-=Annalise Marie’s Point of View=-
"Hi! I'm Annalise Marie Santiago from the beautiful island of Romblon and I..." ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad na akong pinutol ni Carmela.
“Ano bang klase introduction yan Annalise, hindi ka naman sumasali sa beauty contest, at sigurado akong sasabihin mo sana ay ang I believe blah blah.” naiiritang sinabi nito sa akin.
Napabuga naman ako ng hangin nang dahil sa sinabi nito, tama naman talaga ang sinabi nito, tinatalo lang siguro ako ng labis na kaba lalo na at hindi naman talaga ako sanay sa mga ganitong bagay at kung hindi lang sa kagustuhan kong makita ng personal si Treyton ay hindi ko gagawin ang bagay na ito.
Nang matapos kasi naming mapanood si Treyton sa TV at matapos ipaliwanag sa akin ni Carmela ang kailangan kong gawin ay agad ko na itong inaya sa kuwarto para subukan mag-video ng magiging entry ko sa contest.
“Sorry, kinakabahan lang talaga ako.” nahihiya ko naman na paliwanag dito.
“Ito na lang ang isipin mo bes, gusto kong isipin mo, kung bakit ba ganoon na lang ang paghanga mo kay Treyton? Anong meron sa taong iyon para magustuhan mo siya ng ganyan?” seryosong tanong nito.
Nang dahil sa sinabing iyon ni Carmela ay bigla akong napaisip, hindi ko na nga namalayan nang bigla nitong pindutin ang cellphone na siyang ginagamit nito sa pagkuha ng video ko.
“Hindi ko din sigurado eh, pero nang dahil kasi kay Treyton ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ngumiti sa tuwing magigising ako sa umaga. Siya kasi ang naging inspirasyon ko para magsumikap sa buhay.” napapangiting sinabi ko dito.
“Noong araw kasi ay sobrang down na down ako nang dahil sa nangyari kay Nanang nang ma-diagnosed siya na may sakit pala siya sa baga, pero nang mapanood ko ang isa sa movie niya ay nagkaroon ako ng pag-asa na kaya kong malampasan ang lahat ng pagsubok ko sa buhay, basta magsumikap lang ako at harapin ang bawat umaga na may ngiti sa mga labi.” Nakangiti ko pa ding pagpapatuloy.
Muli ay naramdaman ko na naman ang kakaibang init na nanggagaling sa puso ko nang maalala ko ang araw kung kailan una kong nakita at napanood si Treyton.
Sobrang down na down talaga ako noon. Sobrang hirap na nga ng buhay naming, dumagdag pa ang nangyari kay Nanang.
Pakiramdam ko nga ay wala na akong makakapitan at maasahan pa, ngunit nang dahil sa pag-asang binigay sa akin ni Treyton ay nagawa kong makaahon sa nararamdaman kong kawalang pag-asa ko sa buhay.
“Ok, given na kung bakit mo hinahangaan si Treyton, gusto ko namang malaman kung bakit gustong-gusto mo siyang makita ng personal?” narinig kong muling tanong ni Carmela.
Hanggang ngayon ay wala pa din akong kamalay-malay na patuloy pa din ito sa pagre-record sa akin habang Malaya kong hinahayag ang nasa puso ko.
“Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya ng personal. Gusto kong ipaalam sa kanya na dahil sa kaya ay nakayanan ko ang hirap ng buhay.” wala sa sariling sagot ko dito.
Nang matapos ako sa pagsasalita ay saka lang akong napatingin dito ng diretso, saka ko lang din napansin ang kakaibang ngiti sa mga labi nito.
“Perfect!” malakas nitong sinabi.
Laking gulat ko nang bigla na itong sumigaw, excited naman itong lumapit sa akin para ipakita ang nakuhanan nitong video.
Saka ko lang nalaman na kanina pa pala ako nitong kinukunan ng hindi ko man lang nalalaman, ngunit hindi na din ako nagreklamo.
Sabay naming pinanood ang video ko, at habang pinapanood ko ang sarili ko sa maliit na screen ng cellphone ni Carmela ay saka ko lang din napagtanto kung bakit nag-decide si Carmela na kuhanan ako ng video ng hindi ko alam.
Base kasi sa resulta ng video ay masasabi kong mas natural lang ang nakikita kong reaksyon sa mukha ko, masasabing kong genuine ang mga sinabi ko kanina. Walang kaartehan, just a genuine desire of fan to meet her idol and to thank him for all the thing he did to her.
Agad namang hiningi ni Carmela ang approval ko at nang makuha ang go signal ko ay nagmamadali na nitong ini-pload ang video ko sa page ng noontime show kung saan gaganapin ang pa-contest na maka-date si Treyton.
Hindi ko namang maiwasang kabahan nang tuluyan ng mai-upload ni Carmela ang entry ko, umasa na lang ako na sana ay magustuhan ng mga tao ang video kong iyon.
Kung sakaling hindi man ako manalo ay umaasa akong sana ay mapanood iyon ni Treyton, doon man lang ay malaman nito ang epekto nito sa simpleng babaeng katulad ko.
“Ok, so kailangan lang nating maghintay. Ayon kasi kay Treyton ay tatagal ng isang linggo ang contest. Huwag kang mag-alala akong bahalang mangampanya sa school para mas madaming likes ang makuha ng entry mo.” nakangiting pangako nito.
“Naku huwag na! Nakakahiya naman masyado.” todo tanggi ko dito.
Nahihiya na nga akong mag-post ng video ko online, tapos ipagsasabi ko pa sa mga classmates at schoolmates ko ang tungkol doon.
“Gusto mo bang manalo sa contest na iyan o hindi?!” nakataas na kilay nitong tanong sa akin.
Wala na din akong nagawa kung hindi ang pumayag sa binabalak nito, eh sa totoo namang gusto ko talagang makita at makausap ng personal si Treyton, let me correct myself, hindi ko lang pala gustong makita at makausap si Treyton, kung hindi gustong-gusto ko.
Sinuportahan ko na lang ang plano nito, total naman ay ako naman ang may kagustuhan na sumali at manalo sa pa-contest na iyon sa TV.
Agad na nga din itong nagtrabaho, kung sino-sinong tao ang minessage nito sa iba’t-ibang online platform para lang ikampanya ang video entry ko online.
In fairness kay Carmela ay masasabi kong mas sikat ito at mas kilala ito sa school kumpara sa akin, kaya nga siguro malakas ang loob nitong mamilit ng mga kakilala nito na i-like ang post ko.
Hindi naman kataka-taka na maging sikat ito sa school, maliban kasi sa maganda ito ay magaling din itong makisama sa ibang tao, kahit sino sa school ay gusto si Carmela.
Naalala ko tuloy noong unang magkita kami nito, ito pa nga ang unang lumpat sa akin noong unang araw naming sa school, at magmula nga noon ay naging mabuti na kami nitong magkaibigan hanggang sa tuluyan na kami nitong maging mag-best friend.
Si Carmela ang masasabi kong pinakatotoong tao na nakilala ko sa buong school life ko at ayon dito ang dahilan kung bakit nagustuhan ako nito ay dahil sa wala akong karate-arte sa katawan.
“Ok! Madami-dami na din akong na-message, at ang magagawa na lang natin ay patuloy na mag-promote sa video mo at hintayin ang magiging resulta ng contest.” nakangiting sinabi nito matapos nitong mag-message ng kung sino-sino
“Ganoon na nga lang ang magagawa natin, bahala na kung manalo ako.” tipid na ngiting sagot ko dito.
Dahil wala namang pasok ay naisipan kong magpaalam dito na uuwi na muna ako sa isla para naman madalaw at makamusta ko naman ang pamilya ko.
“Ikaw ang bahala, hanga talaga ako sayo Annalise, hinding-hindi ka talaga nagmimintis na mag-abot ng pera sa inyo.” napapailing nitong sinabi.
Hindi naman kaila dito na sa tuwing dumadalaw ako sa bahay ay nag-aabot din ako ng pera mula sa allowance na nakukuha ko sa school.
Imbes na magsalita ay isang malapad na ngiti na lang ang binigay ko dito, matapos magpaalam dito ay sunod kong pinuntahan si Tita Carmen para magpaalam naman dito.
Agad naman ako nitong pinayagan at sinabihan na mag-ingat sa pag-alis kong iyon, akma pa nga itong maghahanda ng pagkain na ipapadala nito sa pamilya ko, ngunit ako na mismo ang tumanggi sa gusto nito.
Muli akong bumalik sa kuwarto naming ni Carmela para mag-ayos ng sarili ko, sandali akong kumuha ng pampalit at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo.
Naisipan kong dumaan ng bayan, gusto ko kasing bumili ng pasalubong para sa pamilya ko, lalong-lalo na sa nakakabata kong kapatid.
Dala-dala ko ang mga gamit at nabili kong pasalubong ay agad na din akong dumiretso sa pantalan kung saan ako kailangang sumakay ng bangka para makarating sa isla.
Mabuti na lang at saktong naabutan ko ang kapitbahay naming na si Mang Oscar na kapareho ni Tatang na isa ding mangingisda.
“Oh Annalise! Dadalaw ka ba sa inyo?” tanong ni Mang Oscar nang makita ako nito, patuloy ito sa pagkakarga ng mga biniling gamit sa bangka nito.
“Opo sana, Mang Oscar, baka po puwedneg makisabay sa inyo?” nahihiyang tanong ko dito.
Mabuti na lang din at pumayag ito, kaya naman agad akong sumakay sa bangka nito, mabuti na lang at kahit paano ay naka-save ako ng dapat ay pamasahe ko.
May thirty minutes din ang biyahe papuntang isla kung saan kami nakatira, kumpara sa tinutuluyan ko sa main island ng Romblon ay payak lang ang pamumuhay naming sa isla.
Ang totoo nga niya ay hindi pa kami nakakabitan ng kuryente, kaya naman umaasa na lang kami sa baterya ng kotse kung saan kami kumukuha ng ilaw, pero kahit payak ang pamumuhay namin sa isla ay masasabi kong naging masaya naman kami, lalo na at nagtutulung-tulunga ang magkakapit-bahay.
Bandang alas-kuwatro na nang makarating kami sa isla, matapos magpasalamat kay Mang Oscar ay agad na akong bumaba sa bangka nito.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa bahay naming, agad ko ding namataan ang nakakabata kong kapatid na si Daniela na masayang naglalaro kasama ang ilang pang mga bata sa isla.
Nang makita ako nito ay nagmamadali itong tumakbo palapit sa akin at nang makalapit ito ay mahigpit itong yumakap sa bewang ko.
"Ate!" ang sigaw nito habang masayang nakayap sa akin, limang taon pa lang si Daniela, akala nga namin hindi na ako masusundan, ngunit laking gulat namin nang malaman naming buntis si Nanang at ipanganak nga si Daniella, isa sa mga dahilan ang nakakabata kong kapatid na ito kaya gusto kong magsumikap, gusto ko kasing makapag-aral din ito ng maayos.
Hawak hawak nito ang kamay ko at sabay na kaming nagpatuloy na naglakad papunta sa bahay.
"Magandang hapon po Nanang." mano ko kay Nanang nang makarating na kami sa bahay, naabutan ko pa itong naglalaba ng mga damit namin.
"Mabuti naman at nakabalik ka na Anna, nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghanda kita ng makakain?" masayang tanong nito sa akin, Anna ang nakasanayan tawagin sa akin sa isla, nitong nag-college lang ako na tinawag akong Annalise na siyang pangalan ko talaga.
"Busog pa po ako, may pasalubong nga po pala ako sa inyo." ang sinabi ko dito, sabay abot ng dala kong pasalubong.
Hindi ko maiwasang hindi kaawaan ang kalagayan nito, mas lalo atang pumayat ito kumpara noong huling punta ko dito, pero tinago ko na lang iyon dahil ayaw na ayaw ni Nanang na kakaawaan siya ng kahit na sino.
Agad nitong tinapos ang paglalaba at matapos nga non ay masaya na kaming nagkamustahan sa silong ng bahay, habang tahimik naman na kumakain ng dala ko si Daniela.
"Kamusta ka naman doon, hindi ka ba nahihirapan doon mag-isa?" nag-aalalang tanong nito sa akin, matapos ako nitong pagmasdan.
"Maayos po ang kalagayan ko, mababait po sila Carmela at ang magulang niya sa akin, kayo kamusta naman po kayo dito? Si Tatang kamusta naman?" tanong ko.
"Huwag mo kaming intindin dito maayos ang buhay dito sa isla, ikaw ang madalas naming naalala ng Tatang mo, dahil dito magkakasama kami samantalang mag-isa ka lang doon." malungkot nitong sinabi sa akin, kaya naman pinatong ko ang kamay ko sa kamay nito para iparamdam dito na maayos lang ako kasama ng pamilya ni Carmela.
Kahit anong tanggi nito ay pilit ko pa ding inabot dito ang allowance na nakuha ko sa school, nagtabi lang ako ng konting halaga para kung may mga project kami sa school.
Nalaman kong nag-extra pala si Tatang sa bayan para magkaroon ng extra income sa gastusin sa bahay at bandang alas siyete ng gabi nang dumating si Tatang.
Sabay sabay kaming naghapunan, kahit isang gasera lang ang nagsisilbing ilaw namin ay hindi naging hadlang iyon para ma-enjoy ko ang hapunan namin na iyon, iba pa din talaga kapag kasabay mong kumain ang pamilya mo.
Doon na din ako natulog at kinabukasan na din akong umuwi. Agad akong nagpaalam sa mga ito para bumalik sa main island, ayaw pa nga sana ni Daniela na pakawalan ako, ngunit matapos kong pangakuan ito ng bagong laruan ay hinayaan na ako nitong makaalis.
Sa totoo lang mabigat sa loob ko tuwing kailangan ko na silang iwanan at pinapangako ko kapag nagkatrabaho na ako at maging maayos na ang buhay ko ay magkakasama-sama na kaming pamilya, ibibigay ko ang buhay na pangarap ko para sa pamilya ko.