CHAPTER 2: A Chance to Meet my Idol

2283 Words
-=Annalise Marie’s Point of View=-   Sabado ng umaga, walang pasok, kaya naman hindi ko kinakailangan maagang gumising, pero kahit na ganon ay nag-decide na akong bumangon, habang si Carmela naman ay himbing na himbing pa din sa pagkakatulog nito. Nang makalabas ako ng kuwarto ay dumiretso na ako sa kusina, kung saan ko naabutan si Tita Carmen na abala sa pagluluto ng almusal para sa amin. “Good morning Annalise, bakit ang aga mo naman atang nagising, eh wala naman kayong pasok ngayon?” tanong nito sa akin matapos nito akong mapansin. “Nasanay lang po talaga ako nang nasa isla pa ako, maaga po kasi kaming magising sa bahay.” Sagot ko naman dito, nagpaalam naman ako dito na kung puwede akong maglinis ng bahay. “Annalise…hija, hindi mo naman kailangan gawin yan dito, hindi ka na din iba sa amin, parang anak na ang turing namin sayo, at hindi ka naming inoobliga na gawin ang bagay na iyon.” pagtanggi nito. Hindi ko naman maiwasang hindi ma-touched sa sinabi nito, kaya mas lalo akong nagpumilit na gawin ang bagay na iyon, sa paglilinis man lang ng bahay ay masuklian ko ang kabutihan na pinapakita nila sa akin. Wala na din itong nagawa kung hindi ang sumang-ayon ng dahil na din sa pagpupumilit ko. Agad kong sinimulan ang paglilinis, naisipan ko naman simulan na muna sa sala, kung saan ako nagwalis-walis, nagpunas ng mga gamit doon, at matapos sa sala ay sinunod ko namang linisin ang banyo. Sa totoo lang ay hindi naman masyadong mabigat ang maglinis dito, dahil mas mabigat at mahirap pa ang ginagawa ko nang nasa isla pa ako, maliban pa doon ay araw-araw din naman kung maglinis ng bahay si Tita Carmen, kaya halos wala akong makuhang kalat sa paglilinis kong iyon, maliban na lang sa mangilan-ngilang alikabok. Sa tagal ng pananatili ko sa bahay nila Carmela ay puro magaganda ang masasabi ko, magmula kasi ng tumira ako sa kanila ay pinaramdam nila na welcome ako sa bahay ng mga ito, at maliban pa doon ay anak na din ang turing sa akin ng mag-asawa, idagdag pa na hindi na lang parang best friend ang turing sa akin ni Carmela, kung hindi para na ding kapatid. Bandang alas siyete ng matapos ako sa paglilinis, sakto naman nang mabungaran ko si Carmela na halatang bagong gising pa lang, pupungas pungas pa ito habang tinatawag ang pangalan ko. “Ang aga mo naman nagising.” Humihikab pa nitong sinabi ng makita ako sa sala, matapos kasing maglinis ay minabuti kong magpahinga na lang sa sala, agad naman ako nitong tinabihan. “Na siyang dapat mong tularan Carmela, hindi yang tanghali ka na kung magising, ni hindi ka man lang makatulong sa mga gawain dito sa bahay.” Laking gulat namin nang marinig ang sinabing iyon ni Tita Carmen, hindi kasi naming napansin na nasa sala na pala ito. “Kasalanan mo to.” ang nabasa kong sinabi nito Carmela base sa buka ng bibig nito. Agad akong napamaang nang dahil sa sinabi nito, hindi ko alam kung paano ko naging kasalanan iyon, gayong totoo naman ang sinabi ni Tita na tanghali na ito kung magising, sandali ko munang ipinikit ang mata ko para magpahinga. Bandang alas ocho nang maramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko at nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko si Carmela pala iyon, at inaaya na pala ako nitong kumain ng almusal. Sandali muna akong nag-streching at matapos nga noon ay sumunod na ako sa kusina, kung saan nakahanda na ang pagkain na niluto ni Tita Carmen. Kaming tatlo lang sa bahay ng araw na iyon, pumunta kasi si Tito Arnaldo sa Maynila para samahan ang amo nito. Si Tito Arnaldo ay nagtatrabaho sa isang pulitiko sa lugar naming, kaya naman hindi kataka-taka kung bigla na lang itong umaalis katulad nga ngayong araw.  “Kamusta naman ang pag-aaral ninyong dawala?” narinig kong tanong ni Tita Carmen. “Maayos naman po Tita, si Carmela po ay maganda ang performance sa school.” Sagot ko dito. Hindi naman nakaligtas sa akin ang palihim na pagkindat ni Carmela, mukhang kahit paano ay nakabawi na ako sa kasalanan ko daw dito kanina.  Nagpatuloy ang masayang pagkukuwentuhan namin habang magana naming pinagsasaluhan ang pagkain sa hapag. Matapos kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin, samantalang si Carmela ay muling bumalik sa kuwarto para marahil magpahinga. Naiwan naman kami ni Tita Carmen sa kusina. “Ikaw na ang bahala sa best friend mo Annalise, alam mo naman may pagkapilya ang batang iyan.” narinig kong sinabi nito. “Huwag po kayong mag-alala, mabuting tao po si Carmela at kahit mukhang hindi siya seryoso sa pag-aaral ay masasabi ko pong dedicated siya sa course na kinuha namin.” nakangiting sagot ko dito. Matapos magpaalam kay Tita Carmen ay minabuti kong dumiretso na din sa kuwarto, at nang nasa kuwarto na ako ay agad kong kinuha ang magazine na binili ko kung saan na-feature si Treyton. Hindi ko na pinansin ang ginawang pag-iling ni Carmela nang dahil sa muli kong pagbabasa sa naturang magazine, eh anong magagawa ko kung ito na lang talaga ang kaligayahan ko. Mag-aalas dose na ng muli kaming tawagin ni Tita para magtanghalian, agad ko naman inaya si Carmela at sabay na kaming dumiretso sa kusina. Nasa kalagitnaan na kami ng tanghalian nangg biglang natawag ang buong atensyon ko sa narinig ko mula sa naka-on na telivision. Ayon kasi sa commercial ay guest pala si Treyton sa isang noontime show, kaya naman sadyang binilisan ko ang pagkain, hindi ko na din pinansin ang makahulugang pagtitinginan ng mag-ina, alam naman nila kung gaano ako ka-die hard fan ni Treyton. Nang matapos kumain ay sandali akong nagpasalamat kay Tita Carmen para sa masarap na pagkain, at matapos nga noon ay dali dali na akong dumiretso malapit sa tv. Ilang sandali akong naghintay, hanggang saw akas ay muling bumalik ang naturang palabas, pero mukhang hindi pa nila ipapakita si Treyton, kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang maghintay. Muling nagpatuloy ang segment ng naturang show, ilang sandali lang ay nagsalita na ang isa sa mga host ng naturang noontime show.  “Guys! Mamaya na ay makikita na ninyo ang ating crush ng bayan na si Treyton Ocampo, kaya stay-tuned para sa isang good news para sa kanyang mga tagahanga!” puno ng energy nitong sinabi, hindi naman nakaligtas sa akin ang tila kilig ng naturang host, kaya masasabi kong may gusto din ito kay Treyton. Pakiramdam ko naman na sobrang bagal ng oras habang naghihintay, mabuti na lang at kahit paano ay mga commercials ni Treyton ang pinapakita. Hindi ko mapigilan ang ma-excite kung ano bang sopresa ni Treyton para sa mga fans nito, at bilang isang die hard fan ay sigurado akong susuportahan ko kung anumang announcement nito mamaya. “Baka naman sasabihin lang niyang meron na siyang girlfriend.” Natigilan naman ako sa sinabing iyon ni Carmela, hindi ko nga nalamayan na nakalapit na pala ito at nang tignan ko ito ay abala na ito sa pagkain ng ice cream, agad itong dumiretso sa sofa kung saan ako nakaupo. “Ano ka ba Carmela! Don’t say bad words nga.” iritable ko namang sinabi dito na tinawanan lang nito, pero ng dahil sa sinabi nito ay bigla akong napaisip kung paano nga ba kung magkaroon na si Treyton ng girlfriend? O paano nga kaya kung meron na pala itong girlfriend at tinatago lang nito para maprotektahan ang kasikatan nito. Sa panahon kasi ngayon ay maraming mga fans ang seloso at selosa na para bang wala ng karapatan magkaroon ng pribadong buhay ang kanilang mga iniidolo. Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko kapag nga nagkatotoo ang sinabi ni Carmela, pero sigurado akong patuloy ko pa din susuportahan si Treyton kahit na magkaroon na ito ng girlfriend, ang pinapangambahan ko lang talaga ay ang ibang mga fans nito. Agad ko naman binura iyon sa isip ko, I’ll just cross the bridge when I get there at katulad nga ng sinabi ko ay susuportahan ko pa din si Treyton kahit na anong mangyari. Muli namang bumalik ang atensyon ko sa TV ng sa wakas ay bumalik na ang pinapanood ko, ilang sandali lang ay tinawag na din sa wakas ang pangalan ng iniidolo ko, maririnig ang hiyawan ng mga tagahanga nito sa studio. Mapababae, mapabading, bata at matanda ay para bang kinikilig nang tuluyan ng magpakita si Treyton, mas lalo pang lumakas ang ingay sa studio nang ngumiti ito na nagpalabas sa mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin, idagdag pa ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi na mas lalo nakadagdag sa charm nito. Para naman akong nahipnotismo habang pinagmamasdan ang guwapo nitong mukha, parang nakalimutan ko na ang oras habang nakatingin lang dito, ni hindi ko na nga din napakinggan masyado kung anuman ang mga sinasabi nito, nakalimutan ko na ding alamin kung ano ba ang good news na sinabi nito kanina. Hanggang sa matapos ang naturang palabas ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko, patayo na sana ako para dumiretso sa kuwarto nang tawagin ako ni Carmela pabalik. Bigla akong napabalik habang nakakunot ang nook o, mas lalo akong naguluhan nang makita ko ang kakaibang ngiti ni Carmela. Halata sa reaksyon ng mukha nito ang pagpipigil na matawa ito sa hindi ko malamang kadahilanan.  “Wala ka man lang bang magiging reaksyon?” nanunudyong tanong nito na lalong nagpagulo sa akin. “Anong ibig mong sabihin wala man lang akong reaksyon? Ito nga oh sobrang saya ko dahil nakita ko siya sa TV.” Sagot ko naman dito, ngunit hindi na nito napigilan ang sarili at humagalpakna ito ng tawa.  “My goodness Annalise Marie… ni hindi mo man lang ba pinakinggan ang sinabi niya kanina at masyado kang nag-focus sa mukha ng taong iyon?!” napapailing nitong tanong. Pinigilan ko naman magpahalata ng pagkapahiya nang dahil sa sinabi nito, dahil mismong iyon ang nangyari kanina. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dito, ayoko kasing makita nito na guilty ako at dahil sa ginawa ko ay hindi ko nakita ang pag-ikot ng mga mata nito, pero narinig ko ang pagbuntung-hininga nito. “Ok! Promise me, bago ko sabihin sa iyo ang sinabi ni Treyton kanina, mangako ka na hindi ka magiging O.A, gusto ko lang kumalma ka.” Kunwaring seryosong sinabi nito, pero kita ko naman sa mga mata nito ang panunukso. Pinigilan ko na ang sarili kong sagutin ito, dahil baka mas lalo pa itong manadya kung sasagot pa ako, kaya naman nanatili na lang akong walang imik at tanging tango lang ang naging sagot ko dito. “Well, ang announcement kanina ay tungkol sa contest sa TV show ng iniendorsong clothing brand ni Treyton, at ayon sa announcement ay ang premyo ay ang chance na maka-date si Treyton sa Manila. Free lahat, mula travel expenses, lodging at pati na din ang susuotin mo sa mismong date ninyo ay kasama.” tila balewala nitong sinabi. Natulala naman ako habang nanglalaki ang mga mata ko sa sinabi nito, wala sa sarili akong napatitig dito na para bang hinihintay na sabihin lang nitong joke lang ang sinabi nito, ngunit nang hindi mangyari iyon ay isang tili ang hindi ko napigilan na kumawala sa bibig ko. Agad naman napatakip sa tenga nito si Carmela. “Saan ang sunog?!” ang humahangos na tanong ni Tita Carmen mula sa kusina, kitang-kita sa mukha nito ang labis na nerbyos sa ginawa kong pagtiling iyon, bigla tuloy akong nahiya nang dahil sa nangyari, samantalang si Carmela naman ay napatawa ng malakas. “Naku Mom! Walang sunog, ito lang si Annalise masyadong na-excite sa nalaman, kaya iyon hindi napigilang tumili.” paliwanag naman nito sa ina. Sa narinig ay napapailing na lang na bumalik si Tita Carmen sa kusina para ituloy ang ginagawa nito.  “Bes! Kailangan ako ang mapili, chance ko na ito para makita si Treyton.” puno ng determinasyon kong sinabi dito nang tuluyang makabalik ni Tita Carmen sa kusina. Maliban sa chance na makita si Treyton ay nakaka-excite din dahil wala naman akong gagastusin kung sakaling ako ang mapili, dahil cover ng lahat ang expenses ko. “Huwag kang mag-alala, naturingan mo pa akong matalik mong kaibigan kung hindi kita tutulungan sa abot ng makakaya ko.” nakangiti nitong sinabi. Ito ang isa sa mga gusto ko kay Carmela, oo nga at pinagtatawanan nito madalas sa pagiging die-hard fan ko, pero very supportive naman ito sa gusto ko, alam din kasi nito na ito na lang ang nagpapasaya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapayakap dito ng mahigpit dahil sa sobrang excitement na nararamdamanan ko. “Pero wait, paano bang sumali sa contest na iyon?” agad na tanong ko dito matapos itong makawala sa pagkakayakap ko. “Simple lang naman, kailangan mo lang sabihin kung bakit ikaw ang karapat-dapat na maka-date ni Treyton Ocampo.” sagot naman nito, naisip kong madali lang naman pala iyon, pero sandali lang iyo nang muli itong magsalita. “Oh by the way! Kailangan mo nga palang i-video ang sarili mo habang sinasabi iyon, at matapos mong i-video ang sarili mo ay saka mo naman iyong ipo-post sa official f******k account ng show, at magbe-base sila sa number of likes kung sino ang pipiliin nila.” pagpapatuloy nito, bigla naman lumaylay ang mga balikat ko sa sinabi nito. Agad namang naintindihan ni Carmen ang naging reaksyon ko, mahiyain kasi ako kaya naiilang ako kung i-video ko ang sarili ko, pakiramdam ko tuloy ay may kung anong bagay ang humahalukay sa sikmura ko ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD