ang pagbibiro nito sa akin, prank failed para dito, maling tao kasi ang prinank nito lalo na napanood ko lang din kanina. "Yes totoo ang sinabi mo, pero nalaman kasi namin na may ginamit na program ang naturang winner para dumami ang mga likes ng video niya, kaya naman ayon sa patakaran ng contest ay kailangan namin siyang idisqulify at dahil ikaw ang pangalawa sa pinakamaraming likes na nakuha kaya naman ikaw ang totoong nanalo sa contest." patuloy nitong pangungumbinsi sa akin, ngunit kahit anong sabihin nito ay hindi pa din ako naniniwala. "Please tigilan ninyo na ako, hinding hindi niyo talaga ako maloloko. Sino ba ito? Si Lucy ito no? O si Cassandra?' panghuhula ko sa dalawa kong mga classmates na maaring tumatawag ngayon, at kahit anong gawin nilang pagpapaliwanag ay sarado na ang isip ko, ngayon pa ba na nakaget over na ako na hindi ako ang nanalo sa contest. "Treyton! Kausapin mo nga ito, ayaw pa din maniwala kahit anong sabihin ko." narinig kong sinabi nito sa kabilang linya, mas lalo tuloy akong natawa, dahil mukhang paninindigan talaga ng taong ito hanggang mapaniwala nila ako, at talaga kunwari pa akong ipapakiusap kay Treyton samantalang kilalang kilala ko ang boses ni Treyton Ocampo. "Hi! This is Treyton Ocampo." bigla ko namang nahigit ang paghinga ko ng marinig ko ang baritonong boses sa kabilang linya. Kahit kailan ay hinding hindi ko maipagkakamali ang boses nito sa kahit na kanino, at dahil sa pagkagulat kong iyon ay hindi ako agad na nakapagsalita, habang nakatingin lang sa kawalan. "Congratulations for winning, someone from our staff will give you a call on Friday para maasikaso ang lahat ng preparations, can't wait to meet you in person." iyon lang at binalik na nito kay Elena ang phone, at madaming mga instructions ang sinabi nito na hindi man lang nagregister sa isip ko dahil ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay nasa cloud nine ako, dahil maliban sa nakausap ko si Treyton Ocampo ay makikita at makakadate ko pa ang naturang binata. Hindi nagtagal ang tawag na iyon at ilang sandali lang ay naglalakad na ako pauwi ng bahay nang maabutan ako ni Carmela. "Ano ka ba naman Annalise Marie, kanina pa kita tinatawag ni hindi mo man lang ako pinapansin." nakakunot noong pagrereklamo nito sa akin. "Carmela... makakadate  ko si Treyton, si Treyton Ocampo makakadate ko." wala sa sariling sagot ko dito. "Ha? Pero akala ko may iba nang nanalo?" naguguluhan naman nitong tanong, kaya naman minabuti kong ipaliwanag dito ang natanggap kong tawag kanina at kung paano ko nakausap ang iniidolo kong si Treyton. Muntik na akong mabingi ng bigla na lang tumili si Carmela, bigla tuloy napalabas si Tita Carmen ng dahil sa pagtiling iyon ni Carmela. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tita Carmen ng humahangos itong napalabas sa kusina. "Sorry Mom, si Annalise kasi nanalo sa contest at makikita na niya ang idol niya." nakangising sagot nito sa sariling ina, habang nakapeace signed. "Wow congratulation Annalise, nakakatuwa naman na makikita mo na din si Treyton, pero please huwag kayong masyadong maingay at baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay." naiiling naman na sinabi ni Tita Carmen at matapos nga noon ay muli na itong bumalik sa kusina. Naiwan naman kami ni Carmela na masayang nagkukuwentuhan sa mangyayaring pakikipagdate ko kay Treyton, hindi na talaga ako makapaghintay na dumating na ang araw ng Sabado. Ang araw kung saan sa wakas ay makikita ko na at personal ko nang mapapasalamatan ang iniidolo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD