Draven served a deadly kick to a Nosferatu he was fighting for a couple of minutes. Kung kanina lang ay ini-enjoy niya ang pakikipaglaban nila ni Athan sa apat na Nosferatu na nasabat nila sa kagubatan, ngayon ay hindi na pagkatapos niyang marinig ang tinig ni Arabella na parang humihingi ng tulong. “Where are you going, moron?” tanong ni Athan nang mahalatang paalis na siya. “Hindi pa tayo tapos dito,” dugtong ni Athan sabay turo sa paparating na isang grupo ng mga bampira. “Nasa panganib si Arabella, Athan. I need to save her,” sagot niya na naudlot ang balak na pag-teleport. “Holy crap!” singhal ni Athan. “Huwag mong sabihing iiwan mo akong mag-isa rito? Look at them,” sinulyapan ni Athan ang mga paparating. “They are all Demonic Vampires. Pinamumunuan sila ni Claudiu Askena

